Pang Limampu't Limang Patak

PINAASA

Naaalala ko pa ang ngiti na sa'kin iyong iginagawad
Halakhak na nagmistulang musika sa aking mga tenga
Kitang-kita ko ang pagmamahal mula sa iyong mga mata
Sigurado na akong sa pagkakataong ito ako ay sasagutin mo na

Ngunit sa hindi kalayuan, isang pelikula
Mga alaalang masaya at nagmamahalan
Tumatawa ka at may kayakap kang iba
Hindi ako ang iyong kasama

Ano ang nangyayari?
Akala ko tayo? Ay hindi pala...Hindi pa!
Akala ko posible at siguradong magwawagi
Pero bakit? Maaari bang patayin ang palabas?

Umasa ako na magiging tayo na
Ngunit pinaasa mo lang pala
Bakit kailangang isampal sa aking mukha
Ng palabas niyong alam nang dudurugin ang isang katulad kong nagpakatanga?

Akala ko...oo puro akala lang
Maraming akala kasi umasa
Maraming akala kasi may motibong pinapakita
Maraming akala ang taong nagmahal pero pinagmukhang tanga

Bakit pa kita nakilala?
Nagbalat-kayong sa akin ay may nararamdaman
Yun pala ay may iba nang nagpapasaya
Pinaglaruan lamang ang nararamdan ng taong walang hiniling kun'di ang mahalin ka

Ngayon, kayo na
Masayang-masaya ka
Habang ako ay nandito at nagluluksa
Kasama ang mga palaisipang puro akala lang pala

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top