Primero

HINDI NAMALAYAN ni Khaila na naka idlip na pala siya habang inaayusan kung hindi lang siya tinapik sa balikat ng assistant niya.

"Turn mo na," sabi nito.

She sighed and stood up. Wearing a beautiful dress and simple makeup look to enhance her facial features more, she was more than ready to face the camera again.

Buhay na niya ito simula noong bata pa siya. It was her choice, walang pumilit sa kanya. She looked up so much to the man who became her father. Ang lalaki na nagpaka-tatay sa kanya.

His job fascinates her. Ang akala niya noon ay madali, pero noong umpisahan na niya, doon niya nalaman na walang trabaho na madali.

"Looking good, Khaila! As usual." Ani ng photographer.

Pagod siyang ngumiti sa lalaki at nagpasalamat. Inayos lang ulit ang set-up ng studio, pati na rin siya bago sila nagsimula.

Flashes of camera. The voice of her photographer. And she was enjoying the moment.

"Good job, Khaila!" Nag thumbs up sa kanya ang photographer.

Lumapit si Khaila rito at mahina na tinapik ang balikat. He was a close friend of her brother, Kyrst.

"Oh, gusto mong makita?" tanong nito. Tumango lang siya at iginiya siya nito paharap sa laptop na konektado sa camera na gamit nito.

Hinayaan siya nito na tingnan ang mga kuha nitong larawan sa kanya. Her body was covered with fabric, conservative dress, but the angle of every picture made her look like she's seducing someone.

"Galing!" puri niya sa lalaki.

He's just an intern but his shots were this good. Ang kapatid niya dapat ang hahawak sa project na 'to, kaya lang hindi pinayagan. Knowing her brother, wala silang matatapos.

"Thanks, Ate! Ang awkward kapag Khaila lang, baka pugutan ako ng ulo ni Ky kapag narinig na 'yon lang ang tawag ko sayo." Tumatawa na sabi nito.

Her overprotective brother. Nagpaalam lang na siya rito dahil may isa pa siyang photoshoot na pupuntahan, and after that, she'll attend a model screening. Nasabi lang 'yon sa kanya ng Lolo niya.

"Tubig." Inabot sa kanya ni Gayle ang bottled mineral water. "Buburahin pa natin 'yang makeup mo. Sa sasakyan na lang kita ayusan ulit."

Pagod siyang tumango. Madaling araw pa sila nagtatrabaho, pare-pareho lang sila na inaantok. But unlike them, they could take a nap habang siya naman ang nagtatrabaho.

"Gayle, pang teens daw ang makeup brand. Huwag masyadong kapalan ang makeup ni Khaila ah?" paalala ni Jane sa Hair and makeup artists niya.

Gayle and Amanda were doing her hair and makeup, habang ang assistant naman niya minsan ay nagiging stylist niya rin. Chris, on the other hand, was their driver at taga bitbit ng mga gamit na kailangan ipasok sa studio. If he's not busy enough, ito na rin minsan ang bumibili sa pagkain nila kung hindi 'yon kasali sa ipo-provide.

Nauna siyang pinasakay ng mga ito sa Artista Van na regalo sa kanya ng Tita Isabella niya. It was larger, and spacious kaysa sa Artista van na pinagamit sa kanya noon ng Papa niya.

"Hays! Ang sarap talaga ng buhay kapag si Khaila ang alaga mo!" sabi ni Amanda na ikinatawa niya.

Pagpasok kasi nito ay agad na humilata sa sofa, pwede rin 'yon na maging kama kung gugustuhin nila. Doon siya madalas matulog kapag pagod na pagod na talaga siya.

"Bebe, ayusan kana namin para retouch na lang doon. Mag re-review ka pa." Gayle immediately went to her side and wiped her face using warm towel.

Sobrang gaan ng kamay ni Gayle, hindi na napigilan ni Khaila ang umidlip ulit habang inaayusan siya. If it's not for her upcoming exam, hindi siya gigisingin ng mga ito hanggang sa makarating sila sa destinasyon nila.

Studying and working at the same time was hard. She's barely having enough sleep. Minsan ay tulog din siya sa classroom nila kapag walang teacher. Khaila was just lucky to have a considerate blockmates.

Kapag may kailangan silang gawin sa isang course, they'll immediately send her the most easy part. Kahit na sinabihan na niya ang mga ito na kaya niya kahit aling parte ang ibigay sa kanya.

Although, there's also a time wherein some irregular students abused her kindness. Sa kanya lang naman pinagawa ang buong report nila at siya pa ang nasabihan na tamad at walang ambag.

