Pang apatnapung Patak

PANGARAP

Matagal na kitang pinagmamasdan
Inaasam na makamit at mapasakamay
Pangarap na gustong matupad
At pilit inaabot ng kamay

Hinahabol kita ngunit ikaw ay humahakbang palayo
Binibilisan ko naman ang aking kilos
Ngunit isang libong milya ang layo
Saan patungo ang distinasyong ito?

Pangarap na kita ng mata
Liwanag na nagpapasaya sa isang bata
Kailan ka kaya niya mahahawakan?
Kailan kaya niya mapupuntahan ang iyong kinaroroonan?

Ano kaya ang mainam na gawin niya?
Languyin ang karagatan?
Maglakbay sa lupa't himpapawid?
O isilid ang sarili sa daang makitid?

Nakakapagod kang habulin,
Nakakapagod kang abutin,
Kapag wala ka sa gabi't
Kapag hindi ka sumisilip.

Ngunit nabubuhayan ng loob
Kapag natatanaw ang munting linawanag na dala mo.
Nabibigyan ng pag-asa kapag naabot ng liwanag na dulot mo.
Mas lalong nagpupursigido ako.

Tag-ulan lang naman ang kalaban ko
Dahil doon nawawalan ng lakas ng loob
Hindi kasi batid kung kelan titila ito
At kung ilang araw na naman ang hihintayin ko

Bawat pagpatak ng ulan sa bubong
Ay siyang pagbuhos rin ng luha sa mga mata
Natatakot na baka mas lumabo
Ang makita at maabot ka

Matagumpayan kayang makamit ang pangarap?
Kung kasing layo ng buwan ang kinaroroonan
Kung katulad ng buwan, minsan ito ay hindi lumilitaw
Lumalabo at natatakpan ng ulap

Nawa'y sa aking pagtakbo
Sa bawat paghakbang ko palapit sayo
Ay may dulo ang tulay na ito
Kung saan maaabot ko na ang buwan na pinapangarap ko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top