Chapter 3
"Anak anong nangyayari?!" Bumukas iyong pinto at iniluwal nito si Papa na basa pa ang buhok, kakaligo pa lang kasi niya eh.
"Pa yung mga mata ko!" Tinuro turo ko pa yung mata ko, "Anak, bat ganyan yung mga mata mo?" Pabalik niyang tanong.
"Yun nga pa eh!" Ikaw ba naman sagutin ng tanong, at parehas pa naman yung mga itinatanong niyo sa isa't isa.
Lumapit si papa saakin at tiningnan ng mabuti yung nangyayari sa mga mata ko, he tried blowing into my eye pero napapasinghap naman ako palagi dahil sa ginagawa niya, ang hirao kayang steady ang mga mata kung may nagboblow dito!
"Anak, naaalis naman eh" while I was blinking I can feel the sensation coming off, tiningnan ko ang mga mata ko sa salamin, the color violet wasn't my eye color anymore.
"Pero paano nangyari yun pa?" Paulit ulit nalang na tanong ko, paano nga kasi nangyari iyon!?
"Di ko rin alam nak, basta ngayon hayaan muna nalang natin" tumango lang ako kay papa, He's right siguro may sakit ako but I have to do some several tests first dahil kakaiba nga itong nangyayari
"Bababa muna ako Bella ah, T.V muna ako" umalis na si papa sa kwarto ko at naiwan na ako dito. Yeah inuna niya yung probinsyano kaysa sa anak niyang nagiiba ang kulay ng mga mata.
Naramdaman ko naman na may pusang nanglalambing sa paa ko na nakalaylay lang mula sa bed.
"Hi Pow, do you know what happened to me just now? Nag iba ng kulay ang mga mata ni mommy, weird right?" Binuhat ko pa si Pow at nagkunwaring nagkakaintindihan kaming dalawa.
'Meow' yun lang yung isinasagot niya saakin, at nagpapanggap naman akong naiintindihan ko. What? Me and cats communicate really well.
"Saan ka pupunta baby?" Biglang tumalon si Pow mula sa pagkakahawak ko at tumakbo palabas ng kwarto ko, I don't know why but I actually followed her, it's because she's meowing nonstop!
"What's the matter Pow?" Patuloy ko lang siyang sinusundan, kasalukuyan ko siyang hinahabol pababa ng hagdan.
"Pa, Pow's acting weird" tugon ko nung nakita ko si Papa na nanonood ng T.V, napalingon naman siya saakin.
"Anong meron?" Tanong ni Papa at binigyan ng tingin si Pow na tumatakbo papunta sa front door, "Pa, close the door, Pow might come out!" Tinuro turo ko pa yung pinto.
Dali dali namang tumakbo si Papa papunta sa pinto upang isara ito pero naunahan na siya ni Pow na nagpapatuloy lamang sa pagtakbo palabas.
Mas binilisan ko naman ang pagtakbo, saan ba kasi pupunta itong pusang ito! Baka masagasaan pa toh eh!
Sino ba kasing hindi sinarado ang pinto!? Bad guys might come in instantly!
Patuloy lang kami sa pagtakbo..
"Pow!" Dali dali akong pumunta patungo kay Pow dahil dadaan na siya sa kalsada at may paparating na sasakyan.
"Anak, wag!" Sigaw ni Papa but it was too late, pinuntahan ko na si Pow at binuhat pero naabutan na kami noong sasakyan, napapikit nalang ako.
May kung ano sa sistema ko na nagtatanong dahil di naman pala masakit masagasaan eh! Parang wala lang, as in wala naman talagang tumama sa balat ko? Wait what?
"BELLA!" Sigaw ni Papa, naimulat ko ang mga mata ko dahil narinig ko ang pag aalala sa boses ni papa, I panicked as I looked at my surroundings napapalibutan ako ng makapal na usok, saan ako pupunta? At anong nangyayari?!
"P-papa?" Nanginginig kong tugon, di na ako makahinga ng mabuti dahil sa makapal na usok, unti unti nang sumasara ang talukap ng mga mata ko.
At bigla nalang dumilim ang lahat..
Oxygen.. I need oxygen.
_________________________________________
Author: I am sorry if this chapter is very short, and sorry kung may grammatical errors 😽✌
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top