Pangwalumpu't Walong Patak
HINDI PAHINGA NG KANLUNGAN
Ika'y magaling lamang sa salita
Dahil ika'y biglang nawawala
Naglalaho nang pagkatagal-tagal
At may kasama na palang iba
Habang ako ay nasa kadiliman,
Nalilito at nahihirapan
Hindi man lang ako sumagi sa iyong isipan
Dahil ako ay problema kung iyong titingnan
Hindi ako ang iyong pahinga,
Pasanin lang at abala
Nakakasawang kasama,
Parating nauuwi sa alitan tayong dalawa
Mahirap ako pakisamahan
Kaya pinipili mo ang iyong mga kaibigan
Inaaksaya lamang ang iyong oras na pinapahalagahan
Kung kaya ay pinipili mo akong iwasan
Babalik kapag nahimasmasan
Babalik na parang wala lang
Babalik kapag may kailangan
At mawawala ulit kapag nakuha ang kagustuhan
Iniiwan na naghihintay
Ngunit ako'y hirap kakaisip kung paano bibitaw
Hindi makalaya at patuloy na umaasa
Na maaayos pa ang pagsasama
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top