Pang Apatnapu't Tatlong Patak

TALAAN NG NAKARAAN
Dedicated to Riiihiiina

Ang buhay ng tao ay parang sa isang libro
May simula at dulo
May mga pahina at kabanata ito
At nakatala ang lahat sa talaan nito

Sa talaan ng nakaraan
Makikita ang mahahalagang palatandaan
Para madaling alalahanin ang nakaraan na gustong balikan
Kahit ang mga alaalang dapat ay kinalimutan

Nakatala ang lahat dito
Kahit iyong sa atin ay nakakapagpakirot
Nakatala ang lahat dito
Kahit ang mga dapat ay binaon na sa limot

Nakatala rin ang mga masasayang alaala
Iyong masarap balikan
At mga pangyayaring sana'y walang wakas
Gunitang kasama ang minamahal

Isang simpleng talaan na nakalagay sa isa o dalawang pahina
Maingat na pinipili kung alin ang ibubuklat
Kailangan ng tapang para magawa
Sa isang pagkakamali ay ang iyong muling pagkawasak

Ang talaan ng ating nakaraan ay may simula at dulo
Maaring madugtungan pero ito rin ay magtatapos
Hindi masaya ang lahat ng nakatala dahil ito ay may lungkot
Pero ang lahat ng nakatalang nakaraan ay may mahalagang aral kagaya ng sa mga kwento

Mga pagsubok na napagtagumpayan
Ulan na tumila
Sakit na naghilom
Pagkadapang nagawang bumangon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top