Pangsiyamnapu't Limang Patak
PAANO KUNG?
Inspired by the movie "Ngayon Kaya"
by Paulo Avelino and Janine Gutierrez
Patawad kung pinaghintay kita ng matagal
Patawad dahil kahit gaano pa katagal
Natakot pa rin akong sumugal, natakot subukan
Ngayon puro nalang panghihinayang.
Puro "paano kaya kung"
Puro "kung sinubukan natin noon"
Paano kung hindi natakot
At hindi pinalampas ang pagkakataon ?
Wala sigurong paano at baka
Wala sigurong sayang at sana
Wala ka sana sa piling ng iba
Tayong dalawa sana'y masaya.
Naging duwag ako at nakuntento
Akala ko hindi ka mapapagod at aalis sa tabi ko
Puro akala lang pala kasi wala namang permanente sa mundo
May hangganan ang kayang gawin ng tao.
Kaya patawad kung hindi ako sumugal sa'yo
Patawad kung naghintay ka sa taong hindi sigurado
Pero sana nasabi ko man lang sa'yo na minahal kita ng husto
Natakot lang akong mawala ang pagsasamang binuo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top