Chapter 16: Forget me till the end
"Maki, sigurado kang 'di mo na kailangang hanapin yung pendant mo?" tanong ko kay Maki na abala sa pagtatampisaw.
"Oo naman, sa laki ng beach nato oh. 'Di na natin mahahanap 'yon, at tsaka siguradong may nakapulot na non."
"Pero diba... mahalaga sayo 'yung pendant na 'yon?"
Natigilan si Maki sa sinabi ko. "Yup, it's too important that even if I wanted to throw it away, I'm unable to."
"We need to find it then."
Umiling siya. "This is probably a sign, a sign for me to let go of that person who have long forgotten me."
Nakangiti si Maki habang binibitawan ang mga salita nayon, but for some reason, I can feel immense pain and sadness behind that smile of his.
There's no way he's fine by losing something important to him. I have to do something.
...Later at night.
"Ano Ricky, may nahanap ka ba?" tanong ko. "Ricky?" pagbanggit ko ulit sa pangalan nya nang 'di nya ako kinibo.
"Ah... ah wala wala. May nakapulot na siguro non, kanina pang umaga eh."
"Siguro nga..."
"Now now Ash, at least we tried. No need to feel bad."
Tumango nalang ako bago naglakad pabalik sa hotel kasama si Ricky.
Ricky's POV
"Ash, ligo lang ako ah," pagpapa-alam ko kay Ash pagpasok namin sa kwarto.
"Sige lang," matamlay na tugon ni Ash.
Hindi ko gustong nakikita si Ash nang ganito. Gusto ko nalang siyang yakapin para kahit papano ay mapagaan ko ang pakiramdam niya. Hindi ko nga lang kaya sa ngayon, kasi kahit ang sarili ko ay kailangan ding mapagaan ang loob.
Pumasok ako sa loob ng shower room at ikinandado ang pinto. Matapos non ay agad kong hinugot ang isang silver pendant mula sa bulsa ng short ko.
Huminga ako ng malalim habang dahan-dahan kong binuksan 'tong pendant. Imposible yung nakita ko kanina. Namalikmata lang siguro 'ko.
Nang mabuksan ko na ng tuluyan yung pendant ay bumungad sakin ang isang munting litrato. Sa litrato ay may makikita ka na dalawang batang lalaki na nakangiti at magkayakap.
Nakilala ko agad yung isa, ako 'yun eh. As for the other one, Ash? No. Kahawig ni Ash yung nasa picture but it's not him, it's... Maki.
"What's the meaning of this?"
...
Maki's POV
"Oi, can we talk?"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Ricky.
"What do you want?" tanong ko.
"Dati pa tayo magkakilala noh?"
"...Ano?"
"'Wag ka nang magmaang-maangan."
"Hindi ako nagmamaang-maangan, ano bang pinagsasasabi mo?"
"Haha... eh ano 'to?" sarkastikong sabi ni Ricky sabay dukot sa kung ano sa bulsa nya.
"T-That's—"
"Ano? Magsisinungaling ka pa?"
"N-Nakita mo ba 'yung nasa loob?" kinakabahan kong tanong.
"Ano sa tingin mo?"
"Akin na nga 'yan! Ba't ba nasayo 'yan? Akin na." Tinangka kong kunin yung pendant mula sa kanta pero inilayo naman niya ito.
"Ibabalik ko lang 'to kung sasabihin mo sakin ang totoo."
"Alam mo? Kung ayaw mong ibalik, edi 'wag! Saksak mo sa baga mo!" sigaw ko sabay walk out.
"Hoy! 'Di pa tayo tapos mag-usap!"
"Wala akong pake."
"Tch, fine! Ito na pendant mo," saad niya sabay inilahad ang kanang kamay nya kung saan nandon 'yung pendant.
Inabot ko naman 'yon sabay...
"What the f*uck!? Ba't mo hinagis sa dagat?"
"I don't need it anymore, and you Ricky, I suggest na kalimutan mo kung ano man ang nakita mo sa pendant ko. You've already forgotten about me, might as well forget me till the end."
Pagtapos kong magsalita ay tumalikod ako at naglakad palayo, bago pa sumabay ang pagbagsak ng aking luha sa paglubog ng pendant na naglalaman ng mga sirang pangako, biyak na damdamin, at nalimot na alaala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top