Pangalawang Patak

LUNGKOT
Dedicated to itsdineyeah

Pilit kong kinukubli ang aking lungkot
Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ko
Impit rin ang sigaw na gustong kumawala sa bibig ko.
"Malungkot ako!" pabulong na sigaw ko.

Bulong na gusto kong marinig ng madla,
Bulong na gusto kong mapansin naman nila,
Malungkot ako pero hindi nila alam
Gusto kong ipagbigay alam ngunit ako ay tatahimik na lamang.

Hindi naman kasi araw-araw masaya,
Hindi rin naman kasi sa lahat ng panahon ako ay matatag,
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa kong lumaban,
Nalulungkot, nasasaktan at napapagod rin minsan.

Sana marinig na ako kahit sa pamamagitan na lamang ng tulang ito,
Patak ng luha ang nagsilbing tinta ko,
Para mahabi ang bawat letra at tugma sa dulo
Ng tulang buhat ng pusong gusto nang sumuko.

—Writer_Lhey✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top