Kabanata 13
Adelaide's Point of View:
"Pinapahirapan mo pa kami! Mapapahamak pa kami dahil sa 'yo! Lintek kang bata ka at kami pa talaga tinataguan mo!"
Hindi ako sumagot at hinayaan s'yang magsalita sa harapan ko. Nasa bahay na ako ni Andrius at lahat ng tauhan ni Andrius ay nasa labas ng bahay. Bantay sarado ang buong bahay dahil sa akin aniya, baka raw tumakas ako. Hindi ko maintindihan kung anong kailangan niya sa akin dahil kung tutuusin ay wala namang kwenta ang buhay na meron ako.
"Leave her, I'll be the one who will scold her. Take them outside of this house, Rex," mahinahon na sabi ni Andrius.
I sighed and looked at them who were looking at me angrily like I had a super horrible problem to deal with. Iniwas ko ang paningin ko at agad kong narinig ang pagbubukas ng pinto at ang malakas na busina ng kotse. I was about to look at Andrius when a sudden slap came to my face. Tumagilid ang ulo ko at nangilid agad ang mga luha sa mga mata ko.
"Who are you with?" mariin na tanong niya. "Who told you to escape?"
"N-none," nanginig ang boses ko. "I escaped by myself—"
Isang malakas at nakakabinging sampal ulit ang natanggap ko galing sa kanya at dahil may suot s'yang singsing, nagkaroon ng sugat ang pisngi ko. Mariin kong hinawakan ang suot ko at tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Really huh? Do you remember our maid?" nakangising tanong niya.
"A-anong ginawa mo sa kanya?" kinakabahan na tanong ko. "Andrius! What did you do?"
He smirked and pulled my hair, dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I killed her."
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. That was his maid! Naging maid niya ang matandang 'yon sa loob ng maraming taon at naging kaibigan ng pamilya niya. Paano niya nagawa ang bagay na 'yon? Kumirot ang dibdib ko dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari sa kanya.
"Do you think you will escape that easily huh? Do you really think that I'm that dumb? Remember, Adelaide I have your family and some friends. I can easily bring her down or kill them if I wanted to," bulong niya malapit sa mukha ko.
"Don't involve them here! They didn't do anything to you! Sa akin ka magalit—hindi sa kanila. Wala silang ginagawa dito!" kinakabahan na sigaw ko.
He smiled evilly. "You will sacrifice yourself just for them? How brave, my dear wife."
Tinignan ko lang s'ya at napadaing nang tumama ang kamao niya sa panga ko. Napapikit ako at nakaramdam ng matinding hilo dahil sa ginawa niya. Malakas niyang sinabunutan ang buhok ko at dinala ako sa banyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bathtub na punong-puno ng tubig.
"Andrius—"
Huli na dahil nilublob niya ako sa punong-puno ng tubig na bathtub. Hindi ako halos makahinga kaya lahat ginawa ko para lang makawala sa kanya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na huminga nang i-angat niya ang ulo ko. I ran out of breath ngunit hindi pa doon natatapos, halos lunurin niya ako sa bathtub.
"Andrius, stop!" malakas kong sigaw.
"I will never stop! You already said that you will sacrifice right? Face it," galit na sabi niya.
Kinaladkad niya ako sa labas at nakita ko kaagad ang mga tauhan niya. Tumango s'ya sa mga ito at agad nila akong kinuha at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi man lang nila ako binitawan.
"No! No!" sigaw ko nang makita ang basement sa fourth floor kung saan malapit sa helipad—sa taas.
Binuksan nila ang pinto at agad akong hinagis doon. Akala ko ay tapos na ngunit pumasok si Andrius dala ang isang latigo na madalas niyang ginagamit sa mga binibiktima niya. Umiling ako at nagmamakaawa s'yang tinignan ngunit madilim ang mga mata niya, ang aura niya ay kasing dilim ng langit ngayon.
"Andrius…no! Please, I'm begging—Andrius!" He hit me using the latigo. "Andrius!"
"That's your punishment for not obeying me, Adelaide. I already told you that you're my slave and you have no rights to disobey me—"
"But you have the right to sex with another woman here in our house?" galit kong tanong. "You didn't respect me—not just your wife but also for being a woman!"
He hit me again and I cried loudly. Alam kong kaya ko 'to ngunit sa paraan ng pagkakahampas niya ay kasing hapdi ng mga sugat ko ang palo niya.
"Do you think someone like you will be respected? Look at you! You're just a cheap woman! You're a whore like your auntie!" sigaw niya.
"And you're too! You disgust me!" sigaw ko kahit pa halos hindi ko na marinig pa ang boses ko.
Mamamatay na lang rin naman ako ba't hindi ko pa sabihin ang lahat sa kanya. Mahapdi ang mga sugat ko ngunit hindi ko 'yon pinansin dahil gusto kong sabihin sa kanya lahat ng galit ko.
"Patayin mo na lang ako para hindi na ako mahirapan sa buhay na 'to! Wala na rin namang silbi ang buhay ko! Sige, gawin mo lahat ng gusto mo! Hindi ko rin naman gustong maging asawa ka! Kung maibabalik ko lang ang oras nung nasa auction ako...edi sana tumakas na lang ako! Napaka walang hiya mo, Andrius! Hayop ka! Wala kang kwenta!" sigaw ko. "Wala kang kwenta…hindi mo na ako ni respeto! Sinunod kita buong buhay ko! Sinunod kita na para bang ikaw na bumubuhay sa akin—wala kang kwenta! Sana mahuli ka—"
Malakas akong napasigaw ng isang malakas na sipa galing sa kanya ang natanggap ko. Napahiga ako sa malamig na sahig at umiyak. Sinubukan kong gumalaw ngunit wala na akong lakas para doon. I cried in so much pain and frustration. Bakit ba humantong sa ganto ang buhay ko? Sana nagsabi ako kay Malcolm.
Sana sinabi ko na lang kay Malcolm.
"Malcolm Gregory Frost huh?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Little did you know that he's a police officer and I've been haunting him for quite some time now."
I didn't speak. Naubos ang lakas ko.
"You didn't know anything, Adelaide. About your family…your real mother, father, and your sister. The tragedy in the past." Mas lalo akong natigilan at mas lalong nakinig sa kanya. "You were born rich ever since, Adelaide. You are one of the heirs of Salvador's. Poor little Adelaide because right now…I'm going to kill them one by one but first, let's have a game."
Natulala ako sa mga sinasabi niya. Mayaman? Ako? Hindi, baka nagsisinungaling lang s'ya dahil alam niyang matagal ko ng hinahanap ang mga magulang ko.
"Let's play hide and seek. Between you and your family, especially Malcolm, and the game begins…now."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top