She had a not so aesthetic reviewer on her iPad. Khaila loves reading and understanding the passage, and topic rather than memorising it. Wala rin siyang tiwala sa familiarising dahil iba ang lumilitaw sa mismong test paper nila.

Masyado siyang babad sa inaaral niya. Naistorbo lang nang tumigil ang Van at narinig ang boses ni Chris sa intercom.

"Miss ma'am, nandito na us!" Chris playfully said.

Mahina siyang natawa sa lalaki. His playfulness and remarks never failed to lighten up their mood.

"Chris, wala naman ipapasok sa loob. Bantayan mo na lang ang sasakyan, ha?" parang nanay na bilin ni Jane kay Chris.

"Hindi naman tatakbo 'tong sasakyan ni Khaila unless paandarin ko."

"King ina nito!" pikon na singhal ni Jane.

"Ganyan nagsimula ang Lolo at Lola ko..." Amanda maliciously said.

Umangat ang sulok ng labi ni Gayle at pabiro na hinampas ang balikat ni Amanda.

"Gaga! Maagang namatay ang Lolo at Lola mo!"

Maarte na umirap sa hangin si Amanda. "Edi maaga rin kukunin ni Lord at Satanas 'yang dalawa. Mamili na lang kayo sino ang nasa taas at sino ang nasa baba!"

Amanda's exaggerated laugh echoes inside her Van.

"Aba! Amanda, syempre, ako ang lalaki. Ako dapat ang nasa itaas. Pero kung si Jane? Sus, kahit sa baba ako, payag na ako, sige!"

Naiiling na tumatawa si Khaila palabas ng sasakyan. Sanay na siya sa green jokes ng mga ito, may araw lang talaga na hindi siya nakakasabay.

Jane looks furious, habang nakasunod ito sa kanya. Sina Amanda at Gayle naman ay panay ang hagikgikan. Inaasar ang assistant niya.

"Shhh..." suway ni Khaila sa dalawa nang makapasok na sila sa loob ng studio.

"Ms. Miller! Hi, it's nice to finally see you." Hinalikan siya nito sa pisngi at nakipag-kamay sa kanya.

Of course, she's being a professional, kinamayan niya ito kahit naiilang siya sa sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa kamay niya.

"Thank you for having me here," nahihiya na sabi niya.

"Grabe, mas maganda ka pala talaga sa personal 'no? I'm a fan!"

Khaila heard Jane faking a cough, kaya mabilis siyang lumingon dito. Jane's eyes went down to her hand, na hawak pa rin ng babae.

"Thank you." Tipid na sagot niya rito.

"Anyways, alam kong pagod ka na. Shall we start?" She asked. "I see, you're already wearing makeup."

"My makeup artist used the products you sent, Ma'am." Khaila politely answered.

Her lips parted and did not say anything. They assisted her and a little bit of briefing about their products before proceeding to taking photos of her using the product itself.

Ilang beses din siyang nagpalit ng damit and Gayle added more makeup on her. Her hair was still the same, itinali lang noong sa last product na.

"Ang daming demand, jusko!" pabulong na reklamo ni Gayle.

"Khaila, you don't need to attend the model screening. Pasok ka na." Jane informed her after the shoot.

Tinutulungan si ni Gayle at Amanda na hubarin ang mga alahas na pinasuot sa kanya kanina.

"Wait, what? Why?" naguguluhan na tanong niya kay Jane.

Jane sighed. "Of course, you're Khaila Miller. The most beautiful piece, and in demand model may it be here in our country or overseas."

Napangiwi siya sa sinabi nito. Isang beses lang siyang tumanggap ng project sa ibang bansa and that was her Aunt Sakki's runway event. Sobrang bata niya pa noon.

"Please, Jane, don't let this news reach my family." Minasahe niya ang ulo.

The last time they attended her runway show, nagdala ang mga ito ng banner. Hindi naman siya lumalaban ng pageant!

Jane chuckled. "Sure thing!"

At dahil hindi na niya kailangan pang sumali sa screening, she asked them if they could drop her home. Nagpaalam din siya sa mga kasama nila sa studio. She barely have time for herself and her family, wala siyang natitirang oras para pagbigyan ang may-ari ng mismong brand na mag dinner.

Khaila knows her priorities. Ang pag-aaral niya ang uunahin niya.

She promised her mother, after all, that she'll be like her in the future. Gusto rin naman niya 'yon.

"Thank you!" Khaila sincerely said when they dropped her home.

