Chapter 1
KHAILA woke up earlier than she expected. Sanay na ang katawan na maaga nagiging. She tied her hair up and wore her usual outfit, kapag nag g-gym siya. Lavender sports bra and fitted short, paired with her sneakers.
Pinuno niya ng tubig ang tumbler bago lumabas sa bahay nila. She's going to run around the village. Malaki ang village nila kumpara noon.
Tahimik pa ang buong village nila, malamang ay dahil madaling araw pa. Their village was safe and she's free to run without thinking of being kidnapped. One of her father's friend, her Tito Ryker, was obsessed with their safety.
Bulletproof nga ang Artista Van na mayroon sila.
She wore her ear pods and listen to music while running. Nakakailan na ikot na siya sa buong village nila nang mapansin na may tumatakbo na rin pala sa tabi niya. A smile plastered on her lips and removed one of her ear pods to acknowledge her presence.
"Looking fabulous, Ayze," aniya.
She's wearing a sports bra and fitted short too, pero mula hanggang paa nito, mamahalin ang brand.
"Morning, Ate!" Ayze smiled cheekily at her.
Khaila almost laughed when she noticed how different their height was. Matanda lang ng ilang buwan si Ayze sa kambal na kapatid niya, pero hindi nalalayo ang height ng mga ito. Kung hindi siya nagsusuot ng heels? Baka maiwanan siya.
"How's teaching?" tanong nito nang huminto sila sa pagtakbo at nag-stretching sa playground.
Khaila held her head to the side and count one to ten in her head. Mahina siyang dumaing nang marinig na tumunog 'yon.
"Ngayon pa lang ako official na magtatrabaho…" Sagot niya.
"Best of luck, Ate Aila!"
Khaila messed pinched her cheek softly. Sobrang lambot ng pisngi nito. Umikot pa sila ng isang beses bago sila nag cool down at umuwi sa kanya-kanyang bahay.
Nang makita siya ng kasama nila sa bahay, agad siya nitong inabutan ng towel. She quickly wiped her body and went to her room to grab a shirt. Pagkatapos ay bumalik siya sa kusina para ipaghain ng almusal ang mga kasama niya.
Khaila prepared heavy breakfast for their father and for Ky, habang ang sa kanilang tatlo naman, their mother, kay Tally, at sa kanya ay healthy sandwich.
Strict ang diet ngayon para sa kapatid niya lalo na at madali lang itong madagdagan ng timbang. Idagdag pa na palaging pang sexy at daring ang mga gig nito. Hindi umalma ang mga magulang nila dahil 'yon ang gusto ni Tally.
But Ky was different. Palagi itong nakasimangot kapag nakikita ang billboard ng kapatid nila na naka two-piece lang.
"Ate…"
Mahina siyang natawa nang yumakap si Tally sa baywang niya at basta na lang isinubsob ang ulo nito sa dibdib niya. Her baby…
"Breakfast is ready, Tally. Gisingin mo na ang kambal mo," utos niya rito pero hindi man lang ito gumalaw.
Tally tightened her grip on her. Napangiti lang siya at marahan na hinaplos ang buhok ng bunso nila. As a former model, she knew how hard it was to have a normal and eight hours long sleep. Idagdag pa na nag-aaral ang mga ito.
Khaila moved a little and made Tally sat on the chair, habang siya ay nakatayo sa tabi nito. Ayon ang nadatnan ng Papa nila nang pumasok ito sa kusina.
"Good morning to my two princesses," bati sa kanila ng Papa nila at marahan silang hinalikan sa noo. Nauna siya, sunod ay si Tally na hindi pa rin humihiwalay sa kanya.
"Good morning, Pa. Ready na po ang breakfast. Si Mamu?" tanong niya.
"May inaayos lang sa kwarto. Ky is still sleeping?"
Tumango lang siya bilang sagot. That guy never learned. Hindi marunong gumising mag-isa sa umaga.
Their father clicked his tongue and shook his head. "Ako na ang gigising."
Sunod na pumasok ang Mamu nila sa kusina, bihis na bihis ito at mukhang hindi lang sa School ang punta. Khaila greeted her and Angelyn, her mom, did the same. Ganoon din kay Tally na tulog na nakayakap sa kanya.
Angelyn sighed. "She must be tired…"
"Late na po ba natapos ang photoshoot?" Khaila asked as she rubbed her sister's back.
"I think so… Tanungin mo si Ky, hindi ko masyadong narinig ang hinaing no'n kahapon. I'll tell her handler too, nabawasan ang gig ni Tally."
Nag-aalala na sumulyap ang Mamu nila sa kapatid. She's like that too… Noong siya ang nagtatrabaho. Simula bata silang tatlo, sanay na sila sa industriya ng pagmomodelo. It's all thanks to their father. People knew them because they're a Miller.
