Chapter 7: Someone from the past

"Ano 'toh? Kailan pa nagkaroon ng ant hill dito da school cafeteria? Ang daming langgam eh," Pagpaparinig ni Noraine samin ni Ricky.

"Parang wala namang langgam," Sambit naman ni Chelsy na inirapan lang ni Noraine.

"Bakit ka nang-iirap?"

"Pake mo?"

With that, nagsimula nanaman ang daily gera ng dalawa. Habang itong si Ricky ay apura pasubo sakin ng kanin dahil abala siya sa pakikipag-ML kay Jake. Pag-uuntugin ko na talaga 'tong dalawa na 'to. When did they get so close.

Si Rome naman ay ayon, tahimik lang na kumakain sa gitna ng nagtatalong Noraine at Chelsy, wala nanaman siguro 'to sa mood.

And lastly, kanina ko pa napapansin si Ryan sa kabilang table na pasulyap-sulyap kay Noraine. Tas kapag may nagtanong kung may gusto ba siya kay Noraine, sasabihin niya wala? Yeah righ—

"F-France?"

"Sinong France?" Tanong ni Ricky na sasagutin ko na sana ng "wala" pero di ko na nagawa kasi biglang tumayo si Jake habang nakatitig ng masama sa lalaking katabi ni Ryan.

Nabanggit ni Ryan na may nag-transfer sa course nila, pero bakit sa dinami-rami ng pwedeng mag-transfer ay siya pa?

Muli, nagbalik sakin ang mga mapanakit na alaala na akala ko'y nalimot ko na.

The past that I worked hard to escape from.... seems like it will keep haunting me back.

Pero wala na akong oras para intindihin 'yon. I need to stop Jake before.... too late.

"Jake!" Sigaw ko sabay tayo sa kinauupuan ko para awatin si Jake na ngayon ay nasa kabilang table na at walang awang pinagbibibira si France, hanggang sa mapasalpak na nga yung binata sa sahig.

"Ash no!" Nang malapit na ako kay Jake ay may humila sa kamay ko palayo.

"Rome?"

"He deserves it," Aniya habang malamig ang pagkakatitig kay France na ngayon ay namamaga na ang mukha at duguan ang ilong.

"But..." Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay may dumating na teacher na may kasamang dalawang guard.

Obviously, nandito sila para awatin si Jake pero natagalan silang gawin 'yon dahil ayaw magpa-awat ni Jake. He's probably doing this for me and I feel bad he'll get in trouble because of it.

Ilang sandali pa ang lumipas bago napagtagumpayang ilabas ng mga guard si Jake sa cafeteria. Agad naman akong sumunod dahil alam kong sa guidance office siya dadalhin.

"Ash sino ba yung lalaki na 'yon na pinagbibira ni Jake," Tanong ni Ricky na nakasunod pala sakin.

"Oo nga, ngayon ko lang nakita si Jake na nagkaganon. Pero infairness, ang gwapo ni Jake habang binubugbog nya yung random guy." Singit ni Chelsy.

Gusto ko silang sagutin pero di ko magawa dahil sobrang dami na ng nasa isip ko ngayon. Plus, concern ako kay Jake dahil malaki ang chance na ma-suspend siya dahil sa ginawa niya.

France, isa sa mga naging katropa ni Jake nung high school pa kami. The same person that spread the photos of a guy and me kissing, that destroyed my reputation and peaceful high school life.

'Yon din ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyang nasira ang pagkakaibigan namin ni Jake dati. Akala ko kasi talaga ay si Jake ang nagkalat ng mga litratong muntik nang sumira sa buhay ko.

At this point, naka-move on na 'ko sa mga hinanakit na dinanas ko. It makes me sad remembering thoses times once in a while, yes. But I'm already way past it.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit nagawa ni France sakin 'yon. Naging mabuti ako sa kanya and I treated him really well.

It just broke my heart that some people would just go ahead and ruin your life despite your kindness towards them.

Nang makarating kami sa guidance office ay agad kong hinanap si Jake at nakita ko naman siya sa isang sulok habang lukot na lukot ang mukha dahil sa galit.

Agad kong nilapitan si Jake at niyakap. I really want to get mad at this guy. He's just too impulsive! But right now, mas nananaig ang pag-aalala ko sa parusa na matatanggap ni Jake dahil sa ginawa niya.

"I'll be fine Ash," Mahinahong sabi ni Jake na nagpakalma ng konti sa nag-aalala kong puso.

Kanina lang nagwawala siya, pero ngayon ay ngiting-ngiti siya na para bang walang ginawang masama. Bipolar ba tong kaibigan ko? And what does he mean by "I'll be fine"?

I don't know. Parang and weird lang pakinggan mula sa nangbugbog na magiging ayos lang daw siya.

Pagkatapos kausapin at sermonan ng guidance counselor si Jake ay pansamantala kaming pinalaya mula sa guidance office.

Wala pa silang hinahatol na parusa kay Jake dahil kailangan pa daw muna nilang marinig yung side ni France. Speaking of France....

"Gusto kong makausap si France," Saad ko na agad nakapagpabalik ng galit sa mukha ni Jake.

"Ash 'wa—"

"Shh!" Pagputol ko sa sasabihin ni Jake.

"Everyone, pakibantayan muna si Jake for me. And I promise, I'll explain everything to you guys later," Sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Are you serious? That j*rk have done something terrible to you Ash, and he might not even bat an eye doing something worse." Pag-aalala ni Rome, ang nag-iisang kaibigan ko na naging saksi sa trahedyang dinanas ko nung high school.

"It's alright, Rome.Panahon na para tuluyan akong makalaya mula sa nakaraan ko. For that to happen, I need to find the whole truth."

"Wala akong alam sa nangyayari, but I don't think it's a good move to go there alone, Ash." Payo ni Noraine na ikinatango ni Chelsy.

"Sasama ko sayo Ash."

"Ricky, no—"

Bago ko pa matanggihan ang alok ni Ricky ay pinitik niya ko sa noo. The nerve!

"I won't accept no for an answer, Ash. Someone needs to protect you in case something happens, and I'll be that knight in shining armor for you love." Wika ni Ricky na may pakindat-effect pa.

"Eww, ang cringe," Singit ng bitter na si Noraine na agad ikinatawa ng lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top