Pang talumpu't tatlong Patak

PAGLIMOT

Bakit ganoon, parang ang bilis mo atang makalimot?
Hindi ba't ikaw ay tumalikod at hindi nakinig sa aking payo?
Bakit ganoon, isang linggo't mahigit na ang isip ko'y magulo?
Ang paliwanag mo't paghingi ng tawad ay hindi ko narinig sa iyo.

Pero ngayon ako'y kinakausap mo na parang ang lahat ay maayos?
Mukhang ikaw ay tuluyan nang nakalimot.
Hindi ba't ako ay hindi pinagkakatiwalaan mo?
Nagtiwala ako sa'yo pero ito ay sinira mo.

Palaging sumasagi sa isipan ko ang mga tanong, kung bakit ako?
Kung may mali ba akong nagawa o nasabi sa iyo?
Mali ba ang aking mga naging payo?
Pinapakirot mo na namang muli ang aking puso.

Nakakalungkot alalahanin ang ginawa mo.
Gabi-gabing ginagambala ang isipan kaya palaging hirap makatulog.
Nalaman ko pa ang mga sinabi mo sa iba na sa akin ay nagpaguho.
Sino kaya ang may mali? Ikaw nga ba o ako?

Kaya kong magpatawad pero hindi mo ginawa.
Kaya kung makipagusap pero wala na ang tiwala.
Marami akong kayang gawin para tayo ay muling sumaya.
Pero ang paglimot ang hindi ko magagawa.

Dahil ako ay minsan mo nang binigo...Patawad!

—Writer_Lhey✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top