Chapter 21: Memories

Ricky's POV

Hindi ako makapag pokus sa pagmamaneho dahil 'di mawala sa isip ko ang malungkot na ekspresyon ni Ash kanina. Na g-guilty ako kase kung ano-ano ang pinagsasasabi ko sa kanya.

Buti nalang talaga ay naka-uwi ako ng ligtas dahil kung saan-saan lumilipad ang isip ko.

"Ricky! How I missed my boy." Sugod sakin ng nanay ko sa sala.

"MA!!" Reklamo ko nalang nang yakapin ako ng pagkahigpit-higpit ng aking ina.

"HAHAHAHA pagbigyan mo na ako, dalawang buwan din tayong 'di nagkita noh!"

"Hmnp, ginusto niyo 'yan ni papa."

Tsk tsk tsk malay ko ba sa mag-asawa nato. Kada tatlong taon ba naman lilipad sa kung saang bansa para daw mag honeymoon ulit.

Can't they get enough of each other? Well, who am I to talk to now?

"Yung papa mo kase eh, in-love na in-love sakin."

"Nanisi ka pa, ma. Eh pareho lang naman kayo. Nasan nga pala si papa?"

"Nag t-trabaho na, para may pang-honeymoon ulit kami hehehe."

"...Bala ka dyan."

Pupunta na sana 'ko sa kwarto ko pero pinigilan ako ni mama.

"Oh come on, dito kamuna. Kwentuhan mo 'ko."

"Ano namang ik-kwento ko sayo, ma?"

"Hm... you know~ Something like your love life."

"Wh—kuya Ichi..." Lagot sakin 'yon. 'Di ko nga sinasabi kasi maya't maya ako kukulitin nito na makita si Ash. Pano kami makakapag-date nyan?

"So it's true! Buti naman nahanap mo na siya. Alam mo bang galak na galak ako nang marinig ko sa kuya mo na nahanap mo na ang love of your life mo~"

Nawala agad ang inis ko dahil sa mainit na pagtanggap at pagsuporta ni mama. She's always like this, overly clingy pero palaging nakasuporta samin ni kuya.

"Yes, ma. I finally found him." Pagkasabi'y 'di ko napigilan ang mapangiti.

"Aww~ I'm so happy for you, son. Wait! Alam ko nasakin pa yung mga pictures nyo. Sandali, halukayin ko lang sa kwarto."

Picture nyo? Sandali... sino ang tinutukoy ni mama?

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na sa sala si mama habang may bitbit na photo album. "Tadaa! Phew, ang bigat pala nyan. Ang hilig nyo kasi mag-picture ni Maki eh."

Ma...ki?

"Tara tingnan natin!". Pagmamadali ni mama.

Kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko kahit na nababalot na ng takot ang aking puso sa kung ano man ang makikita ko sa loob.

Kasabay ng pagbukas ko sa photo album na ito ay ang pagbabalik ng mga alaalang nagmula sa nakaraan. Nakaraang gugulo sa kasalukuyan.

4 years ago...

"Maki, ayos ka lang? Tar*ntado talaga 'yung tatay mo no?"

"Ricky, di ko na kaya..."

"Maki, tandaan mo. Kahit gaano kasama ang mundo sayo, nandito lang ako."

"Talaga?"

"Oo naman. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi kita iiwan."

"Ricky, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat."

"'Wag mo muna akong pasalamatan. Kasi sa hinaharap, ilalayo kita mula sa lahat ng sakit, sa lahat ng nakapagpapalungkot sayo."

"Totoo?"

"Pangako."

.....

Bawat pahina, bawat alala, ay may katumbas na luha na walang pasintabing naglaglagan mula sa aking mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top