Helga x Pierre 4


PIERRE.

"HELGA! Pinakialaman mo ba ang closet ko?" Iritado si Pierre sa pagtawag sa asawa. Isang linggo pa lang silang magkasama ni Helga at tanging ang pagluluto nito ang natotolerate nito. Bukod doon ay wala na. Kakaiba ang pagiging hyper at makulit ni Helga, hindi pa sya nakakapasok sa Laya Air ay naririndi na sya.

She may not be asking personal questions but those little talks she put up, hindi niya nagugustuhan.

"Hindi ako nakialam! Achoo!" Bumahing si Helga pagkapasok nya sa loob ng kwarto ni Pierre, mayroon pa itong uling sa noo. Ilang beses na ba niyang pinagplanuhan ang matawa kay Helga dahil sa mga kakatuwang ayos nito?

Hindi nya lang ginagawa dahil ayaw nyang isipin ni Helga na close sila. Matatag ang binuo nyang pader sa pagitan nilang dalawa at hindi basta basta bubuwagin ng kakulitan ni Helga ang pader na iyon. 

They just co-exist, co-habit. 

Hindi nila kailangang maging magkaibigan. Mas lalong magseselos si Helena kay Helga kung magiging magkaibigan sila. All through those years he never gave Helena a reason to get jealous pero ngayon ay madalas na nilang topic si Helga. He never saw Helena insecure, ngayon lang at sa nakababatang kapatid pa nito.

"Saan ka na naman ba nagsususuot? Bakit ganyan ang itsura mo?" Masungit na tanong ni Pierre.

"Y-yung orchids kasi nilipat ko ng bahay!" Tila nagsusumbong na sambit ni Helga. 

She must be really bored. Hindi pa nya ito nakikitang lumabas ng bahay simula ng tumira sila dito. Binili nya lang ang bahay na ito ng biglaan. Mayroon syang mansyon na ipinapatayo dalawang taon na ang nakakaraan para doon sila bumuo ng pamilya ni Helena. Ipapakita nya ito kay Helena sa oras na ayain nya ito ng kasal ngunit nabulilyaso ang kanyang plano. Yet, he still has no plans to house any other girl in his dream house. Para lamang iyon kay Helena.

"May bahay ang orchids?" Kumunot ang noo ni Pierre.

"Oo! Doon sila sa luma nilang bahay tapos nilipat ko ng paso." Maganang pagkukwento ni Helga. Napailing na lamang si Pierre. She animatedly pouted. Lumalaki pa ang mga mata niya at mas lalong nadepina ang mahahaba nitong pilik. He wanted to stop her from being cute but how can he tell her?

"Pinakialaman mo ang gamit ko 'no? Nasaan ang blue necktie ko?" Anas niya habang patuloy sa paghahalungkat.

"Yung stripes?"

"See! Nakialam ka nga!" Naiinis na sambit niya. Hindi nagpatinag si Helga at ngumiti pa din.

"Chill Pierre! Sinama ko lang sa pagpaplantsa ko kasi nalukot ata noong nanggaling sa maleta tapos---"

"What the fck? You ironed my clothes? May nasunog ka ba? Bakit mo pinakialaman? May sinabi ba akong ganon?" Sunod sunod na tanong niya. 

Halatang nabigla si Helga sa inasta niya. Pumula agad ang mga mata nito, kumurap kurap bago dahan dahang tumulo ang luha.

Napalunok siya dahil doon.

"Gusto ko lang naman tumulong kasi baka matuwa ka. Saka wala naman akong ginagawa dito tuwing wala ka kaya naglalaba ako saka namamalantsa.." Mabilis na tumalikod ang kausap dahil sa sama ng loob sa kanya.

---

HELGA.

PUMASOK sa loob ng silid nya si Helga. She really thought she will surprise Pierre. Well she did, hindi nga lang ito natuwa. Tiningnan nya ang kanyang mga kamay na nagkasugat sugat dahil sa mano mano nyang pagkusot ng mga damit ni Pierre. She wanted to make sure na hindi ito masisira ng washing machine kaya nilabhan nya ito gamit ang kanyang mga kamay, ngayon niya palang ginawa iyon. Kahit ang mga damit niya ay naka-washing machine lang.

Sa totoo lang, nahirapan siyang pakibagayan si Pierre. Masungit ito at iritable, inuunawa na lang niya dahil alam niyang pagod ito sa trabaho madalas. Itinatanong na nga niya ngayon sa sarili niya kung bakit niya pa ito naging crush noon! Palibhasa puro mabubuting bagay ang nakikita nito sa pagtrato niya kay Helena. Akala niya tuloy Prince Charming! Beast pala!

Kaya lang, guwapo pa din talaga..

"Open the door, Helga.." Masuyong sambit ni Pierre mula sa labas ng kanyang silid. Pinunasan nya ang kanyang luha. Hindi dapat makita ni Pierre na mahina sya dahil inampon lang naman sya nito. Wala syang karapatan na mag-emote. Naglakad sya patungo sa kanyang pinto at seryosong hinarap si Pierre.

