Chapter 20: Lover's quarrel

Ala-sais na ng umaga nang maka-uwi ako sa bahay namin. Napasarap kasi ang tulog ko sa kama ni Jake, sobrang comfy!

Walang ilaw sa sala, tulog pa siguro si tatay. Mamaya na ako magluluto ng almusal namin, mahihiga nalang muna ulit ako sa kwarto. Well, that was the plan, but...

"R-Ricky?" Gulat kong banggit sa pangalan ni Ricky nang makita ko siyang naka-upo sa kama ko. "Nandito ka pala, dat tumawag k—"

"San ka galing?" Putol niya sa pagsasalita ko.

"Sa condo ni Jake, nakatulog ako eh, 'di ko namalayan 'yung oras," pagpapaliwanag ko.

"Sino-sino naman kayo don?"

"Kami lang dalawa ni Jake."

"The heck!?" Sigaw niya.

"Huh?" Nagulat nalang ako dahil ngayon lang ako hiniyawan ni Ricky.

"Ash, 'di mo manlang ba 'ko na-isip? Ba't bigla-bigla ka nalang pumupunta sa bahay ng ibang lalaki nang 'di nagpapa-alam sakin? Worst, kayo lang dalawa ang nandon!?"

"Ricky, hindi lang naman ibang lalaki lang si Jake, he's my bestfriend! And you know it, bakit ba bigla ka nalang nag e-emote ng ganyan?" Hindi ko narin napigilan magtaas ng tono.

"Kahit na! Hindi ka nakakasigurado kung bestfriend lang din ang tingin sayo ni Jake. Baka nga pati ikaw 'di pa nakaka-move on sa kanya eh."

"Excuse me?"

"Bakit? Totoo naman ah. May boyfriend ka na pero sa kanya ka parin sama ng sama."

"Ano naman gusto mong gawin ko? 24/7 nakadikit sayo? Eh minsan ko na ngalang mabigyan ng oras 'yung mga kaibigan ko dahil nasayo palagi ang atensyon ko!"

"Yeah right, nasa iba naman 'yang isip mo."

"Ano? Ano bang pinagsasasabi mo? You know what? Kung ganyan pala ang tingin mo sakin, de sana naghanap ka nalang ng iba na mapagkakatiwalaan mo!" Pagkasabi'y lumabas ako ng kwarto, padabog na isinara ang pinto, sabay martsa pababa ng hagdan.

"Wait, Ash!" Sigaw ni Ricky mula sa tuktok ng hagdan. "Ash, sorry. Please talk to me.

"'Wag kang maingay, natutulog si tatay."

"Ah..."

For the sake of not waking my father up, huminto na ako sa pag w-walk out. Nakalapit naman agad sakin si Ricky at niyakap niya ako mula sa likod. "Ash, I'm sorry. Kinain lang ako ng selos. I'm just—"

"Enough, Ricky. I'm too hurt by what you've said. Leave me alone for now," saad ko.

"Ash, I'll be back tomorrow. I'm sorry."

Pagkalabas na pagkalabas ni Ricky sa bahay namin ay nagbagsakan ang luha ko. How can he think of me like that?

Alam ko naman na may karapatan si Ricky na magselos, pero 'di ko lang talaga ma-iwasan masaktan kapag ang taong mahal mo ay ginagawan ng masamang kahulugan ang mga aksyon mo.

It's true that Jake And I loved each other before, but it's all in the past. We're really just friends now... right?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top