Helga x Pierre 7


HELGA.

Nagising si Helga na nananakit ang likod. Hindi na siya pinakawalan pa ni Pierre kagabi simula bumagsak ito sa pagkakahimbing. Her back hurts yet she felt that she had the best sleep since all the ruckus. Hindi niya tuloy maiwasan ang mapangiti kaya lang biglang umurong yon.

"You're awake." Halos mapatalon pa siya nang magsalita si Pierre na nakamasid pala sa kanya. Nakasiksik kasi siya sa half naked body nito at prenteng prenteng nakaunan sa braso nito.

"S-sorry.. Ano.. Kasi--"

"Anything weird I did last night?" Inosenteng tanong sa kanya nito. Mabilis na napailing si Helga, she's restraining herself from being talkative. Ayaw niyang sabihin kay Pierre ang nangyari dahil baka pag-isipan siya nito nang hindi maganda. Baka sabihing nananamantala siya o di kaya isumbong siya sa Ate niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang lamat na mayroon silang magkapatid. She's her only sister after all, kissing her sister's boyfriend is so wrong.

Pinapangako niya talagang hindi na mauulit yung nangyaring yon kagabi! So she shook her head multiple times to justify her denial.

Nagtaas ng kilay si Pierre dahil sa matigas niyang pag-iling. "Really?"

"Totoo! S-sorry, dito ako inabot ng antok.. Inaasikaso kita kagabi tapos inantok ako.. nahimatay nga ata ako!" Pagsisinungaling niya when the truth is hindi siya pinakawalan ni Pierre. Hindi niya naituloy ang pinaplanong pagpapainom dito ng kape dahil hinawakan siya nito sa bewang at dinaganan ng mahahaba nitong binti. Napagkamalan pa ata siyang unan.

"Fck, I was so drunk last night.." Wika ni Pierre habang napapailing. Ang kaliwang kamay nito ay namamahinga pa din sa bewang niya samantalang sa kanang braso naman nito siya nakaunan, pinaglalaruan pa nito ang kanyang buhok na tila wala naman sa sarili.

"Bakit ka ba kasi uminom?" Tanong niya.

"I am thinking of someone."

Tipid siyang ngumiti, hindi pa din alintana ang braso na nakapalupot sa kanya. "Si Helena. You should see her." She concluded and suggested.

Noong mga nakaraang araw, busy si Pierre. Maagang umaalis at late na din nakakauwi, baka wala na itong oras para kay Helena kaya namimiss niya.

"What I did last night---"

"Wala ka namang ginawa, Pierre." Putol niya.

"Never allow anyone to do that to you.. I mean, kapag may nalasing, wag kang lalapit, okay?"

Kumunot ang noo niya. Nagiging weird na naman si Pierre sa pinagsasasabi. Baka lasing pa.

"You are too young, you might be taken advantage of.."

"I am not TOO young!" Kontra niya.

"But still.. Young." Giit naman ni Pierre, mukhang parehas na silang nasanay sa kanilang distansya na halos magkadikit na din ang mukha.

Padabog niyang itinulak si Pierre. how could he say that when she's already married? At saka binabawalan pa siya nitong magkawang gawa kung ganon? Kaya lang naman siya nakatulog sa tabi ni Pierre ay dahil tinulungan niya ito sa kagustuhang mapaginhawa ang pakiramdam nito.

Well anyway, not good deeds will be appreciated. At the end of the day, imbes na magpasalamat ay nasabihan pa siyang bata. She hates it! She's being reminded how she was ill-judged by her parents at ang kanyang pagpapakasal ay isang pangdidisiplina sa isang kagaya niyang rebelde. This is too much for a penalty. Buong buhay niya ang isinangkalan nila.

Naiinis siyang bumangon. Pierre was caught off guard kaya nakawala siya mula sa hawak nito. At dahil nainis siya kay Pierre, imbes na maghanda ng almusal na kadalasang ginagawa niya, she ended up in her room. Naghanda na siya para sa pagpasok sa kanyang school. Nag-inhale exhale siya ng maraming beses. Hindi maaring mainis siya. This is her first day at school. Nakasalalay pa naman sa kanyang mood ang mga ideya na magagawa niya.

Napaismid siya habang naalala ang kanilang pag-uusap kaninang umaga. Pinasama nito ang loob niya. Imbes na tanghali pa siya papasok, mas minabuti niyang pumasok na lang ng maaga.

