Helga x Pierre 28
Maki Say's: Hello! I am so back! Sobrang haba ng holidays! Lalo na for our family kasi first two weeks ng January ang birthday namin ng anak ko. Sawa na kaming kumain, haha!
Anywho, sa mga malapit sa VALENZUELA PEOPLE'S PARK, magkakaroon ng Grand Fan's Day ang PSICOM at isa ako sa mga manunulat na makikisaya sa JANUARY 14, 9AM-6PM, maraming inihandang surpresa ang Psicom, pati na din ako. Nandoon lang ako maghapon. Magkita kita tayo :)
PIERRE
He couldn't help but smile while their on their way to his hotel. Tinatandaan mabuti ang sinabi na gusto ni Helga. Nakasimangot ito at nakahalukipkip sa kabilang gilid ng sasakyan. Pinapanood niya ang repleksyon nito sa itim na windshield na natatamaan ng malamlam na ilaw mula sa kalsada.
Tumikhim siya. Bago pa man siya magsalita ay sinalubong na siya ni Helga ng masamang titig.
Ito pa ang may ganang magalit sa kanya, huh? Hindi ba ito ang nag-lihim sa kanya ng katotohanan? Nagtago at hindi nagpakita? Dapat siya ang magalit! Pero hindi niya magawa kapag nasisilayan niya ang magandang mukha nito. Her soft eyes and enormous tummy. Naroon ang anak niya. Dinadala nito ang anak niya. He couldn't help it but to feel proud. Sa lahat ng ginawa niya, parang ito lang talaga ang pinaka may sense.
"Saan mo ako dadalhin?" Mataray na tanong nito sa kaniya. Lumipat ang tingin nito sa nagmamaneho ng sasakyan at bahagyang namula sa pagkapahiya. She's still the old Helga, ayaw nitong pakitaan ng kagaspangan ang kahit sino. She doesn't want other people to feel uncomfortable around her.
"We will talk. We have a lot of things to talk, Helga." Kalmante niyang sagot.
"Like what?"
"Business." Pinipigilan niyang mapangiti sa pag-awang ng labi nito.
Tumingin ito sa labas at sinundan ng daliri ang malalaking patak mula sa labas ng salamin.
"Umuulan." Asik nito.
"Hindi naman kita kakausapin sa ilalim ng ulan." Naiiling niyang sagot. Sumimangot muli si Helga.
"Kailangan ko nang umuwi. Ibalik mo ang sasakyan." Parang prinsesang utos nito. Kung hindi niya talaga kilala ito, iisipin niyang spoiled brat ito kahit na malayong malayo ito doon, she's selfless, and loving, and everything positive that is why he loves her and always will.
"Cannot." Inayos niya ang kaniyang kurbata para pigilin ang sarili na yakapin ito ng mahigpit. He should held on Helga until she calms down. The longer, the better. Nag-iisip pa siya ng paraan kung paano maba-blackmail ito. Kung paano ito sasama sa kanya. God, he missed her so much. Ngayong nakita na niya ito ay hindi na niya papakawalan pa. Kung kailangan niyang bilhin ang Chef ng hotel para iluto ang lahat ng hihilingin ni Helga, gagawin niya.
Habang patungo sila sa hotel ay mas lalong lumaki ang patak ng ulan sa labas ng sasakyan. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Helga pero hindi ito nagsalitang muli. Nang makarating silang resort ay patakbo na nilang sinugod ang lobby, nabasa pa din sila sa kabila ng malaking payong na iniabot sa kanila.
Walang patawad ang ulan, humahampas pa ang malakas na hangin na walang direksyon.
"Ang lakas ng ulan!" Reklamo ni Helga habang tinitingnan ang pagkakagulo ng mga halaman sa labas ng hotel, halos humalik ang mga ito sa lupa. "Uuwi na ako, Pierre!"
