Chapter 3: Festival crumbs

In the haunted room....

First time kong pumasok sa isang hunted room and it's not as scary as I thought. Siguro dahil kinulang lang sa resources and club funds kaya 'di nabigyan ng sapat na detalye 'tong haunted room para magmukhang nakakatakot.

Yung dugo kasi sa damit ng mga multo ay parang ketchup lang, tunog pusa yung boses ng babaeng kapre at rinig ang boses ng mga kumakanta ng banyo queen sa karaoke booth next room.

All in all, this room is anything but scary, kaya naman nakakapagtaka kung bakit takot na takot 'tong mga kasama ko.

"Ti-tingnan nyo....bakit nakabakat yung ano nang zombie." Nanginginig na tanong ni Noraine.

"Oo nga noh? Scary~" Saad naman ni Chelsy na ngayon ay kasalukuyang nagtatago sa likod ko kasama si Noraine, habang si Rome naman ay takot na takot na nakangudngod ang mukha sa dibdib ko.

Well, understandable naman yung kay Rome kasi mabilis talaga tumaas yung anxiety level niya. Ang 'di lang understandable ay itong si Jake at Ricky na nakakapit sa magkabilang kamay ko, at si Ryan na nagtatago sa likod ni Noraine.

Kaya naman kahit na mag 20 minutes na kaming nandito sa simula ay di parin kami nakakausog.

"Pano tayo makakalabas nyan!!?"

In the butler cafe....

Nandito kami ngayon sa booth naming drama club na ipinagawa ni sir A bilang parusa samin kahapon. Dapat malaya na kami after ng play eh, may dagdag trabaho tuloy. Well, ayos lang~ Walang magrereklamo kung puro eye candy ang mga nasa harap mo.

"Kyaa! Mukha pa silang tukmol kanina pero ngayon pumogi na sila~" Makireng sabi ni Chelsy.

"Of course, ako lang naman ang nag-ayos sa kanila noh?" Wika ni Noraine.

Habang ako naman ay 'di ma-alis ang tingin kina Jake, Ricky at Ryan na nakasuot ng fitted black suit that highlighted their well-built body. Naka-ayos pa nga ang mga buhok nila na ni minsan ay 'di nila ginawa. Oh no.... tutulo na yata ang laway ko~

'Thud!'

"Kyaa!!"

Nagulat ako nang may biglang kumalabog pero naagaw naman ng OA na tili ni Chelsy ang atensyon ko. Napairap nalang ako at tsaka lumingon sa pinanggalingan ng kalabog.

"Oi, maam! Anong sinasabi mo? 'Di ito yung in-order mo, HUH!?" Seryosing sabi ni Ricky habang nakasandal ang kanang kamay niya sa lamesa ng customer na tinititigan niya ng masama. Napasapo nalang ako sa aking noo.

Pero di tulad ng inaasahan ko, imbes na kabahan o matakot yung dalawang customer na babae ay parang kinilig pa sila.

Ehh.....

After that, nagdagsaan ang mga babae at bading na customer na bumisita sa booth namin at isa-isang nagreklamo kay Ricky na mali ang nabigay sa kanila.

at the marriage booth....

Inaasahan ko na magiging abala si Ichi sa araw na 'to dahil siya ang president sa student counsil, totoo naman. Ang 'di ko lang ine-expect ay ang pagkakaabalahan nya ngayon ay ang pagiging pari sa marriage booth— but wait! There's more~

Who would have thought na mararanasan ni Ichi ikasal ang sarili nyang kapatid.

"Ricky, would you accept Jake as your husband?" Nakangising tanong ni Ichi. He's definitely enjoying this.

"Heck no!" Sigaw ni Ricky.

"Yes it is. What about you Jake, do you—"

"Wait, I said damn no!!"

Nagtawanan ang mga nanonood sa gilid at syempre, kami din nila Chelsy.

