Pang Walumpung Patak

PAGHANGA

Sa unang pagkikita nating dalawa
May kakaiba na agad akong nadama.
Saya, kaba, magkahalo at hindi ko mawari kung ano ba,
Basta ang alam ko lang ito ay kakaiba.

Ngumiti ka at ako ay nahirapang huminga.
Naguguluhan ako sa bilis ng kaganapan,
Lumapit ako para ikaw ay makausap.
Natagpuan ko nalang ang sariling nahuhumaling sa iyong tawang parang musika.

Ilang sandali lang ay may panibagong tauhan akong nakita.
Kumakaway siya sa'yo at tumakbo ka naman sa direksyon niya.
Bakit biglang may pagkirot at ako ay parang kinakabahan?
Ang puso ko ay parang nasa karera.

Isa na naman ba itong maling akala?
Akala ko ito na iyong sinasabi nilang paghanga
Na posibleng pagmamahalan ang patutunguhan,
Panibagong akala na naman ba?

Kailan ko kaya matatagpuan ang aking sigurado na at hindi akala lang?
Hindi siguro, hindi baka, hindi pagpapantasya lang.
Niyakap mo ako at ikaw ay nagpaalam na.
"Hanggang sa muling pagkikita, mag-ingat ka," bulong ko sabay buntong-hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top