Natagalan siya sa paliligo. She's excited pero napuputol iyon ng kanyang inis. Nang makapagbihis na siya at lumabas na ng kuwarto, nakaamoy siya ng bacon sa paligid. Nagulat pa siya nang makita si Pierre na nagluluto sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron pero walang tshirt sa ilalim. Napangiti ito nang makita siya pero umirap lamang siya. Padabog sana siyang lalabas na ng bahay nang.

"Mature people less likely walks out." Pagpupunto nito. She gritted her teeth, kaunti na lang ay magga-growl na siya kay Pierre pero mas lalo lamang itong natawa at tinanggal ang tuwalyang bumabalot sa kanyang ulo.

"Papasok ka nang may towel sa ulo? Really now.. Bagong uso ba ito?" Pinanliitan siya ni Pierre ng mata.

Natulala siya habang marahang tinutuyo ni Pierre ang basa niyang buhok. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, she finds it sweet and sexy and she doesn't like thinking that way. Nagkakasala na naman siya kay Helena.

"Wag mo nga akong hawakan!" Asik niya.

Mahinang tumawa muli si Pierre. "Pinag-iingat lang naman kita."

"Dahil bata pa ako?"

"I am 4 to 5 years older than you at least. Siguro naman, that earns me a credibility to warn you. Isa pa, lalaki ako kaya alam ko."

"Wala ka namang ginawa sa akin kagabi ah!" Depensa pa niyang muli.

"Wala.. Probably because my instinct says you are my little sister." Anito.

Nahigit ni Helga ang kanyang hininga. May dumaang kirot sa kanyang puso.

Little Sister..

Mas masakit pala yon kaysa masabihang bata pa. Sabagay, ano nga ba ang ieexpect niya? He wouldn't treat her more than he's allowed to. Kapatid siya ni Helena kaya dapat ay parang kapatid din ang turing nito sa kanya.

Yun nga lang, his instincts failed. He kissed her! Hindi nga lang siya maaring umamin.

"O-okay, point taken. Kukunin ko lang ang bag ko at papasok na ako.." Paalam niya na masungit pa din.

"Sandali lang.. Ngayon na nga lang ako nagluto, hindi mo pa papansinin. I cooked you your favorite." Nakangiting sabi nito. Gusto niyang sumimangot dahil sa inaakto ng kaharap. How can he be so happy? Sabagay, sa lahat ng ito, siya lang naman ang apektado.

"At ano naman yon? Paano mo naman nalaman ang paborito ko?" Nakanguso niyang tanong.

"Well, I've noticed that you always cook bacon."

Kumunot ang noo niya, "Natural! Yun ang pang-almusal! Hindi naman tama kung sinigang o di kaya bulalo ang ipakain ko sayo tuwing umaga." Umirap pa siya para ipagtanggol ang sarili. Muling tumawa si Pierre dahil sa reaksyon niya.

"You don't have to be defensive, Baby." Wika nito. Pinanlakihan siya ng mga mata dahil sa itinawag ni Pierre sa kanya.

Para naman ding nagulat si Pierre sa sinabi.

"B-baby! Baby sister!" Mabilis na sagot nito. "If I had a sister, I would call her that. You are that sister I never had, Helga." Wika ni Pierre na hinaluan ng malakas na tawa.

Ngumiti si Helga at lumapit doon sa lamesa.

"Brother and sister?" Tanong niya habang natatakam sa bacon na nakahain.

"Brother and sister.."

Nag-kibit balikat siya at binalewala na lang si Pierre. Let him call her what he wants. She's a follower, she always is.

---

PIERRE.

THE HECK, Pierre! Anong 'Baby'?

"Excited na akong pumasok. Simula noong pinalayas ako ni Daddy, kinalimutan ko na babalik ako sa school anytime soon.." Maganang kwento ni Helga habang kumakagat ng toasted bacon na paborito nito. Nakalimot na nga ata ang asawa niya sa sinabi niya. Samantalang siya, hindi mawala sa isip ang itinawag niya kanina dito.

Masyado kasi siyang nakikinig kay Dave kaya pati siya ay naiimpluwensiyahan ng kalokohan ng kaibigan.

Alright. Gusto niya si Helga but he knows it is not in a romantic way. Mabait kasi ito at maasikaso and when people are nice to you, you will be nice too. Ganoon lang. Instinct. Automatic response.

"Pierre, pupwede ba akong bumili ng malaking sketchbook mula doon sa card mo? Nakalimutan ko kasing bumili kagabi.." Untag sa kanya ni Helga dahil bahagya siyang nag-space out.