"Paano ka uuwi? Malakas ang ulan. Tatawid ka muli doon sa tulay pinanggalingan natin?" Seryosong niyang tiningnan ito. Humaplos ito sa tiyan, bakas ang pag-aalala. Gusto na talaga niyang yakapin ito para kalmahin pero hindi niya ginagawa. Alam niyang hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
"Look, you just need to make a call that you are okay. Ibabalik kita pagkatapos nating mag-usap."
"Ibabalik mo ako kung kailan mo gusto? That was my exhibit, Pierre! Kung saan mo ako kinuha ay ang sarili at kauna-unahang exhibit ko! I want to hear the client's commentaries. Gusto kong malaman kung may maibebenta ba—"
"Then consider it sold. Bibilhin kong lahat. Sampu bawat disenyo. Nagustuhan ko lahat, okay?"
Umirap si Helga at humalukipkip. "You are bluffing."
"Then call someone who will look for you and tell them that you are closing a deal. They can draft a contract then I will sign it tomorrow." Nakipagtagisan siya ng titig kay Helga. Nilingon niya ang receptionist. "Please call the Chef, I will meet him at the dining hall. Magbabayad ako kahit magkano."
Nagmamadali namang kinuha ng receptionist ang receiver at tumango tango. Kinuha niya ang kamay ni Helga at hinila ito patungo sa dining hall. Malalawak na lamesa ang naroon pero wala ng mga tao. It is almost 10PM. Kung tutuusin ay nagpapahinga na din dapat ang Chef na ipinatawag ni Pierre.
Ilang sandali pa ay naroon na ang Chef. Binigyan niya ng instructions ito kung ano ang lulutuin. Helga was fidgeting on top of the table. Kinagat pa nito ang kanyang labi. Pagkuwa'y kinhuha nito ang cellphone sa pouch nang mag-ring iyon.
"Papa?" Malambing na sagot nito. Napakunot ang noo niya.
"Okay lang po ako, Papa. Kasama ko po si P-Pierre.."
Hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan ni Helga at ng kausap nito. He sat down in front of her. He looked at her intently. Para namang nailang ito at umiwas ng tingin.
Napabuntong hininga siya nang ibaba nito ang telepono. They should really catch up. Marami na siyang nakakaligtaan sa buhay ni Helga at hindi niya gusto iyon.
---
HELGA.
Nagningning ang mga mata niya nang isa isang dumating ang pagkain sa kanyang harapan. Nanubig ang kanyang bibig habang tinitingnan ang eleganteng pagkakaayos ng kimchi rice at ng bagong lutong chicharon. Pati ang mooncake ay binigyang tuon ang plating.
She scooped some food and forgot her manners to invite Pierre as she tasted everything.
"So? Sinong Papa?" Tumaas ang kilay ni Pierre. Napalunok siya. Dapat bang sabihin niya dito ang kanyang pagkatao? O ang pagkatao ng ama? Nirerespeto niya ang privacy ni Elias Costa. Kaya lang, kung titingnan naman niya ang mga mata ni Pierre, para namang may karapatan itong malaman ang bawat detalye ng buhay niya. Kahit itanggi niya, malaking parte din ito ng pagkatao niya.
"Yung totoong tatay ko." Nag-iwas siya ng tingin.
"You met him?"
Tumango siya. "Pero secret lang kung sino." Kumagat siya ng chicharon at gumawa ng malutong na tunog iyon.
"You still have to introduce the father of your child to him. Lalo na't magpapaalam ka na babalik sa Manila para magtrabaho sa akin."
Pinanlakihan siya ng mga mata. "Anong ibig mong sabihin?!"
"You need to finish your project with me, Helga. Nakatengga iyon dahil umalis ka."
"Come on, Pierre. Wala ka bang tao para doon?"
"Wala." He answered as a matter of factly. Nagngingitngit siyang kumagat ng mooncake.
"Buntis ako."
