Kabanata 29



HELGA


"Pero Papa---" Nakasimangot si Helga at nakakapit sa braso ng ama.

"Helga, don't be a baby. Kailangan ako sa Sweden. Meron akong high-end client na gustong magpasukat ng buong bahay niya. It is a good opportunity para sa ating negosyo. I am doing this for you."

"Papa, nandito po si Pierre. Di niya ko bati." Bulong pa niya kahit alam niyang naririnig naman siya ng binata, nasa likod nila ito at kunyari ay abala sa pag-check ng drawings na dalawang araw na niyang ginagawa.

"Kaya nga kampante ako na iwanan ka."

Napalabi siya, alam niyang marami nang tinanggihang commitments ang kanyang ama sa ibang bansa dahil sa kanya pero bakit kasi ang pakiramdam niya ay ipinagtutulakan siya kay Pierre. Gusto niya tuloy magtampo. Hindi ba nito nakikita na malamig sa kanya si Pierre dahil sa nagawa niyang kasalanan? Nagtago siya dito ng ilang buwan, pati ang kanyang pagbubuntis ay inilihim niya din.

Pinanood niya ang ama nang isakay sa likod ng van ang mga bagahe nito at isang kaway ang iginawad sa kanya. Mangiyak ngiyak siya nang bumalik sa isang rectangular table na sinet-up sa may living room area kung saan siya gumuguhit. Her father believes that she can think of new ideas kung nakaharap siya sa malawak na view ng mga bundok. Pero ang nakatakip sa bundok na iyon ay ang guwapong mukha ni Pierre at masama pa din ang tingin sa kanya.

"Helga, itong color scheme mo sa Activity Center two, parang merong mali."

Nakipagtagisan siya ng titig, talagang pinahihirapan siya ni Pierre. "Simula nagpunta ka dito, wala ka nang nagustuhan. Sigurado ka bang ako ang gusto mong kuning designer o talagang gusto mo lang ako pahirapan dahil masaya kang pinapahirapan ako?"

"Wow, what an accusation." Ngumiti si Pierre at napailing. Parang may natagpuan pa itong humor sa kanilang usapan. Nainis siya sa paraan ng pagngiti nito at gusto niyang tusukin ang mata na panay tingin sa kanya.

"The colors are too bright."

"Boring ka lang kasi kaya di mo gusto."

"I like it. I think it is better to tone down a little bit. Masyadong bright ang yellow at apple green, baka naman magsuot pa ng sunglasses ang dadaan diyan."

"Aba! Napaka-basher mo naman! Green is the color of balance, harmony and growth. Samantalang ang yellow naman, optimism at confidence."

"I have nothing against the color choices, masyado lang maliwanag ang artist impression mo. Masyadong madiin ang mga kulay."

"Eh kasi nga nagagalit ako!" Pagsabog niya. Napaawang ang labi ni Pierre. There they go, wala pang limang minutong nakakaalis ang kaniyang ama at talaga ngang nag-aaway na sila.

"Ikaw pa ang magagalit? Ipinahanap kita, Helga. Ikaw ang nagtago. Ikaw ang ayaw na akong makita. Eh ikaw nga eh, sinabi mo pang hindi ko anak ang dinadala mo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yon?"

"Ako! Puro na lang ako!" Hinanakit din niya, "Nagtago ako kasi ayaw ko nang guluhin ang buhay mo, ang buhay niyo ng kapatid ko. Ako lang naman ang nanggulo sa buhay mo di ba.."

"How dare you!" Mas tumaas ang boses ni Pierre. "How dare you say na ginulo mo ang buhay ko? Pero sige, yan ba ang gusto mong marinig? Well for your information, Helga, ikaw ang pinakamalaking gulo sa buhay ko."

"Salbahe ka!" She countered.

"In fact you made my life yours. Ikaw ang nagpaikot ng buhay ko simula nang dumating ka, how dare you take my life away from me? Simula nawala ka, you have no idea what I went through that I know you are possibly pregnant. Iniisip ko kung umiiyak ka ba gabi gabi at walang kasama. Iniisip ko kung meron bang bumibili ng mga pagkain na gusto mo because knowing you, you always settle for less. Hindi ko akalain na magmamahal ako ng taong ganyan ka-selfless! Sa sobrang laki ng puso mo, minahal mo ang lahat pwera ako at ang sarili mo and I hate you for that!"

Pagkasabi non ay hinihingal na tumalikod si Pierre at padabog na umakyat sa guest room kung saan ito nanunuluyan. Natulala ang mga kasambahay nilang dumalo sa komosyon sa kanilang pagitan.

Pinilit niyang ngumiti at napapahiyang napayuko sa mga kasambahay, "N-nagku-kwentuhan lang po talaga kami."

Hindi niya alam kung paano lumipas ang maghapon na iyon. Sinubukan niyang magdrawing ng iba pa pero hindi na muling bumaba si Pierre. Pinapadalhan niya lang ito ng pagkain at ipinagpapasalamat niya na tinatanggap naman nito at kinakain. Narealize niya na may punto ito. Hindi niya naman talaga ginustong kunin si Pierre mula sa kapatid niya, hindi niya din ginustong agawin dito ang karapatan para maging ama ng anak ni Helena.

