Pang Apatnapu't Siyam na Patak
"PAGPATAWAD"
Dedicated to Saddygirlll
Napakabigat ng nararamdaman
Sumasakit ang dibdib sa tuwing naaalala ang masakit na pinagdaan
Nilisan ng halos karamihan
Hindi maintindihan bakit ako ay inaayawan
Mahirap bang ako ay maging isang kaibigan?
Paano naman bilang isang ka-ibigan?
Hindi ko alam ang kanilang mga dahilan
Para maiwan akong palaging nasasaktan
Matagal ko nang dala-dala ang sakit na dulot ng kahapon
Sa aking paglalakbay ay hindi makapagpatuloy
Walang magawa dahil ang mga paa ay nakagapos
Ako ay nakakulong pa rin sa kahapon
Paano ko kaya magagawa ang makalaya sa kulungang ito?
Nang masilayan ko na ang liwanag na naghihintay sa dulo
Kalayaan na lamang sa lahat ng sakit ang nais ko
Sapat na nga ba ang pagpatawad sa mga taong nanakit sa akin ng husto?
Siguro nga pagpatawad na ang sagot sa aking katanungan
Nasa aking harap lamang ngunit ayokong tignan
Siguro nga panahon na para gumaan ang aking nararamdaman
Kaya sa pamamagitan ng tulang ito kahit hindi nila mabasa ay—
Napatawad ko na sila
Sa bawat sakit na dinulot ng nakaraan
Sa mga salitang nagdulot ng maraming sugat
Pangakong binitawan na hindi natupad
Pagkakaibigang nilimot
Ang lahat na sa akin ay tumalikod
Napatawad ko na kayo
Nais kong sarili ko naman na sa ngayon
Nang magawa ko na ang magpatuloy
Ngumiti, tumawa ng walang lungkot sa mga mata ko
Mapatawad ang sarili sa pagkakamaling nais kong iwasto
At matuto sa alaalang pabaon niyo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top