Pang labing tatlong Patak
PAGKAKAMALI
Nakahiga sa kama't yakap-yakap ang aking unan,
Binabalot ang sarili sa kumot ng kalungkutan
Dahil sa dalawang nagawa kong kasalanan.
Nag-uunahan rin ang walang prenong mga luha na galing sa aking mga mata.
Hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit ganito ako,
Palaging hindi nakakagawa ng wasto
At nadadamay ang ibang tao.
Nakakatakot isipin kung ano ang sa isip nila ngayon ay tumatakbo.
Siguro ay galit sila sa aking nagawa
O hindi kaya ay hinuhusghan na ako at—
Pinag-uusapan dahil sa katangahang nagawa.
Pero maaari namang ako lang ang nag-iisip ng masama,
Na baka sumubra ako sa pag-iisip
Na ngayon ay nagagawa kong saktan ang sarili
At baka ako lang naman talaga ang apektado sa nangyari.
Ako nga lang siguro ang ngayon ay nag-iinarte.
Gusto ko ng papayapain ang aking isip
Para makatulog ako ng mahimbing at nakangiti ngayong gabi.
Sana ang iniisip ko ay mali
Sapagkat ang utak ko ay kanina pa binabalik ang aking pagkakamali na tila ba'y wala itong balak na tumigil.
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top