Pang Pitumpu't Apat Na Patak

KAPE AT ULAN
Dedicated to NahumBasto

Bagong umagang maulan na naman.
Kagaya ng nakagawian, kape agad ang tinitimpla.
Pinili ko ang puro kahit matapang
Baka sakaling magawa ako nitong maipaglaban.

Madaya ka kasi kagaya ng ulan
Gusto kong sumaya at lumabas
Ngunit kinukulong mo ako dito sa silid ng kalungkutan,
Nakabalot sa kumot habang nagkakape, nakaharap sa bintana.

Nalulumbay at walang kasama, walang kayakap sa umagang
Mas malamig pa sa nangyaring hiwalayan.
Pero wala akong magagawa, mapait man ang sinapit natin kay tadhana,
Alam naman natin na ito ang tama.

Humigop akong muli ng aking kape at
Hindi ininda ang nakakapasong init at binaba ito sa lapag.
Kapag ba hinipan ko hindi na ako masasaktan?
Paano ko kaya maiinda ang mainit na kape at malakas na buhos ng ulan,

Kung ang kahulugan nito ay ang iyong paglisan?
Magagawa pa kayang mabalik ang sigla
Tuwing titila ang ulan at madadagdagan ang kape ng asukal,
Kung ang pagbangon ay hindi ko alam kung akin pa bang magagawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top