Pang Animnapu't Isang Patak

WALANG PAMAGAT

May mga panahon talaga na hindi natin maintindihan
Isang araw ang ginawa mo ay tama lamang
Pero darating ang araw sasampalin ka ng katotoohang
Ikaw ay nagkamali pala
At wala ka nang magagawa kasi nahusgahan ka na

May mga panahon rin na gusto mong magsalita
Pero pagbuka ng bibig ay hindi mo magawa
Walang salitang gustong kumawala
At wala kang ibang magawa kundi ang lumuha

Nakakalungkot, nakakawala ng gana at sobrang nakakapanghina
Dahil wala kang magawa para ang sarili ay iyong madepensahan
Kasi mali ka nga at dinurog ka na
Sirang-sira na halos wala ka nang mukhang maihaharap pa

Aminado naman sa pagkakamaling nagawa
Pero hindi naman ata tamang ikaw ay tuluyang masira
Hindi naman ata tamang husgahan ang iyong pagkatao dahil lamang sa isang kasalanan

Hindi rin ata makatarungang mabalewala ang magandang ginawa
Na wari ba'y nawalan nang saysay ang lahat
Mamarkahan ka ng malaking ekis sa mukha
Na para bang isa kang kriminal

Natututo naman tayo kapag nakagawa ng pagkakasala
Nagagawa rin nating magbago para sa ikakabuti ng lahat
Pero bakit parang huli na ang lahat
At wala na akong magagawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top