Pang tatlongpung Patak
KAMUSTA AKO?
Nandito na naman ako,
Nagsusulat ng tula na mula sa pusong
Pagod na't gusto ng sumuko—
Durog na durog na ang pagkatao.
Gusto kong magkwento, pero kanino?
Gusto kong ikwento, pero paano?
Gusto kong sumigaw, pero ang bibig ay nakatikom.
Gusto ko ng sumuko, pero bawal akong matalo.
Bakit nasa magulong pamilya ako?
Bakit hindi masaya at palaging sinasaktan ako?
Subukin ko mang gawin ang tama't inyong gusto,
Nakikita at napapansin lamang ang mga pagkakamali ko.
Gusto kong sabihin na pagod na ako,
Pero baka sabihin niyo na kadramahan ko lang ito
At nagpapapansin lang sa inyo.
Iyon naman talaga ang palaging bukambibig niyo.
Kinamusta niyo siya, habang ako kahit katabi niyo,
Kitang kita rin ang aking anino't
Buo rin ang presensya ko'y
Hindi niyo natanong ang kalagayan ko.
Akala niyo maayos lang ako,
Na masaya ako't walang problema sa mundo,
Na matatag ako't hindi pinanghihinaan ng loob,
Na hindi ako mapapagod at matatalo.
Kailan niyo kaya malalaman na ako'y
Malungkot at naiipon na ang sama ng loob?
Kailan ko kaya mailalabas ang lungkot
At masumbat na pagod rin ako?
Na kagaya niyo nahihirapan rin ako,
Na kagaya niyo gusto ng sumuko,
Pero lumalaban parin para sa inyo
Kahit na hindi kayo mabuti sa isang katulad ko.
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top