Pang dalawampu't limang Patak
TULANG HINDI TUGMA
Dedicated to Swe3tNCold
May mga tulang hindi tugma
Isa na riyan ang ikaw at ako
Hindi pwedeng parehas na nasa dulo
Dahil magkaiba ang tunog nating dalawa
Tayo'y awiting hindi magka-tono
Kahit ang kwerdas man ay perpekto
Hindi maaaring pagsamahin
Dahil hindi maganda ang mabubuong himig natin
Pilitin mang ayusin ang kumpas
At magawang maayos ang sukat
Ang pagsusumikap ko ay walang saysay
Dahil sa tula pa lamang tayo ay hindi na tugma
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top