Pero sa trabaho, sila na mismong tatlo ang nagpapaingay sa pangalan nila.
Their mother readied the breakfast she made, hindi pa rin siya makagalaw dahil kay Tally.
"Ahh! Warm hugs!" Ky yelled and ran to hug her. Dahilan para magising si Tally.
"So noisy, Ky!" reklamo nito.
"Good morning to you, too, Tally!"
Tumawa lang ang mga magulang nila sa kaingayan nilang tatlo. Pinagitnaan siya ng kambal and Ky reminding the two of them, Tally and her, to eat more. Dinaig pa nito ang Papa at Mamu nila na tahimik na nag-uusap.
Khaila smiled when she noticed their father looking softly at their mom while she's talking, ang kamay nito ay nakapatong sa backrest ng upuan ng Mamu nila.
"Aila, pahatid ka na lang or pasundo ka kay Chris? Aalis kami ng Papa niyo… kaya,"
"Date, Ma, Pa?" mapang-asar na ngumisi si Ky sa dalawa.
Their mother playfully rolled her eyes at them. Habang ang Papa naman nila ay may mayabang na ngisi na nakapaskil sa mga labi. It's a date.
"Yes, it's a date." Their father smugly answered.
Pabiro na hinampas ni Ky ang mesa at lumikha 'yon ng ingay.
"Aila, si Tita Krizzia mo na ang bahala sayo mamaya. And… Ah, kinulang kasi tayo ng magtuturo sa primary. Okay lang ba if doon ka muna?"
"Of course, Ma. Pwede naman." Nahawakan niya sa braso ang Mamu nila nang may maalala. Sumulyap siya sa Papa nila na kausap si Ky. "Can we talk? 'Yong tayo lang sana, Ma."
Nagtataka man ay sumunod pa rin sa kanya ang ina. They went to her room and closed the door.
"I actually have a favor to ask, Ma…" Khaila sighed. "Being a Miller… I already experienced how much they questioned my worth and capabilities because I'm carrying Papa's surname. I know, masasaktan ko siya kapag nalaman niya 'to but… Can I use my surname before? Your surname, Ma. Habang nagtatrabaho ako sa School?"
Maliit na ngumiti sa kanya ang Mamu niya. Angelyn caressed her face and tucked her hair strands behind her ear.
"Kung 'yan ang gusto mo, anak… But, please, talk to your father too. I'm sure he'll understand it. He's always understanding, baby."
Tumango lang siya. Bago lahat ng mga guro nila sa primary, kung may mga nakakakilala man sa kanya 'yon ay dahil sa pagmomodelo niya, which was malabong mangyari.
When she turned her back against modelling. Fame. Cameras. Her uncles helped her, para mawala lahat ng mga pictures o kahit anong article tungkol sa pagiging sikat na modelo.
Ang kapatid niyang lalaki ang naghatid sa kanya sa School. She started working like usual. The faculty for primary teachers was a bit small compared to the faculty of secondary teachers.
"Morning, Ma'am!" bati sa kanya ng isang lalaki. Her eyes went down to the ID he's wearing.
Khaila smiled. "Good morning, Sir."
He was the first one na naging ka-close ni Khaila. Nalibang siya sa mga kwento ng mga ito. Saka lang din niya napansin na mas lamang ang mga teacher na lalaki kaysa sa mga babae.
Some were joking about courtship, pabiro niya rin 'yon na tinanggihan.
"Ma'am, parang nakita na kita noon sa billboard! Sa may highway? O baka hawig mo lang?" ani ng isang kapwa niya guro.
Inayos niya ang mga gamit na dadalhin niya sa classroom at umiling sa sinabi nito. She stopped modelling to teach. And she's now here to teach, not to brag about her work before. Alam na niya ang kasunod noon. Questions after questions, in the end, ang punto lang naman ay bakit pinili niya ang magturo gayon na maganda ang sahod sa pagmomodelo?
She loves teaching. She's made for it.
"Hawig lang siguro…"
"Ang ganda mo, Ma'am. 'Yang ganyan na ganda? Pinapa-billboard!" Inilapat nito ang kamay sa baba nito.
Pigil ni Khaila ang sarili na tumawa nang malakas sa sinabi nito. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang nakita ang mukha sa mga billboard, siguro sa susunod na makikita niya ang sarili, nakasuot na siya ng wedding gown.
Iniwan na niya ang mga ito at pinuntahan na ang mga bata na tuturuan niya. Teaching was already part of her since then, siguro ay dahil palagi siyang sumasama sa Mamu niya noong bata pa siya, o sadyang mahilig lang siya sa mga bata.
She was good at handling toddlers and got complimented continually after almost a week of working.
