Chapter 4: Letting go

Jake's POV

Malapit nang matapos ang school fest namin, pero bago mangyari 'yon ay magkakaroon muna ng bonfire ngayong gabi.

Naglalakad ako ngayon pabalik sa pwesto namin ni Ash kanina habang may bitbit na isang pack ng marshmallow. Nakakita lang kasi ng apoy ay nag-crave na agad si Ash dito, cute.

"Huh? Nasan si Ash?" Tanong ko kay Chelsy na nakaupo ngayon sa inuupuan kanina ni Ash.

"May pupuntahan lang daw sagli— wow, marshmallows! Pahingi ah~"

Iniabot ko sa kanya yung marshmallows tsaka nagtanong muli, "Si Ricky?"

Luminga-linga si Chelsy bago sumagot, "Nandito lang sya kanina ah, biglang nawala. Well, who cares about that guy~ Bakit mo nga pala natanong?"

'Di ko alam pero pakiramdam ko ay may alam 'tong babae na 'to.

"Wala," Sambit ko sabay iwas ng tingin.

'He already made his move, huh?'

Last night....

"Ba't mo 'ko pinapunta dito?" Tanong ko habang tinititigan ng masama si Ricky. Papuntahin ba naman ako sa isang bakanteng lote sa gitna ng gabi.

"Alam kong may ideya ka na sa gusto ko—"

"Just go straight to the point!" Putol ko sa sasabihin nya. Because he's right, I think I know what he wants to talk about, and I don't want to hear it.

"I like Ash."

"So?"

"I'll confess to him, unlike what a certain idiot have never done."

"You!" I swear, I just had an urge to punch this guy's annoying st*pid face.

"Matagal ko nang gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko, pero ni minsan ay di ko ginawa. Alam mo kung bakit? Kasi binibigyan kita ng pagkakataon tol. Kasi masakit mang isipin, alam ko na kung may lalaki man na alam kung pano pasayahin si Ash, ikaw nayon."

Tama.... at siya lang din ang may kaya na maglagay ng ngiti sa mga labi ko.

'Mahal kita Ash, noon pa. Matagal ko nang gustong sabihin na para sakin, ikaw ang pinaakamahalaga. Pero oras na siguro para makawala ka sa malupit na nakaraan nating dalawa. Panahon na para makalaya ka at maging masaya.'

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Mag-confess ka kung magko-confess ka. 'Yan lang pala sasabihin mo pinapunta mo pa 'ko dito. Patulog na ko kanina eh."

"Huh? Pero diba.... may gusto ka rin kay—"

"Best friends.... that's all Ash and I will ever be. Kaya 'wag mo na kong alalahanin tol."

Ang kaninang seryosong mukha ni Ricky ay napalitan ng tuwa dahil sa narinig.

"Salamat tol. I'll definitely make Ash happ...."

"Sisikmuran kita kapag sinaktan mo si Ash."

"F*ck you Jake, you already did!"

Nginisihan ko lang siya bago naglakad paalis.

Salamat din Ricky. Do make Ash happy for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top