Chapter 5: One guard down, one more to go
Ash's POV
Ang bilis ng mga pangyayari, 'di ko nga napansin na tapos na pala yung bonfire dahil kanina pa ko nakatulala.
"Oi! Ano bang tinutulala-tulala mo dyan? Tara na, hatid na kita sa inyo." Aya ni Jake na tinanguan ko lang.
Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko bago kami maglakad pauwi ni Jake, pero 'di pa kami nakakalayo ay pinigilan kami ni Ricky.
"Jake ako na maghahatid kay Ash."
Namula ang mukha ko sa sinabi ni Ricky. Hindi ko pa kasi yata kaya mapag-isa kasama si Ricky. Medyo nahihiya pa ko dahil sa pag-amin ni Ricky ng nararamdaman nya sakin kanina.
To be honest, kinilig ako ng sobra pero.... nandon parin kasi yung takot eh. Yung takot na baka muli akong masaktan.
Siguro kailangan ko lang talaga ng oras para mag-isip. Buti nalang nandyan si Jake. I'm sure. that he won't let Rick-
"Sige. Alam mo naman yung daan noh?" Pagpayag ni Jake sa alok ni Ricky na nakapagpalaglag sa panga ko .
Eh....
Tulad ng inaasahan ko ay tahimik lang ang naging paglalakad namin ni Ricky, as in wala talagang nagsasalita.
"E-ehem, um.... Ash?"
"A-ano 'yon?" Bakit ako nauutal!
"Ano, um ano....."
"Pfft!"
"Wag mo ko tawanan!"
"Whahahaha!" Man, this guy's too cute.
'Di gaanong maliwanag yung mga street lights sa dinadaanan namin pero kitang-kita parin yung pamumula ng tenga ni Ricky.
"Yan! Yan ang gusto kong makita."
"Alin?"
"Yung tawa mo. May nakapagsabi na ba sayo na bagay sayo ang tumatawa."
"Actually.... yes, may nakapagsabi na sakin."
"Let me guess, si Jake noh?"
"Kyler," Bulong ko na kahit ang sarili kong tenga ay 'di narinig.
"Sino?"
"Wala, sabi ko si tatay. Palagi nyang sinasabi na cute daw ako kapag tumatawa nung bata ako. Speaking of tatay. Tay~"
"Oh Ash, ginabi ka yata."
"At ikaw tay, uminom ka yata?"
"Hehe"
"Tay! kakasabi lang ng doktor mo nung isang araw na mag bawas ka ng alak dyan sa katawan mo."
"Whatever my princess says. Nasan nga pala si Jake? At sino yang kasama mo?" Biglang nagbago ang timpla ng boses ni itay ng makita si Ricky.
Now I remember, hindi nga pala si Jake lang ang bumabakod sakin. My father is also here.
"Ah, si Ricky nga po pala, kaibi-
"Manliligaw po ni Ash," Singit ni Rocky sa sinasabi ko.
Oh boy
"Ahhh okay. Nak, san ko ba naitabi yung itak ko?" Napalunok nalang si Ricky sa sinabi ni itay.
"Tay! 'Wag mo nga syang pansinin Ricky, nagbibiro lang si itay. By the way, gusto mo muna bang magkape?"
"Wala na tayong kape."
"Huh? Diba marami pa yon kanina, tay?"
"Ininom ko na lahat kanina."
Napairap nalang ako.
"Sige na Ash, mauna na ko. Gabi na rin eh."
"Oo nga, sige. Mag-ingat ka ah."
"Oo, chat nalang kita kapag nakauwi na ko. Tito, una na ho ako."
"Tch! Wag ka nang babalik." Kunwaring bulong ni tatay pero rinig na rinig naman.
"Bye Ricky."
"Bye crush!" Sigaw ni Ricky nang nasa malayo na sya .
"Amp-"
"Tay! I can't believe you."
"Sinasabi ko sayo Ash, that guy is no good. Di ko gusto yung mukha nya."
"Lahat nalang di mo gusto yung mukha tay."
"Basta! Ayoko nang makikita yung mukha ng lalaki nayon!"
Oh dear. Ricky, good luck.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top