Chapter 6: Sudden visitor

Dahil may magandang nangyari kagabi ay naging maganda ang tulog ko. Pero as always, may alarm clock na sisira nito.

Napabangon tuloy ako para i-off 'tong alarm clock ko pero humiga din naman ulit ako. At this point, 'di ko na alam kung bakit nag a-alarm clock pa ko eh di ko din naman sinusunod.

"Ash, gising na. May bisita ka!" Sigaw ni itay mula sa labas ng kwarto ko.

Bisita?

Nagtataka akong bumangon sa aking kama at matapos ay nagtungo ako sa banyo upang maghilamos at magsupilyo saglit.

"Jake?" Tanong ko paglabas ko ng banyo dahil ang bumungad sakin ay ang isang Jake na may bitbit na isang malaking plastic bag na puno ng tsokolate at snacks.

As foodie as always, huh?

"Gusto mo?" Alok ni Jake sabay upo sa kama ko.

"Mamaya, kaka-toothbrush ko lang eh. Sino nga pala yung bisita— wait, bat anlaki ng eyebags mo?"

"Huh? Ah ano....di lang siguro ako nakatulog ng matino kagabi."

"Ganon ba? Sige umiglip ka muna dyan. Babain ko lang yung bisita raw na sinasabi ni itay," Saad ko na hindi naman kinibo ni Jake. Well, how could he? Eh ayon sya, tulog na.

Muli akong lumapit sa kama para kumutan si Jake. Mamaya ko na papatayin yung aircon at madaling mainitan 'tong lalaki na to.

"Oh Ash, nandyan ka na pala. Halika't ipagtimpla mo ng kape yung bisita natin.

"Huh? Akala ko ba ubos na yung kape?"

"Hehe"

Loko-loko talaga 'tong si itay.

"Anyways, sino ba yung bisita?"

"Ako yata."

"Ricky!?"

"Good morning crush."

"G-good morning. Anong ginagawa mo dito?"

"Aayain lang sana kita makipag-date. Ayos lang noh, tito?"

"Ayos na ayos! Teka, hanggang kelan mo ba ko tatawaging tito? Tatay nalang din itawag mo saken. Pamilya tayong lahat dito."

Napapangiwi nalang ako sa sinasabi ng tatay ko. Parang may mali.... pero nang mapatingin ako sa lamesa namin na puno ng mamahaling wine at whisky, ay napagtanto ko kung ano meron.

'Oh I see, I see. My best friend is bribed with snacks while my father is bribed with wines. Traitors!'

"Ano Ash, Tara?" Aya ulit ni Ricky.

"Oo nga Ash, gumayak ka na." Sulsol pa ni itay na sinamaan ko lang ng tingin bago mag walk out. Narinig ko pa na tinawag niyang anak si Ricky.

Galing! Binilhan lang ng alak naging anak na.

......

"Anong gusto mong kainin Ash?"

"Hmn... gusto ko ng corndog."

"As breakfast!?"

"Hehe. By the way, pano mo nalaman na mahilig si tatay sa alak?"

"Tinanong ko si Jake. Sabi nya alak lang daw katapat ng tatay mo."

"Pero di ibig sabihin non kailangan mo na syang bilhan ng sandamakmak na alak! Wala akong alam sa mga alak pero mukhang mamahalin pa yung mga binili mo kasi mga naka-box pa."

"As the saying goes, ligawan mo muna yung magulang bago yung anak. Unfortunately, pagdating sayo, tatlo ang kailangan kong ligawan."

Natawa nalang ako dahil alam ko na si Jake yung isa pang tinutukoy niya.

Kung saan-saan kami nakarating ni Ricky para maghanap ng nagtitinda ng corndog. I mean, sino nga bang tindera ang magtitinda ng corndog sa umaga? Pero infairness, di parin sumusuko si Ricky maghanap.

Pagkatapos namin mag "breakfast" ni Ricky ay dinala naman niya ko sa mall, binilhan ng damit, nanood sa cine, kumain ulit, naglakad-lakad, nagkwentuhan at sa huli'y hinatid niya ako pauwi.

So that is what a date is like, huh? I must say, I like it a lot.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top