It's still early, pero sigurado na nasa School pa ngayon ang Mamu niya, pati na rin ang mga kapatid niya. They sometimes helped their mother with the kids. Kagaya nang ginagawa niya noon.

Khaila massaged her nape as she entered their house.

"Princess..."

Malapad siyang ngumisi nang marinig ang boses ng Papa niya. He's sitting comfortably on the single sofa, his one hand was holding a teacup and the other one was holding his phone.

"Papa!" she called and ran to him. Kaagad siyang yumakap dito at humalik sa pisngi nito.

"Tired?" tanong nito sa kanya at inilapat ang teacup sa coffee table.

Humaba ang nguso niya na ikinatawa nito. Her father was still insanely looking good despite of his age, kaya hindi na rin nakakapagtaka na may mga nagkakagusto pa rin dito.

"Magpahinga ka muna. Tatawagin ka na lang namin kapag nakauwi na sila." He said and patted her head.

"Pa?" Umupo si Khaila sa katabi ng sofa na inuupuan nito. Her father glanced at her. "Paano po kung tumigil muna ako sa pagmomodelo?"

Kyst, her father, softly smiled at her. "You clearly told us your plan, Princess. It's up to you, susuportahan ka namin sa gusto mo."

"So, it's okay if I'll stop now and focus on my study?"

Kyst sighed. "Of course, Princess, you can stop now. We got your back."

And that's what she did. Nasabihan na niya ang buong team niya and they surprisingly supported her. Saying, they could still work under her father's agency. At kung may balak siyang bumalik sa pag mo-modelling, one call away lang ang mga ito.

"Sayang naman. Sigurado ka ba?"

Hindi rin niya maiwasan ang mga ganoon na klase ng tanong. Khaila will just smile at them instead of explaining her side.

Sa huling runway show na sinalihan niya. Ang Tito Castiel niya lang ang nakapunta. He was waiting for her and treated her dinner after the show, and rumor spread like a wildfire, that she's having an affair with her Tito kaya ito titigil sa pag mo-modelling.

The rumour also affected her image in School. Pero kalaunan ay tumigil din. She almost had a latin honour if only she maintained her grades in her first and second year.

After niyang mag-graduate, nag enroll agad siya review center para sa LET. Wala siyang sinayang na oras. She choose a review center na medyo malayo. Baguio.

"Ate... Kailan ka uuwi?" Niyugyog ni Kyrst ang katawan niya.

Kyrstal, on the other hand, was enjoying her strawberry taho. Hindi sila pinapansin nito.

"Kapag mag ti-take na ako ng LET. Malapit na naman 'yon."

"Hindi ka na talaga mag mo-model? Sino na ang magiging subject ko?" pagrereklamo nito sa kanya at itinaas ang camera.

Itinuro niya ang bunso nila. "Tally, tumatanggap 'yan ng mga gig."

They called Kyrst, 'Ky'. 'Tally' naman kay Kyrstal.

"Nakikita niya raw ang sarili sa akin, Ate. Ayaw niya." Sumbong ni Tally.

Khaila let her siblings bug her for almost a week. And her life in Baguio continues as she studies for the Licensure examination for Teachers.

Hindi mabilang sa daliri ni Khaila kung ilang beses siyang umiyak at kung ilang gabi na kumpleto ang tulog niya. Pero nang matapos siya at lumabas ang results. Her life turned upside and down. Her heart was filled with happiness and satisfaction.

She passed.

"Congratulations, Ma'am Khaila!" bati sa kanya ng mga Guro na makakasama niya na ngayon sa trabaho.

"Naku, Ma'am Angelyn, parang kailan lang ay bitbit mo pa 'tong bata na 'to. Ngayon ay Teacher na rin." Nakangiti na sabi ng pinakamatanda sa kanila.

Her mother warmly smiled and brushed her hair using her fingers.

"I'm very proud of her..." Her mother said and genuinely smiled at her. Lumabi siya at pigil ang sarili na maiyak.

Nasa kanya ang spotlight not until a man, enter the faculty. Nagmumukha na masikip ang uniform dito dahil sa maskulado nitong katawan.

Hindi napigilan ni Khaila na hagurin ng tingin ang lalaki. She has been working with different guys, with different types of body, but this one was different.

"Oh, Sir Atticus!" Lumapit ang isang teacher sa lalaki at inilahad ang kamay sa kanya. "Si Ma'am Khaila, bagong teacher natin."

Bahagya lang itong tumango sa kanya.

"Atticus Aleir Klein, Ma'am."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top