Chapter 17: A house is not always a home

"Nubayan! Bakit uuwi na agad tayo? Gusto ko pa dito~" Pagrereklamo ni Chelsy.

"Bruha! May pasok na tayo," ani Rome.

"Huhu, ma m-miss ko kayo mga lamang dagat."

Napatawa nalang ako sa pag d-drama ni Chelsy, pero nang makita ko ang itsura ni Jake habang may ka-usap sa phone 'di kalayuan ay nawala ang ngiti sa mukha ko.

"Jake, ayos ka lang?" tanong ko matapos patayin ni Jake ang tawag.

"Oo naman. Tara, sakay na tayo sa Van," saad niya.

"Sige..."

Habang nakasakay kami sa van ay 'di ko mapigilang mapasulyap-sulyap kay Jake dahil sa pag-aalala. Mukhang ayos naman na siya ngayon pero 'di ko parin maalis sa isip ko ang galit na galit na mukha ni Jake kanina. Ayos lang ba talaga siya?

Jake's POV

"Those sh*tty f*uckers!" Sa loob-loob ko.

Kanina ko pa gustong sumigaw, magmura at magwala; pero sa tuwing mapapansin ko ang nag-aalalang sulyap ni Ash sakin ay agad kumakalma ang nagwawala kong sama ng loob. Ayoko kasing nag-aalala si Ash kaya kanina ko po pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Matapos ang ilang oras ay pinahinto ko na 'tong van na sinasakyan namin. Nandito na kami sa kanto malapit sa bahay namin.

"Ayos kana dito, tol?" tanong ni Ricky.

"Oo, ingat kayo ah."

Gusto ko rin sana magpa-alam kina Ash at Maki pero mukhang imposible 'yon sa ngayon. Mahimbing kasi ang tulog ng dalawa habang nakapalupot pa ang mga braso nila sa isa't isa. Napangiti nalang ako, 'di na talaga mapaghihiwalay 'tong dalawa na 'to.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang umandar ang van. Pinanood ko muna itong makalayo bago ako tumalikod at naglakad patungo sa bahay-no, sa impyerno.

"Madam, sir. Nandito na po si Jake."

"Ba't ngayon ka lang? Kahit kailan talaga palpak ka noh?" Panimula ng aking ina.

"Magsasayang kalang ng laway kung pagsasabihan mo pa ang tangang 'di nakakaintindi." Malamig na sabi ng ama ko.

"Tch! Umalis ka nga sa paningin ko, Jake. Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis. Nakakahiya ka! Kanina pa nag-aantay yung anak ng importanteng business partner ko. Ano nalang ang sasabihi-"

"Not going," putol ko sa pag r-rant ng babae na 'to.

"Anong sinabi mo!?"

"Ang sabi mo, 'di ako pupunt-"

'Di ko na na-ituloy ang sasabihin ko nang birahin ako sa mukha ng ama ko.

"Hoy! Jacob. Ba't sa mukha mo naman binira 'yan? May date pa 'yan, don't ruin his face."

"Lumalaki na ulo nyan eh. Hoy Jake, baka nakakalimutan mong magulang mo kami. Kami ang nagpalaki sayo, kaya wala kang karapatang..."

"HAHAHAHAHA magulang? I'm surprised that you even know that word. Nice joke, by the way."

"You ungrateful son of a-"

"Kuya?"

"O-Oh Coby, son. Naka-uwi ka na pala. How's your day?" Tanong nitong lalaki na kala mo mabuting ama.

"Ayos naman po, pa. Kuya, buti naman napadalaw ka. 'Di na kita masyadong nakiki...ta."

"Jake! Kinaka-usap ka ng kapatid mo!" sigaw ng ina ko matapos kong tumalikod at maglakad palayo.

"Don't care," bulong ko.

Tch, sabi na nga ba't wala akong mapapala sa ipupunta ko dito. Seriously Jake? Hanggang kailan ka pa ba aasa na may magbabago sa mga magulang mo? That family already have a father, a mother, and a perfect son. Wala ka nang lugar don.

Ash's POV

"Ash! May tumatawag yata sayo," sigaw ni tatay mula sa sala.

"Sige po, wait," tugon ko sabay kuha ng panyo para magpunas ng kamay, nagsasaing kase ako.

Pagpunta ko sa sala ay agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa mini table.

Jake?

"Oh, ba't napatawag ka?" Tanong ko.

"Magandang gabi po, kaano-ano po kayo ng may-ari nitong cellphone?"

Natigilan ako nang hindi boses si Jake ang narinig ko.

"S-Sino po kayo? Nasan po si Jake? M-May nangyari po ba sa kanya?"

"..."

Jake...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top