Pangwalumpu't Tatlong Patak
"Ang Hirap Mahalin Ang Sarili"
Ang hirap palang mahalin ang sarili
Ilang minuto lang ikaw ay nakangiti
Sa susunod ikaw naman ay bumabalik
Sa pagkukubli at pagsasabing mali
Ang gusto mong gawin.
Ang hirap mahalin ng sarili
Kung sa bawat hakbang na gagawin
Ay palaging sumasagi sa isip ang kanilang sasabihin
Na mali at hindi pwede na hindi maaari kasi
Hindi ka makawala at ang takot sa'yo ay mahigpit ang kapit.
Gusto kong lumaya
Gusto kong sumaya
Gusto kong maging katulad ng iba
Na hindi na inaalala ang sasabihin ng nakapalibot sa kanila
Magawa lang maging masaya at walang ginagawang masama.
Gusto ko nang makawala
Sa pagkakagapos sa akin ng pagdududa
Gusto ko nang lumipad
At maramdaman ang pagyakap sa akin ng simoy ng hangin na
Nagsasabing ikaw ay malaya
Malaya kang maging masaya
Malaya kang gawin ang sa'yo ay makakapagpapasaya.
Pero bakit ganito kahirap ang maging masaya?
Ang hirap lumaya nang hindi natatakot sa kalalabasan ng pasya.
Takot na hayaan ang sariling tahakin ang daan na para sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top