Chapter 11: A fragment of truth
“Dati pa ba kayo magkakilala ni Ricky?” Tanong ko kay Maki habang nagmamaneho. Gabi na kasi kaya ihahatid ko na siya sa kanila.
“Hindi ah, bat mo naman natanong?”
“Wala lang, napansin ko lang na medyo masama ang tingin sayo kanina ni Ricky, not to mention that you are kinda actin’ cold towards him.”
“Talaga ba? Baka imagination mo lang ‘yon. That Ricky guy and I have never met before, after all.”
“I see,” Saad ko nalang para matapos na ang usapan. Mukhang wala naman kasing balak umamin si Maki. ‘Di sa sinasabi kong nagsisinungaling siya pero pakiramdam ko talaga ay magkakilala na si Maki at Ricky dati dahil unang pagkikita palang nila kanina ay mukhang magsasabong na. I do hope that I’m just imagine all of this, though.
Ash’ POV
“Bakit malungkot ang Ricky ko?” Sa aking sinabi ay biglang napalitan ang simangot sa mukha ni Ricky ng pamumula.
I can never get enough of this guy’s cuteness. Ang dali naman kasi nyang mag-blush.
“Pinag t-tripan mo nanaman ako Ash ah! Hahalikan na talaga kita kapag napuno moko,” Pananakot ni Ricky sabay hila sakin papunta sa kama.
Tinatamad daw siyang umuwi eh, kaya samin nalang siya matutulog.
“Eh bakit ba kasi ganyan yang itsura mo? Is it still about Maki?”
“Hindi ah! Who cares about that snobbish guy.”
“Sus! Nagkita lang kayo nagkaganyan ka na eh. Sure ka bang wala kayong history?”
“Wala, as in wala talaga. Ngayon nga lang ako nakarinig ng ganong pangalan eh. Ang pangit pakinggan.”
“Ano!? Ang ganda kaya ng pangalan niya. At saka wag mong inaano si Maki ah, bestie kami.”
“Bestie na agad? Kaka-meet niyo palang ah”
“Oh bakit, kaka-meet niyo lang din naman pero daig niyo pa ang mag ge-gera kung magkatitigan kayo.”
“Tch! Whatever. Enough about that guy. Iba nalang ang pag-usapan natin.”
“Huh? Ano naman pag-uusapan natin?”
“You know…. making love and stuff”
“R-Ricky tantanan mo ko ah. Gabi n—AHH!” Napatili nalang ako dahil sa pagtayo ko para tumakas ay hinila ako ni Ricky pabalik sa kama.
“At san ka pupunta? Diba malakas ka mang-trip kanina, huh? Ano ka ngayon?”
“Whahaha Ricky ano ba! Susumbong kita kay tatay.”
“Magsumbong ka! Walang tutulong sayo.”
“Stop ugh. Ricky!!!”
Maki’s POV
“Hoy Maki, bat ngayon ka lang? Nasan na pera?” Bungad sakin ng napakatino kong ama na walang ginawa buong araw kundi uminom at mangbabae.
“Kakabigay ko lang sayo kanina umaga ah, naubos mo na agad?”
“Niloloko mo ba ko, ha? Isang libo lang yon? Anong mabibili don?”
Seriously!! Sh*t kumukulo yung dugo ko sa lalaki na ‘to. Masama na nga yung mood ko kanina, mas pinapasama pa nito.
“Ano? Nasan na yung pera?” Naiinip na tanong ni tatay.
“Tch!”
Binigyan ko nalang ulit siya ng limang daan para matahimik na.
“Limang daan lang?” Reklamo niya.
“Ayaw mo? Akin na.”
“HAHAHAHA ano kaba anak ko, syempre gusto. Kaya mahal ka ni tatay eh,” Pangbobola niya bago nag martsa palabas ng bahay. Iinom nanaman ‘yon, may pera na eh.
And there goes my enrollment fee. Naubos nanaman. Whatever, dadagdagan ko nalang yung part time ko. This year magka-college na talaga ako dahil pangarap ko ang makapagtapos. I won’t let my damned father pull me down with him to stay in the bottom. Hindi ako tutulad sa kanila ng nanay ko.
Ang sama kong anak noh? Pero ayos lang kasi mas masama silang magulang.
Blood is thicker than water , walang magulang Ang 'di minahal Ang anak, blah blah blah. Yeah right.
Bata pa lamang ay iniwan na ako ng nanay ko para sumama sa mayamang hapon na makakapagpaginhawa daw ng buhay niya. Ito namang magaling kong tatay ay pinag t-trabaho nako sa murang edad pa lang para may pangkain at pang-inom siya.
My life has always been a nightmare kaya matagal ko nang sinukuan Ang sarili ko. Well, not until I met him. My knight in shining armor, the same guy who've fed me with false hope and empty promises.
Alam ko na naaksidente siya na nagdulot sa pagkakaroon niya ng amnesia pero.... *sob. I hate you. I really really hate you, you damn Jerk!
Sabi mo ako lang ang iibigin mo. Sabi mo ililigtas mo ko mula sa bangungot na 'to. Ano na ngayon? Nasan ka na?
......Ricky.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top