Pang labing walong Patak
AKALA
Dati akala ko kapag tumanda na tayo ay mas maintindihan tayo ng mga matatanda.
Dati akala ko kapag tumanda na tayo mas magiging masaya ang buhay.
Mali ako ng akala kasi kabaligtaran ang aking naranasan .
Akala ko rin dati kapag tumanda tayo ay mas madali nalang sa atin na gawin ang mga bagay-bagay.
Bakit kaya ganoon?
Bakit ang layo ng mga nangyayari sa mga akala ko noon?
Bakit ang sama ng mundo gayong kasiyahan lang naman ang hiling ko?
Kailan kaya magiging mabait sa akin ang mundo?
Nakakalungkot palang tumanda.
Palagi kang nalulungkot at nadidismaya,
Palagi kang nagkakamali at nahuhusgahan,
Palagi kang binabalewala at hindi napapakikinggan.
Hanggang akala nalang ba ang lahat?
Hanggang pangarap nalang ba ang mga gusto ko sanang matamasa?
Hanggang kailan ipagkakait sa akin ang kagustuhan kong sumaya?
Hanggang kailan kaya ako patuloy na iiyak at masasaktan?
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top