Pang dalawampu't pitong Patak
HINDI TAYO PWEDE
Dedicated to @tunta
Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo
Ikaw pa ang napili ng puso ko?
Kahit alam kong hindi pwede ang ikaw at ako,
Na ang maabot ang isang katulad mo ay malabo.
Bakit umaasa parin ako kahit alam ko na ang sagot,
Sa tanong kung maari bang magkatotoo
Ang hiling na sana'y mapansin mo?
Umaasa parin na baka sa susunod ay muli tayong magtagpo't
Pagbibigyan tayo ni tadhana,
Sasabihing maari na ang tayong dalawa,
Na ito na ang panahon ng pagsang-ayon niya sa ating pag-iibigan,
Pero ang lahat ay mananatiling isang pangarap lamang.
Bakit kasi sa lahat ng nakilala ay ikaw pa?
Bakit sa lahat ng pwede ay ikaw pa?
Ipilit ko mang pagtagpuin tayo sa pangalawang pagkakataon
Ay hindi pa rin umaayon sa atin ang panahon.
Sa bawat oras na magkasama ay gusto kong malaman
Kung parehas ba ng nararamdaman,
At kung ako ba'y tumatakbo sa isipan,
At kung ang puso ba'y parehong tumitibok para sa isa't-isa.
Habang tumatagal ang panahon na magkasama
Ay mas lalo akong nahihirapan
Na ang isang katulad mo ay makalimutan
ang isipin pa lang ay hirap na akong ikaw ay bitawan.
Magkaibigan tayong dalawa
Kahit gustuhin ko man na malaman mo na
Iniibig kita't matagal na
Ay hindi pwede dahil takot akong mawala ka.
Apat na taon ko itong tinago,
Apat na taon ko ring nilihim ang nararamdaman ko,
Apat na taon na puro sulyap tingin lang sayo sa malayo,
At apat na taon akong umaasa sa isang katulad mo.
Patawad sa kataksilan ng puso,
Nahulog sa magagandang salita mo,
Nahulog sa kabutihan ng puso,
Nahulog ang taong kaibigan lang sa paningin mo.
Hindi tayo pwede, iyan ang salitang nakalaan sa ating dalawa,
Pag-ibig ko'y mananatiling lihim na lamang,
Sapagkat hindi maari ang pagmamahal
Na nararamdaman para sa isnag kaibigan.
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top