'Di ko pa nakakalimutan na ginamit nila Chelsy ang pangalan ko para utuin 'yung dalawa na magpakasal. Pumayag naman agad yung dalawang mokong.

Ang 'di lang nila alam ay imbes na  sakin ay sa isa't isa sila ikakasal.

Whahaha laugh trip.

"Now, husband and huaband, you may now kiss each other." Nagagalak na wika ni Ichi na akala mo siya ang ikinakasal.

Napatingin nalang si Ichi ng masama sa kuya nya, habang si Jake naman ay nakatitig sakin. Kung 'di ako nagkakamali, ang ibig sabihin ng titig nya na 'yon ay: Lagot ka sakin mamaya.

'What did I do!? Wala naman akong kinalaman dito ah~ Though I must say, I'm enjoying this a lot whahaha'

"Kiss kiss kiss kiss kiss....." Pagsisigawan ng mga nanonood.

Pero mukhang 'di magpapatinag sila Jake at Ricky so Rome gave them one final push.

"Nu bayan! Boring. 'Di siguro sanay humalik 'yung dalawa nayan. What do you think, Ash? Diba ayaw mo sa mga KJ?" Sigaw ni Rome na siguradong narinig ng lahat dahil sa lakas ng boses nya. At 'di pa nya talaga nakalimutang idawit ang pangalan ko, bruha na 'to!

Sabay napalingon sakin si jake at Ricky dahil sa sinabi ni Rome, at ilang segundo pa ay tiningnan nila ng masama ang bawat isa. And finally! Dumating narin ang inaasahan nang lahat dahil unti-unti nang naglalapit ang mga labi ni Jake at Ricky sa bawat isa.

Yan na, yan na, yan na, yan na.... hayst! Boring. Konti nalang ehh.

Nang malapit na kasi magdikit ang mga labi ni Jake at Ricky ay mukhang natauhan sila at muling inilayo ang mukha nila sa isa't isa— oh dear.

"Kyaaa!!"

"O.M.G"

"Stay strong, bagay kayo!"

"G*gi nag-kiss!? Gahahaha"

Dahil sa nasaksihan ay masyadong nagalak ang lahat, dahil nang akala talaga nila ay wala ng kiss na magaganap ay isinubsob ni Ichi ang ulo ni Ricky papunta kay Jake. And there you have it~ the happily ever after kiss that everyone is waiting for! 

Though... I think it's going to be a tragedy for the priest.

"Ichi.... I'll freakin' kill you!!" Banta ni Ricky na ngayon ay dahan-dahan nang naglalakad papunta kay Ichi.

"We finally agrees at something for once," Wika naman ni  Jake habang ipinapahid nya ang laylayan ng damit nya sa kanyang labi.

"You fool...." Bulong ko sabay iwas ng tingin.

Pero ako lang yata ang lumingon palayo dahil yung iba ay nanlalaki pa ang mga mata habang nakatitig sa half-exposed body ni Jake. Napapalunok pa nga 'yung iba.

"Oh my gosh, six packs!"

"I'm dead."

"Choke me please~"

"Sige pa, magpunas kalang ng labi mo dyan."

"Daddy ugh."

"Ako nalang ang ipang punas mo!!"

In the jail booth....

Tuwang-tuwa ako dahil matagumpay ang plano ko na ipakulong si Jake. Pero may isa lang akong pagkakamali.

Huli ko nang naalala na pwede nga pala magbayad para makawala ka, and Jake is more than loaded to do so. Kaya naman once na ma-realize ko 'yon ay inaasahan ko na makakawala agad si Jake, pero hindi.... I underestimated that silly guy!

Instead of paying the acting police to be set free, he actually paid them para ipakulong din ako!!

Jake also paid them para pakawalan na yung iba pang Nakakulong, he paid them para 'di tanggapin ang bayad ko para makawala, and he also paid them para 'di na manghuli ng iba for an hour. This is corruption!!

"Now, I can have you for myself," Nakangising sabi ni Jake sabay higa sa hita ko.

"J*RK!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top