Pangwalumpu't Siyam Na Patak
PASANG BUHAT NG SIMPLENG SALITA
Sa isang iglap
Biglang nawala ang sigla
Nawala na ang tuwa
Sa bawat karangalang matanggap
Hindi na nagagalak
Sa magagandang sinasabi ng iba
Hindi malaman ang katotohanan
Sa bawat katagang natatanggap
Hindi na maiwasan ang pagdududa
Sa bawat kilos at salita
Hindi na mawala ang pag-aalala
Kung nararapat bang magtiwala
Sobrang bigat ng pakiramdam
Na gustong ipagsigawan sa madla
Hindi ako masaya at nahihirapan,
Nasasaktan dahil hindi na maintindihan.
Para saan pa ang pagsusumikap
Para saan ang lahat ng paghihirap
Kung wala itong saysay at binabalewala?
Paano maniniwalang totoo kung sinabi mong ito ay isang kalokohan?
Nakatatak na sa isipan
Nakamarka na parang isang pasa
Pasa na wala lunas
At kahit punasan ay hindi mabura.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top