Pang Apatnapu't Isang Patak

KAIBIGAN

Dati akala ko ang pagkakaibigan ay dapat palaging sapat
Naglalaan ka ng sapat na oras para sa kanya
Naglalaan ka ng pagsisikap para siya ay mapasaya
Pero mali pala!

Hindi sa lahat ng panahon kaya nating maging sapat
Hindi sa lahat ng pagkakataon nakakapagbigay tayo ng oras
Hindi sa lahat ng panahon nagagawa nating mapasaya sila
Hindi tayo sa lahat ng pagkakataon ay magkasama

Tumatanda tayo at lumalaki ang ating responsibilidad
Nagiging abala tayo sa pagkamit ng ating pangarap
Nag-iiba rin ang daang ating tinatahak
At minsan nakakalimutan na nating magkaroon ng kamustahan

Pero ang tunay nagmagkakaibigan ay hindi nag-iiba ang nararamdaman
Hindi iisiping abala tayo para ang bawat isa ay malamangan
Hindi mag-iisip na siya ay tuluyan ng kinalimutan
Af hindi magbibitaw ng masakit na salita dahil sa pagkawala ng iyong presensya

Ang tunay na kaibigan ay ang taong palaging nandiyan para makinig kahit hindi mo na nakakausap
Ang tunay na kaibigan ay hihilingin ang iyong pag-angat at hindi manghahatak
Hindi ang pagkawala mo ay gagawing dahilan para ikaw ay maging isang masamang kaibigan

Dati palagi akong nariyan kapag kailangan
Kausap nila sa lahat ng oras
At palaging matatakbuhan kapag kailangan
Kasi ayaw kong maramdaman nilang sila ay kinalimutan at hindi mahalaga

Pero hindi ko pala kaya
Nakakalimutan kong kamustahin sila
At nagiging abala na sa aking pangarap
Naging mas mahirap ang mga hamon sa buhay

Kaya sa mga kaibigan ko, huwag niyo sanang isipin na—
Kayo ay nakalimutan na at may iba ng mga kaibigan
Ako ay nahihirapan lang at lumalaban sa buhay
Hinahabol ko rin ang aking pangarap

Paumanhin sa aking mga pagkukulang
Ako parin naman ito at walang nag-iba
Naging abala lang pero kayo ay laging nasa puso't isipan
Sana patuloy tayong lahat na mangarap at lumaban

Kahit malabo man ang ating pagkakaibigan
Kahit minsan na lang ang gala at kamustahan
Kayong lahat ay aking minamahal
Magkaibigan tayo, magpakailan man!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top