"Whatever you need. Bumili ka na din ng mga damit mo. Ayain mo ang mga kaibigan mo. Treat them dinner too." Alanganing suhestiyon niya. Iniisip na gagabihin si Helga umuwi dahil sa kanyang sinabi. Gusto niyang bawiin kaya lang nasabi niya na.

Napasimangot si Helga. "Busy naman ang mga yon. Ako na lang siguro. Aagahan ko na lang para maipagluto din kita ng hapunan."

Napangiti siya sa sinagot nito. But then, an idea crawled into his mind. Pinigilan ni Pierre ang pumasok sa kanyang isip na alok pero bago niya magawa yon, parang may sariling desisyon naman ang dila niya.

"You don't have to think about it. Sunduin na lang kita. Let's dine out?" Anyaya niya. Tila nagulat naman si Helga dahil dalawang araw na silang kumakain sa labas.

"S-sige.." Alanganing sagot nito sa kanya. Somehow he felt relieved that she agreed.

Nagmadali din siya sa paghahanda para sa pagpasok sa opisina. Helga's waiting for him. Sinabi niyang ihahatid niya ito para hindi ito kabahan.

Ganito pala ang pakiramdam ng isang Kuya.. He said to himself. Nang makapagbihis na siya, tumunog ang kanyang cellphone at isang tawag yon mula kay Helena.

"Hi Hon.. I missed you! Malapit na ang bakasyon namin nina Zanille sa Maldives. I really hope you could come.." Helena chirped. Napangiti siya sa boses nito. Parang ang tagal na simula ng sila ay magkausap.

"Hello.. Yeah. Enjoy your girls' outing. Take a lot of pictures.."

"I will. Let's go out later. Catch up?" Helena asked.

Napapikit siya ng kanyang mga mata at bumuntong hininga bago sumagot.

"I-- cant.. Sorry.."

"Aww.. It's fine! Anyway, Dad's inviting me for dinner. I think he'll surprise me with a new car. I saw him meeting Renan, our car agent. I am pretty sure it is for me.." Pagbabalita nito. Hinayaan na lang ni Pierre na magsalita si Helena. Dati ay natutuwa siya sa pagiging excited nito para sa mga bagong gamit nito pero ngayon, naiisip niya si Helga na walang kahit ano. Ang sketchbook na gustong bilhin ay ipinagpapaalam pa sa kanya. 

Nang matapos ang tawag, doon lang bumalik ang kanyang sigla. Nakita niya kasi si Helga na kinakausap na naman ang mga halaman. Isang tanawin na nakasanayan niya na sa araw araw.

"Magpapakabait ka Chichi! Bukas na yung susunod na dilig ko sa inyo kasi papasok na ako sa school." Sabi pa nito sa orchid.

"Ikaw din, Denden. Wag kang masyadong mauhaw. Inumin mo tong mabuti." Diniligan nito ang orchid kahit nakabihis na ito nang pang-eskwela.

"Why are you talking to the plants?" Amused na tanong ni Pierre. Hindi siya makapaniwala na pinangalanan niya pa ang mga ito. Mabilis na napalingon si Helga sa kanya.

"Halaman mo sila hindi ba? Kaya inaalagaan ko din."

"Inilagay lang yan diyan ng interior designer. I don't like plants actually." Sambit niya. Si Helga nga lang ang pumapansin sa mga ito.

Lumungkot naman ang mga mata ni Helga dahil sa kanyang sinabi.

"Ganoon ba? Akala mo gusto mo sila, wala palang may love sa kanila... Pero di bale, gusto ko sila." Hinaplos pa nito ang isa pa sa mga bulaklak na kung may tainga lang, baka tinakpan na nito para hindi iparinig sa mga ito ang kanilang usapan.

Napatingin si Pierre sa magandang mukha ng asawa. Ayaw niyang makitang malungkot ito dahil nahahawa siya. Bakit naman niya palulungkutin ito kung tutuusin ay kaya naman niyang ibigay ang lahat? If she's happy, then he is too.

"Sige nga, ano pang gusto mo?" Iniangat niya ang mukha ni Helga para salubungin ang kanyang mga mata. Nagkamali ata siya dahil parang nagalit ang puso niya dahil sa ginawa. It is pounding like crazy.

"G-gusto ko?" Napalunok si Helga. Her eyes are really innocent and her voice is really soft and sweet that he wants to hug her tight. But he can't.

"P-pierre?"

"Hm?"

"G-gusto ko ng world peace."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top