Tinitigan niya si Pierre ng matalim at nagulat siya nang bigla na lang itong natawa.

"Bakit ka tumatawa?" Naiinis na tanong niya, nakakapit pa sa kanyang tiyan si Pierre na hindi maubos ang tawa.

"Sorry, I—I just..." Tumawa ito muli at hindi masabi ang susunod na sasabihin.

Akmang sasarhan ni Helga ang pinto ng iharang ni Pierre ang kanyang braso sa pagitan.

"ARAYYYY!!!" Isang malakas na sigaw ang nagmula kay Pierre. Gulat na gulat siya at di alam ang gagawin. Naipit niya ito sa pinto! Malakas pa naman ang ginawa niyang pagsara.

"Pierre!" Hinila nya ang binata papasok sa kanyang kwarto at dinala sa kanyang kama para paupuin. Namimilipit pa ito sa sakit. Kulubot na kulubot ang mukha.

"Ikaw kasi eh! Bakit mo ba ako pinagtatawanan?" Paninisi ni Helga kay Pierre habang masuyong hinahaplos ang braso nito.

"Bakit mo sinarhan ang pinto?" Masungit na tanong muli ni Pierre.

"Kasi tumatawa ka."

"You are weird."

"So are you. Sandali at kukuha ako ng yelo.." Nagmadali siyang bumaba para kumuha ng ice pack na ilalagay doon sa naipit na braso ni Pierre. Mabuti na lang at namili sya ng first aid kit noong isang araw para sa mga ganitong pangyayari. Binalikan niya si Pierre na hinahaplos ang braso, dinampian niya ito ng ice pack at maingat na hinilot.

"Okay lang ba ang lamig?" She asked. Tumango naman si Pierre na namamangha sa ginagawa niya. Siguro ay hindi nito akalain na may alam siya sa mga ganito. No one asked anyway.

"Sorry, Pierre." She sincerely said. Imbes na sumagot, napakunot ang noo ni Pierre at napadako sa mga daliri ni Helga na mayroong natuyong sugat.

"Saan mo nakuha ito?" Kyuryosong tanong ng binata habang hinahawakan ang kamay ni Helga at sinisipat mabuti. Para naman siyang napaso at inilayo agad ang kanyang kamay.

"W-wala.. Baka allergies." Pagsisinungaling nya.

Napabuga ng hangin si Pierre. "Helga, if you are really bored, dapat ay sabihin mo sa akin. Hindi naman kita pinatira dito para gawing utusan. You don't have to cook for me, wash or iron my clothes."

"But I want to!" Pagpupumilit niya. Pierre sighed.

"Tingnan mo ang ilong mo, mayroong uling. Nakakatawa ka tuloy tingnan." Ngumiti si Pierre at naramdaman ni Helga ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Kinapa na lang nya ang kanyang ilong at mabilis iyong pinunasan.

"Sorry.." She said again.

"Do you want to come with me?" Tanong ni Pierre sa kanya.

"Saan?"

"Sa Airlines.. Come on, you must be really bored by now."

Nakaramdam ng excitement si Helga, isasama sya nito sa Airlines? Gusto nya talagang makakita ng parking lot ng eroplano. Noon pa! Gusto nya ding ianalisa ang loob ng eroplano para gumawa ng posh na interiors kagaya noong sa eroplanong mayroong Hello Kitty. Gumalaw na naman ang utak nya bilang artist, hindi nya lang maikwento yon kay Pierre dahil tiyak na wala itong pakialam.

"Can I come? Like really come with you?" Puno ng pag-asang paniniyak niya.

"If you want to, then yes." Tila nakikipag-usap sa bata na wika ni Pierre.

Mabilis na siyang nagbihis nang sabihin iyon ni Pierre. She opted for a yellow flowing dress and white sneakers. Hindi naman nya kailangang maging pormal dahil si Pierre naman ang CEO at hindi naman sya kilala ng mga tao doon. They don't have to bow at her and she doesn't have to be formal.

"Ready?" Binaba ni Pierre ang bintana ng kanyang sasakyan pagkakita sa kanya na lumabas ng bahay. Tumango sya at binuksan ang gate para sa sasakyan ni Pierre. Wala silang kasambahay kaya ang maliliit na bagay na kagaya nito, siya na din ang gumagawa. Unti unti, she knows that she's becoming a better person and the good changes were accidentally brought to her by Pierre kahit hindi nito alam kung paano siya nito araw araw na binabago para mapabuti. Isasaloob na lang din niya ang kanyang pasasalamat dahil sasabihin na naman nito na weirdo siya.

Magaan ang pakiramdam niya habang binabaybay nila ang kalsada patungo sa Laya Air. Bitbit niya pa ang kanyang laptop, hindi naman tinanong ni Pierre kung para saan yon kaya hindi na din sya nagkwento na para tumingin iyon ng mga bagong disenyo ng damit.

