Pangwalumpu't Apat Na Patak
TAGPO
Sa pagpikit ko ng aking mga mata
Mukha mo na naman ang aking nasisilayan
Hindi ka mabura sa isipan
Kahit hindi ikaw ang iginuhit sa akin ng tadhana.
Isa ka lang dumaraan lamang
Pansamantalang sisilong sa tabi ko kapag maulan.
Minsan lang rin naman kitang sinulat sa kwaderno,
Iginuhit na rin at pininturahan ang imahe mo.
Pero hindi ko pag-aari ang isang katulad mo.
Hindi ko matatawag na akin ang itiknakda na sa iba ni kupido.
Kailan kaya darating ang para sa isang katulad ko,
Iyong taong hahawakan ang kamay ko at hindi na bibitaw?
Yung taong hindi lilitaw lang kung kailan mas madali,
Yung hindi nawawala na parang bula na parang takot sa aking pagdungaw,
Yung hindi magtatago kung hahanapin ko at kailangan ko sa tabi ko.
Darating pa kaya ang taong iyon?
Sabi nila mayroong nakalaan sa ating lahat.
May isang taong iginuhit ang tadhana na para sa isa
Pero paano kung wala talagang sa akin itinadhana?
Maniniwala pa bang may itinakda ang kalangitan?
Magtatagpo pa ba ang landas ng mga taong naghahanap ng kapareha?
Makikilala kaya ang para sa kaniya?
Kailan kaya ang petsa at eksaktong lugar ng paparoonan
Ng mga tauhang gusto nang matagpuan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top