Tumunog ang cellphone niya kinahapunan. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Stephanie doon. She needs distraction at magaling doon ang kanyang kaibigan.

"Steph.." Bungad niya sa kaibigan.

"Oh? Bakit ganyan ang boses mo?"

"Kasi si Pierre, nagagalit sa akin."

"Bakit daw?"

"Kasi nagtago ako sa kanya.."

"Hmm.. Nagpapabebe lang yan. Lambingin mo kaya?"

Namilog ang mga mata niya, "What? Ayoko nga!" Umiling iling siya at nilingon pa ang guest room mula sa kinauupuan niya sa living room. "Nakakahiya yun."

"Anong nakakahiya? Ano bang gusto mong mangyari sa inyong dalawa?"

"Bakit ako ang mag-iisip sa gusto kong mangyari? Hindi ba dapat bigyan niya muna ako ng choices?"

"May nakikita ka bang choice? Merong bang a,b,c,d sa pagmumukha ni Pierre? Ikaw ang tatanungin ko, do you want to be with him?"

"Paano kung ayaw niya?"

"Si Pierre ba ang tinatanong ko? Hindi ba ikaw?"

"Magulo pa. Iisipin na talaga nila Mommy at Daddy na trinaydor ko si Helena."

"Alam mo, madalas gusto kong mandiri sa kabaitan mo. Wag lang sana mamana ng anak mo yan ha."

"Stephanie naman. What I am saying is, hindi ko pa tiyak kung anong gusto ko pero ayaw ko naman na magkaaway kami."

"So friendship muna. Okay, ibaba mo itong telepono at amuhin mo yung friend mo.."

"Steph naman!"

"Oh, bakit? I am giving you the solution, Honey. Kung ayaw mong nag-aaway kayo, eh di kaibiganin mo."

Nang ibaba niya ang tawag ay nag-isip siyang mabuti. Iniisip niya kung paano siya patatawarin ni Pierre. She should say sorry, right? Pero dapat meron siyang pakulo. She should cook him dinner. Dadalhin niya iyon sa silid ni Pierre pagkatapos ay hihingi siya ng tawad.

Habang inihahanda ang sangkap sa napagdesisyunan niyang lutuin na beef salpicao, nagpapractice siya ng speech niya.

Ilang beses niyang na-edit sa utak niya ang speech niya, hindi dapat masyadong mahaba para hindi maging madrama. Dapat straight to the heart, yung tunay na nararamdaman niya. Kaya lang baka may iba naman siyang masabi kapag ganon.

"Bahala na nga.."

"Ano po yon, Ma'am Helga?" Tanong sa kanya ni Koring, ang cook ng kanyang ama.

"Wala po. Ako na po ang mag-dadala nito kay Pierre." Ngumiti siya at saka iniangat ang tray mula sa kitchen nook.

Tatlong beses ang mahihina niyang katok sa silid ni Pierre, when it opened, ang bagong shower na Pierre ang bumungad sa kanya. His hair is still dripping wet and his towel hanged loosely on his waist. Napalunok siya at bahagyang napaatras.

"Dinner mo.." Aniya.

"I will be dining out. Nag-imbita ang isang associate ko na naka-base na din dito sa Cebu."

"P-pero ako ang nag-luto nito.." Maliit ang boses niya. Lumipat ang mga mata ni Pierre sa tray. Agad na inabot nito ang tray mula sa kanya.

"Thank you."

Akmang tatalikod na si Pierre nang pigilan niya ito, "S-sandali. Meron ka bang ilang minuto? May sasabihin lang ako." Huli na bago pa niya marealize na hindi pa nakabihis si Pierre pero nang buksan nito ang pinto ay pumasok na din siya. Umupo si Pierre sa gilid ng kanyang kama, siya naman ay naupo sa arm chair na kinakabahan ng husto.

Ipinatong ni Pierre ang tray sa kanyang binti at agad na sumubo ng ulam. Helga couldn't hep but notice how manly he eats. Nakatitig pa ito sa kanya sa bawat subo. Yun nga lang ay masama ang tingin sa kanya.

"Talk."

"Nung umalis ako, isa lang ang dahilan, ayokong ma-stress ang baby ko—natin. Sana maintindihan mo na hindi masyadong maganda ang environment na meron tayo. Inisip kong habulin ka, p-pero kasi baka hindi ko kaya, baka mag-suffer ang baby. I almost lose our baby. Siya lang ang meron ako. Akala ko kasi buntis din talaga si Helena, magkakaroon ka din ng baby mo at ito.." Masuyo niyang hinaplos ang kanyang kamay, "Ito lang ang meron ako. Ito lang ang maiiwan mo. Sana akin na ito. Sana hindi ko na kailangan makipagpatayan para dito. All my life I need to prove my worth, gusto ko lang magkaroon ng akin na walang ibang aagaw." Hindi siya umiyak. She tried to maintain her composure. After all, hindi na siya bata na pupwedeng iiyak ang lahat para pagbigyan. She wants to talk to Pierre like a grown woman, kahit nakakatanda sa kanya ang kahrap.

