Pangsiyamnapu't Tatlong Patak
MAGULO ANG MUNDO
Nakakarindi ang ugong ng kanilang mga bulong
Nakakapagod pakinggan ang kanilang mga payo
Na bata pa raw ako, mahaba pa ang panahon
Huwag magmadali pero palagi akong naghahabol.
Hindi totoo ang marami pang pagkakataon
Hindi totoong maraming oras para sa batang katulad ko
Hindi totoong kailangan kong huminahon
Na kailangan kong bagalan ang aking takbo.
Maingay ang mundo
Kung pwede nga lang na sa isang pindot
Magawa kong mapatahimik at mapahinto
Magawa kong maglaho at hayaan na lamang ang mga tao
Kasi hindi totoong mapayapa ang mundo.
Ito ay magulo at patuloy na iikot
Hanggang sa magkabuhol-buhol
Hanggang sa ikaw ay masiraan ng ulo.
Siguro sumusobra na ako
Pero ito ang pinaparamdam sa akin ng mundo
Lumipas na ang maraming taon
Pero walang nagbabago
Nandito pa rin ako.
Gulong-gulo kung saan patungo
Kung saan walang gulo
Kung saan mapayapa ang isipan ko.
Gusto ko lang naman mapabilang sa mundo
Na mahinahon at magaan sa loob
Yung hindi ko kailangang magtago at tumakbo
Yung hindi kapos sa oras at nauubos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top