Pang dalawampu't walong Patak

TULANG HINDI TUGMA
Dedicated to Swe3tNCold

Dumarating talaga sa buhay ng isang tao
Kung saan mapapatanong ito
Kung ang tulang nagawa ay tugma
At angkop nga ba ang mga salita na ginamit niya.

Nakilala kita at nasabi kong baka ikaw na,
Ang matagal ko nang hinihintay.
Na baka ikaw ang nakalaan at nakatadhana
Sa isang babaeng umaasa na—

Balang-araw ay makakakilala nang taong magpapahalaga sa kaniya.
Magmamahal ng tunay at tapat sa kaniya,
Makakasama sa tuwina at hindi iiwan,
Pero mapaglaro ang tadhana—

Mali ang nagawa niyang tula,
Hindi angkop ang mga salita,
Hindi tugma ang dulo ng bawat linya,
May mali sa saknong na nabuo niya.

Hindi ka maling tao at walang mali sa'yo
Nasa maling oras tayo, paumanhin at nagkamali ako
Parang isang tulang ginawang kanta ngunit wala sa tiyempo.

Isa tayong salitang magkaiba ang tunog.
Hindi maaring pagsamahin at mabuo
Dahil hindi tugma at hindi ako pwede sa mundo mo.
Sapagkat magkaiba tayo—

Siguro sa ibang piyesa ay maari pa
Ngunit sa tulang ito ay patawad,
Hindi tayo tugma at hindi maaring
pagsamahin sa isang tula kaya paumanhin,
Ang tulang ito ay akin ng tatapusin.

Kahit bitin at walang impit,
Wala mang kilig na hatid,
Sanay mabatid na ako'y nagdadalamhati,
Sapagkat kahit anong pilit ko ay hindi talaga pwede.

—Writer_Lhey✍️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top