"Gusto mo sayo lang yan?" Tumaas ang kilay ni Pierre at sumubo muli ng pagkain.

Tumango siya. "Hindi ko naman ipagdadamot sayo. 'Wag mo na lang sana idaan sa korte. I mean, your future wife would hate my child anyway. Hindi ako hihingi ng sustento, you can live your life the way you want it—"

"You really think so?" Pinanliitan siya ni Pierre ng mata. "So you are okay if I get myself a wife?"

Kahit labag sa kalooban niya ay napatango siya.

"Okay." Nag-kibit balikat ito. Tumayo ito bitbit ang tray na wala ng laman. "I am running late so if you don't mind."

"Pierre."

Nilingon siya nito.

"P-pupwedeng magpabili ng siomai sa Tisa?" Napakagat labi siya, hindi yun ang gusto niyang sabihin.

Tumango si Pierre, "Okay." Lumapit ito sa pinto at binuksan para sa kanya.

"S-saka samahan mo na din ng puso. Mga lima."

Puso (hanging rice) is a dish originating from the province of Cebu in the Philippines. It consists of rice wrapped in coco leaves which is then boiled.

"Limang puso pa ang kailangan, hindi talaga kuntento sa isa." Bulong ni Pierre.

"Anong sabi mo?"

"Gabi na, kakain ka pa ng ganon karami?" Imbes na ulitin ay tinanong siya ni Pierre.

Nilawakan pa ni Pierre ang pinto para sa kanya pero hindi siya kumilos mula sa kinauupuan niya.

"Pierre." Napalunok siya.

"What else, Helga? I'll be late." Tila nawawalan na ng pasensya na sabi nito.

"Y-yung associate mo, babae o lalaki?"

Natigilan si Pierre at sinukat siya ng tingin. "Why?"

"Lalaki o babae?" Ulit niya, halos mapunit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng suot niyang maternity dress.

"Get dressed, sumama ka na. Pagkatapos ng dinner ko pupunta tayo sa Labangon. Kakain tayo ng siomai."

"Pierre.."

"Lalaki ang associate ko, merong kasamang mga babae. I don't want to leave you here at kung ano ano na naman ang iisipin mo sa akin. I know the feeling of being jealous."

"I am not jealous!" Namumula na ang mukha niya. "Ano naman kung makipagsaya ka doon sa mga babae ng associate mo! Siguro balingkinitan ang mga katawan non, siguro hindi namamanas ang mga paa nila. Ano naman! Maganda naman ako."

"What?" Amused na bulalas ni Pierre. 

Taas noo siyang nag-iwas ng tingin, "Tiyak kong mas maganda pa din ako sa mga iyon." Naririnig niya ang mga hakbang ni Pierre papalapit sa direksyon niya, gusto niyang kainin na lang ng lupa.

"I know. Ikaw ang pinakamaganda. Ikaw lang, Helga. But I want you to come with me. I missed you the whole day." Nakalapit na sa kanya si Pierre at nakaluhod sa kanyang harapan. 

"Pierre!" Napatakip siya sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Why does he have to be so blunt! Parang puputok ang puso niya. Nahihirapan ata siyang huminga.

"Come on, Helga. Don't you miss me?"

"Papaluin ko na yang mukha mo, lumayo ka!"

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Pierre, "Kinikilig ka." Ginulo nito ang buhok niya. "Magbibihis lang ako, iintayin kita sa living room. Make it fast para makapagpaalam na agad tayo at tayo naman ang magde-date."

Nang tumalikod si Pierre ay nagmamadali siyang lumabas. Hindi niya ata kayang makipagtitigan dito. Anong karapatan ng lalaking iyon na tuksuhin siya sa pagiging kyuryoso? Nagmabilisang shower siya at tinuyo ang buhok. She opted for a white maternity flowing dress. Pakiramdam niya pa din ay napakapangit niya. Imposibleng hindi titingin si Pierre sa ibang babae kung ganun ang itsura niya.

But who cares? Bakit niya nga ba iniisip yon?

Nang bumaba siya sa hagdan ay natanawan niya agad si Pierre na matiyagang nag-iintay. He's wearing a dark blue poloshirt and dark jeans. Parang bumigat ang paa niya, naalala niya ang pag-uusap nila.

"Hi Baby. You look good." Malakas ang boses nito, nag-init muli ang pisngi niya. Tiyak na maririnig iyon ng kanilang kasambahay, baka makita din ito bsa CCTV ng Papa niya.

"'Wag mo nga akong tinutukso!" Sabi niya nang makalapit.

Natawa muli si Pierre. Agad na gumapang ang kamay nito sa kanyang beywang. "I am just showing you what you'll miss if you won't end up as my wife."

"Ang yabang mo!"

"But definitely it is not as much as what I would miss if you will not become mine." Bulong nito sa kanyang tainga, "Itigil na natin ang lambingan na ganito. Let's make this official. Mahal kita. Please be my wife, Helga."


♁☆♁☆♁☆♁☆



Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top