"Good morning, Sir!" Bumati agad ang mga empleyado pagkapasok ni Pierre sa loob ng opisina ng airlines. Helga can't help it but to be proud for him. Ganoon siguro ang pakiramdam kung asawa ka ng mayari ng kumpanya, pero hindi niya inangkin ang pakiramdam na yon. Hindi siya asawa, just housemates.

Helena found a good man. One day, kapag naayos na ang lahat, she wants to find someone as good as Pierre, hindi naman siguro masamang mangarap ng ganoon. They might annul their marriage one day and she will get married again, sisiguruhin niyang magugustuhan iyon ng kanyang mga magulang kagaya ng pagtanggap kay Pierre para kay Helena noon.

"Sir, nandyan na po si Ma'am Helena." Sinalubong si Pierre ng isang babaeng nakapencil cut dress na itim at may hawak na maliit na notebook. "Kailangan ko po bang iblock ang schedule nyo sa tanghali?" 

"Yes please." Mabilis na sagot ni Pierre. Napaatras siya, hindi pa handa na makasalubong ang kapatid.

"Pierre, Honey!" Pagbukas pa lang ng pintuan ng opisina ni Pierre ay agad ng naamoy ni Helga ang paboritong pabango ng kapatid. Hindi pa siya agad nakita nito, aatras na sana siya nang hilahin ni Pierre ang kanyang kamay at ipaharap kay Helena. Bumakas ang gulat sa mukha ni Helena.

"I brought her here, she's bored plus I thought na mas mabuting nandito sya tuwing nagpupunta ka dito para hindi mag-isip ng kakaiba si Tito Mauro."

Tumango tango naman si Helena na nakumbinsi agad. Inayos nito ang suot nitong pulang skirt at lumapit sa kanya para bumeso. "Hi Helga. Long time.." She whispered.

Ganoon? Ginagamit lang pala sya ni Pierre. Akala nya talaga ay sincere ito. Can someone remind her why she liked him in the first place? She was actually thinking that he's a good man who caused her great changes.

Well, Helga, newsflash, changes are your own decisions. Walang ibang magtutulak sayo para gumawa ng mabuti at masama. Kapag hindi ka na bata, ang desisyon mo ay sa iyo na lang. Failures and achievements will be under your own credit.

She sighed. Well he really is a good man with loyalty. Ano namang masama kung nakikipagkita ito sa kanyang kapatid? Ito naman talaga ang first love nito at ang dahilan ng kanilang pagpapakasal. Hindi na sya napansin ng dalawa dahil agad na naglambingan ang mga ito sa kanyang harapan.

Huminga siya ng malalim at humawak sa sliding door para lumabas ng opisina ni Pierre.

"Hi!" Natigilan siya nang salubungin siya nang babaeng mukhang sekretarya ni Pierre.

"My name is Mara, Sir Pierre's secretary. You are?" Nakangiti ito. Mahirap mapansin ang ganda nito kung hindi tititigan, she's plain unlike her and Helena but she's also beautiful in her straight gray dress.

"Helga, I am Helena's sister."

"Nice to meet you Miss Helga. Magtatagal ka ba? Mayroon ba kayong meeting? Or shall I offer you something interesting like tour in our aircrafts?" Mabait na tanong nito. Pinanlakihan ng mata si Helga. She wants it!

"Can we do that?"

"Of course!"

Inilibot sya ni Mara sa labas ng airlines kung saan may kinukumpuning mga eroplano, from small private planes to airbuses. Para syang bata na dinala sa amusement park.

"Hindi ka ba hahanapin ni Pierre?" Tanong ni Helga kay Mara habang namamahinga sila sa isa sa mga private plane na pag-aari at minamaneho daw ni Pierre. Panay naman ang sketch ni Helga sa mga naiisip nyang ideya para sa mga eroplano. Iniisip niyang maganda siguro kung parang beach ang loob kung ang tutunguhin ay summer destinations ng Pilipinas tapos ang iseserve ay mga summer drinks and tropical fruits.

"Hindi ako kailangan ni Sir Pierre hangga't nandyan ang kapatid mo. Ang sweet nga nila eh! May balita ka ba kung kailan sila magpapakasal?" Inosenteng tanong nito kay Helga. Halos masamid naman siya. Kung alam lang nito na ikinasal na ang kanyang amo sa kanya.

"Hindi ko alam, pero tiyak kong mangyayari naman yon. Siguro marami lang silang kailangan pang ayusin." Nagkibit balikat si Helga. Alam nyang siya ang bagay na kailangang ayusin ni Pierre at Helena. 

Someday, Pierre should get rid of her so she should stop admiring Pierre this early. Yun na nga ang kanyang ginagawa.

Dahil ang mga mata ni Pierre ay para lamang sa isang babae, para sa kanyang kapatid..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top