Pangsiyamnapu't Isang Patak
SUMUBOK AT WALANG SINUSUGAL
Habang nakatitig sa kawalan
Hindi ko maalis sa aking isipan
Kung tama ba ang naging pasya
Ang tuluyan nang bumitaw
Pinutol ang ugnayan
Winakasan na ang kahibangan
Hindi na maatim na makita
Ang imahe sa salamin na nasasaktan
Binulabog ang katahimikan
Pinagkait ang kapayapaan
Binigo ang pusong nagmamahal
At kahit ikaw ang nasa kamalian
Pinagtanggol sa mga kaibigan
Piniling samahan at pagbigyan
Inintindi ang iyong mga dahilan
Pero sa huling pahina ako pa rin ang kalaban
Ako ang kontrabida sa kwentong iyong sinimulan
Ako ang tauhan na pinahirapan ka lang
Malaki ang iyong panghihinayang
Pero buti wala kang sinugal kahit sa akin ay walang natira.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top