"Hindi namin siya kayang patahanin kapag umiyak na ang bata na 'yan. Iba talaga kapag maganda oh! Pati bata, tumitiklop!"
Khaila playfully rolled her eyes.
"Sir, trabaho oh! Tigilan mo 'yan." Patutya na sabi ng isang guro na kasama nila sa faculty.
Nagkakamot na umalis sa harap ng table niya ang lalaki. She shook her head and proceed on doing her own work. She's close to male teachers. Hindi niya alam kung bakit siya nahihirapan na mapalapit sa mga babae na guro.
After work, nagulat na lang siya na iba ang sumundo sa kanya. It was always her brother o kaya naman ay ang mga kasama nila sa village, anak ng mga Tito at Tita niya.
"Sakay na, Ma'am!" Chris yelled at her.
Binuksan niya ang pintuan ng Van at nakita sa loob ang buong team niya. Her assistant smiled at her and hand her flowers.
"Ano'ng meron?" natatawa na tanong niya at tinanggap ang isang pumpon ng bulaklak.
"Late celebration sa pagpasa mo sa LET at sa bago mong trabaho!" Amanda answered. She even clapped her hands. Like how sea lion clapped…
"Samgyup tayo! Hindi naman na diet si Khaila." Ungot ni Gayle.
Her assistant shrugged after scanning her whole body with her hawk eyes. She pouted her lips, nagpapaawa. Khaila badly wanted to have a cheat day, and this was the perfect day.
"Sige," payag nito.
They went to the nearest samgyup house and celebrate her success. Her success, was also their success, according to her team. Pagkatapos nila, halos mahilo na siya sa dami niyang nakain at gusto niya nang tumakbo pauwi nang makita ang handa ng Tito Yves niya para sa kanya.
"It's okay, mag dessert ka na lang?" Yves asked. He even offered a small slice of cake.
Gawa 'yon ng Tita Rion niya kaya agad niyang tinanggap.
"Do you want something?" Isabella asked her.
Ngumiwi si Khaila at umiling. The mini celebration ended with the elders, getting drunk. As usual. Parang hindi matanda ang mga ito.
KINABUKASAN, hindi alam ni Khaila kung bakit hindi siya mapakali habang nagtuturo.
"Khaila…"
Umawang ang mga labi niya nang makita ang Papa niya. Hindi niya pinakita ang kaba at gulat sa mukha niya dahil sa pangalan siya nito tinawag.
"Princess… May problema ba tayo? Sa akin? Did I do something… you didn't like?"
"What do you mean, Pa?" naguguluhan na tanong niya rito.
"You're not using my name… Valencia ang gamit mo…?" Marahas itong lumunok. "I mean, you can use your mother's name, it's okay, but… you're now a Miller… matagal na."
Her lips thinned when she saw how affected her father was by her decision. Pain flickers in his eyes as he tries to understand her without explaining her side. Parang may bumara sa lalamunan niya.
"Pa… wala ho tayong problema. I'm sorry, hindi ko agad nasabi sa inyo. It's just that… people are questioning me. My existence, my capabilities, everything… Gusto ko lang na makilala ako ng mga kasama ko dahil sa husay ko sa pagtuturo…" Hindi matuloy ni Khaila ang sasabihin.
"I understand…"
Mabilis na lumapit si Khaila sa Papa niya at niyakap ito nang mahigpit. She kept on whispering 'sorry' to him. Kyst sighed heavily and patted her back.
"Alam mo naman na hindi ko kayang magalit ng matagal sa inyo… sa 'yo."
"Hindi ka nagtatampo?" Khaila pouted her lips and looked up to him.
"Nagtatampo, nak…"
"Paano ako babawi?"
Kyst sighed. "No need. Makita lang kitang masaya sa ginagawa mo, bawi ka na sa akin."
She chuckled at his answer. They talked a little, bago magpaalam ang Papa niya na pupuntahan muna nito ang Mamu niya. Saying, they still have some works to do. Some papers to sign and kailangan ipasa sa city hall.
Khaila lost her smile when her father turned his back on her. Tumingala siya sa langit at kinagat ang pang-ibaba na labi. She turned on her heels and went to the playground. Umupo siya sa swing at yumuko.
Her shoulders shake as she lets herself cry. It hurts. It hurts seeing her father look defeated as he looks at her. It hurts how her father questioned himself if he did something wrong. All her life, puro maganda lang ang pinakita at itinuro nito sa kanya.
Napatigil siya sa pag-iyak nang maramdaman na may umupo sa katabi ng swing niya. Her hands placed on her lap, balled.
Napasinghap siya nang abutan siya nito ng panyo.
"Hindi ko alam ang rason bakit ka umiiyak… But, everything is going to be fine."
Gasgas na ang linya na 'yon. But Khaila found herself smiling.
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top