Pang Apatnapu't Dalawang Patak

BATO NG KATOTOHANAN

Ang sakit ng katawan ko
Parang binato ng isang libong bato
Tagos sa buto ang iniinda ngayon ng aking puso
Pagkatapos mong sabihin ang katagang "wala naman talagang tayo"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na may yelo
Binalot ng lamig ang katawan ko sa matapos mong bigkasin ang mga katagang iyon
Wala nga lang ba talaga ang lahat ng iyon?

Binilog mo lang ang puso ko
At ako'y nahulog sa iyong patibong
Paano ako aahon gayong lugmok na lugmok ako
Puro galos at sugat ang natapo ko

Ang hirap tumayo
Ang sakit ng katawan ko
Sana sinaksak mo nalang ng paulit-ulit ako
Katumbas kasi nun an katotohanang sinabi mo

Naturingang matalino pero bakit pagdating sayo ako ay bobo
Naniwala sa mga matatamis na salita mo
O sadiyang ikaw lang talagaay gago
Naging marupok sa konting pagkibo mo

Walang totoo sa mga sinabi mo
Pangakong binitawan at napako
Nagpadala sa iyong nga pakulo
Kahit simula palang wala naman talagang tayo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top