Chapter 13: It's the beach!

"'Yan na, nakikita ko na 'yung dagat!" Nagagalak na sigaw ni Rome. First time lang daw kasi niya makakapunta sa beach.

"Pfft! Naalala ko yung tula ni Chelsy," Natatawang sabi ni Noraine.

"Ah ayon. WHAHAHAHA." Agad akong natawa sa naalala ko.

Natawa din si Jake kaya nagka-interes bigla si Maki, "Anong tula 'yon?" Tanong niya.

"Gusto mo marini—" Bago pa man matapos ni Noraine ang sasabihin niya ay tinakpan na ni Chelsy ang bunganga nito. Pero hindi parin napigalan ni Chelsy ang pagkalat ng chismis nang si Jake mismo ang nagbulong kay Maki ng tula na sinasabi ni Noraine.

Agad naman tumawa nang pagkalakas-lakas si Maki.

"Jake!? I can't believe you!" Sigaw ni Chelsy na ikinatawa ng lahat.

Maya-maya pa ay huminto ang van na sinasakyan namin, "Ricky... Ricky!" Paggising ko sa prinsipe na nakahiga sa hita ko.

"Nandito na tayo?" tanong niya matapos humigab.

"Yan! 'Di ka kasi agad natulog kagabi. Sabi na't maaga tayo eh."

"I can't help it, can I? I just love staring at your sleeping face. Mukha mo 'yon so... it's technically your fault."

"Wow ah, sinisi mo pa 'ko." Napa-irap nalang ako.

"Wait! You two slept together?!" Halos patili nang tanong ni Chelsy. Agad ding napalingon si  Jake at Maki na mukhang 'di makapaniwala sa narinig.

"Yup, and not just sleepin', we—ahh!"

Kinurot ko sa tagiliran si Ricky para manahimik na. Kung ano-ano nanamang kabaliwan ang pinagsasabi nito.

"Oh my. Wala pa kayong 3 months but you got laid already, Ash? Sanaol."

Agad namula ang mukha ko sa sinabi ni Noraine, binato ko nga ng neck pillow.

"Ang dumi naman ng isip nyo! Nakikitulog lang naman samin si Ricky kasi tamad siya umuwi noh."

"Owws?"

"Sus, dine-deny mo pa eh," pang-aasar pa ni Chelsy.

"Oo nga," sulsol ni Ricky.

"Hmnp! Bahala nga kayo dyan!" inis kong sabi sabay baba sa sasakyan.

"Whahaha lagot ka Ricky, suyuin mo 'yan," wika ni Rome na ikinakamot lang sa ulo ni Ricky.

"Oh tama nayan, langoy na langoy na 'ko oh. Tara na~" Nanabik na sabi ni Maki.

Napangiti nalang ako kay Maki. Ready na ready na siya oh. May dala pa ngang salbabida. Well, who am I to talk? Meron din kasi akong salbabida dito sa bag, papalobohin pa nga lang. 'Di kasi ako sanay lumangoy eh.

"Ash ako na magdadala ng bag mo," alok ni Ricky.

Dinedma ko lang siya. Akala mo ah, suyuin mo 'ko ngayon.

"Oi Maki! Kumain ka muna!!" sigaw ni Jake kay Maki na nandoon na agad sa tubig at nagtatampisaw.

"Sama ko!" sabi naman ni Chelsy, sabay sunod kay Maki, kaya sumunod narin ako.

"Ash!? Isa ka pa!" Muling pagsigaw ni Jake sabay takbo papunta samin.

Lagot.

"W-Wait Jake! 'Di pa nga ako nakakatungtong sa tubig oh, unfair!" reklamo ko kay Jake nang buhatin nya ko bago pa ako makapagtampisaw.

"WHAHAHA kawawa," pang-aasar ni Maki.

"Anong kawawa? Ikaw din! Tara dito."

"Ayoko nga—AHH!" tili ni Maki ng buhatin rin siya ni Jake.

WHAHAHA deserve.

"Jake, ibaba mo 'ko!" utos ni Maki na nagpupumiglas parin sa kabilang balikat ni Jake.

Infairness, ang lakas talaga ng best friend ko. Effortless nya lang kaming binubuhat ni Maki sa magkabilang balikat niya.

"Magtigil! Kakain muna."

"Ehh~"

"Hoy! Pano naman ako!?" ani Chelsy matapos maiwan mag-isa sa tubig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top