Pang-sampung Patak

Nang Tayo Ay Magwakas

Nasanay ako sa presensya mo't
Nabuhay na palaging nakakulong sa iyong mga braso.
Sanay na ang mga daliri ay kalingkis ang iyo
At sa boses mo na nagpapapayapa sa isipan kong palaging may bagyo.

Ikaw ang tanging paksa ng aking mga tula
Pati na rin sa liriko ng aking orihinal na mga kanta.
Ikaw parin, aking sinta, wala ng iba pa.
Marinig mo sana kahit hindi na ang pagsusumamo kong bumalik ka na.

Nang magwakas tayong dalawa,
Nagunaw ang mundo ko na parang sa isang nobela
Na inakala mong magiging masaya silang dalawa
Pero bumitaw lamang sa dulo ang isa.

Nang magwakas tayong dalawa,
Hindi ko na nakilala ang aking sarili pa.
Kahit ang pagkatao ay limot ko na
Ang dating ako noong hindi pa kita nakilala.

Nang magwakas tayong dalawa
Napuno ng luha ang aking mga mata
At ang tanging maririnig lamang sa kwarto ay ang aking mga palahaw.
Lungkot at pangungulila sa gabi ang palaging aking kayakap.

—Writer_Lhey✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top