Pang labing isang Patak
Kung Siya Man
Madaling araw na pero nandito parin ako sa labas
Yakap-yakap ang sarili kong binabalot ng lamig dulot ng iyong paglisan
Sa aking kanlungan kung saan minsan mong ginawang tirahan.
Kung tatanungin mo ang aking kalagayan,
Ako ay hindi maayos at nalulumbay, pero teka—
Hindi mo nga pala iyon maitatanong kasi wala ka namang pakialam.
Lumisan ka nga ng walang lingon-lingon, doon palang ako ay iyo ng nabalewala.
Nakakalungkot ang nangyari sa ating dalawa.
Sa totoo lang, kahit isang buwan na simula ng magwakas ang tayong dalawa
Sariwa parin ang sugat na gawa ng iyong kataksilan
At pagpako sa pangakong ang ating pag-ibig ay pangmatagalan.
Maliwanag ang buwan at perpekto ang hugis niya.
Naisip kita dahil sa kaniyang ganda.
Siguro nakikita mo rin siya ngayon sa iyong bintana
Kaya kakausapin ko siya at magbabakasaling maipadala niya ang aking mensahe sa iyo, Aking mahal.
Oo, mahal parin kita tama ang iyong pagkabasa at ito na nga—
Kung siya man ang sa iyo'y nakakapagpapasaya,
Huwag kang matakot at mangamba, masaya ako sa inyong dalawa.
Kung siya man ang taong gusto mong ipakilala sa iyong pamilya kahit akala ko ay ako sana,
Ayos lang! Ako pa nga ang magbibigay sa inyo ng basbas kung nanaisin mo lang.
Kung siya na ngayon ang iyong minamahal
Kahit noon sa akin iyo iyang pinangalan,
Ayos lang, siguro siya talaga ang mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal.
Kung siya man ngayon ang hinihiling mong makasama habang buhay—
Kahit masakit sa aking sabihin ito ay pinapalaya na kita,
Tuparin mo sana sa kaniya iyan at huwag ng maghanap ng iba pa.
Huwag sanang umabot pa kami sa lima, iyong papangakuan pero iiwan lang rin naman.
Pinapaubaya na kita at malaya ka na sa aking pagmamahal.
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top