Pang Limangpu't Apat Na Patak
MAG-ISA
Malungkot ako ngayon
Kanina pa nag-uunahan ang mga luha sa mga mata ko
Gusto kong ikwento sa mga kaibigan ko
Pero natatakot ako kasi baka sabihing wala namang bago sa problema ko
Hindi ko maintindihan kong bakit ganito nalang palagi ang kalagayan ko
Pansamantalang sasaya pero magtatapos ang araw na malungkot
Nakakapagod, nakakapanghina ng loob
Ipipikit ang mata at bubuntong hinininga
Paulit-ulit ang sistema kung hindi naman ay pag-iyak ang ginagawa
Bakit ang hirap? Gusto ko lang naman ng pahinga
Yung masaya at walang problema
Pero siguro ito nga talaga ang reyalidad
Na kailangang matanggap at maranasan
Harapin at hindi dapat takbuhan
Kahit takot ka at mag-isa lamang
Papahiran ang mga luha
Tatayo sa aking mga paa
Magpapatuloy kahit na masaktan
Lalakasan ang loob para magtumpay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top