"Oh, so you are using the pregnant card now, huh? Hindi ba naidisenyo mo ang lahat ng nasa exhibit nang buntis ka? It is not a hard labor job, Helga. Nakaupo ka lang. I will approve your designs and that's it. Pupwede mong ilagay ang mga nagawa mo na para mabawasan ang trabaho mo."
May punto ito, ang hindi niya lang ata kakayanin ay ang makita ito araw araw at salubungin ang galit nito. She will go through the same stress again, magagalit ito at iipitin ang mga designs niya.
"Mukhang nahihirapan ka pa din mag-isip. Maybe I will just cancel the Almonte's road project in Iloilo."
"You cannot do that."
Walang humor sa mukha nito, she sighed in defeat, alam niyang kaya nitong gawin iyon. All her life napaniwala siyang mabuting tao si Pierre, how could she be so stupid? Pero huli na ang lahat, paano pa niya mababawi ang nararamdaman para sa binata? Mahal niya ito kahit alam niyang dirty player ito pag-dating sa negosyo.
"Hindi ko iiwan si Papa dito sa Cebu, he's old."
"Then Cebu it is." Mabilis na sagot ng kaharap. Parehas silang nahinto sa pag-uusap nang may lumapit sa kanilang empleyado ng hotel.
"Mr. Floresca, anong oras po ang wake up call ninyo para sa flight niyo mamaya?"
Napatingin siya kay Pierre. Aalis din pala ito mamaya. They could exchange emails, pabor sa kaniya iyon.
"No need to wake me up. I am staying."
Natigilan siya. Mukhang hindi kasingdali ito ng iniisip niya.
----
"Why are you looking at me like that?" Iritable si Pierre nang tanungin siya. She's wearing Pierre's white polo shirt. Dahil malaki na ang kaniyang tiyan ay umigsi na iyon. Nakahiga siya sa malawak na kama nito sa suite room. His manly scent filled the room, kung dumating lang ito ngayong araw, how can his scent occupy the room like it was his. This was the same thing she would like to go home to, before all the ruckus.
Nakipagdiskusyon siya ng matagal para ibalik siya nito sa Mandaue pero hindi ito pumayag. Malakas daw ang ulan, totoo naman iyon. Baka mastranded lang sila sa daraanan kung magpupumilit sila na bumalik sa City.
Isa pa, nagtext sa kaniya ang ama na manatili na lang kung nasaan ito dahil delikado kung lalabas pa.
Pinanood niya si Pierre na tanggalin ang butones ng suot na polo isa-isa. Napatakip siya ng mukha.
"What?"
Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang huminto ito sa ginawa. Napailing siya. "Masyado ka namang kumportable, Mr. Floresca. Tandaan mong empleyado mo ako at naghuhubad ka sa harapan ka, with me equally naked in front of you."
"I am the father of your child."
"Kanina mo pa iginigiit yan! I did not confirm anything."
Nagsalubong ang kilay ni Pierre at mabilis na inalis ang butones ng suot na polo. "Subukan mo ulit itanggi na sa akin ang batang dinadala mo." Mapangahas na inalis nito ang suot na pantalon. Impit siyang napatili nang pumaimbabaw ito sa kaniya.
"Bastos! Bastos!" Paulit ulit na tili niya. He's practically fanning her neck and she almost smack her head because her heart is dancing happily. Kung may kamay nga lang ang puso niya ay baka pumalakpak pa ito.
"Ang tagal kitang hinanap, Helga."
"You didn't look for me well enough, Pierre." Ganti niya dito. Napailing si Pierre at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. She felt her whole body blushed because of the warmth it brought her. Talaga bang all this years, si Pierre lang ang tanging kahinaan niya? He could try to make a fool of himself pero naroon siya, ang kaisa-isang pupuri sa kahit anong gawin nito.
It doesn't make sense, right? Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na tumingin sa iba, ang kumunsidera ng iba. It was all or nothing, it was Pierre or nothing.
Kaya kahit alam niyang walang katiyakan ang damdamin niya kay Pierre, there she goes, tinatanggap ang mainit na pagpatong nito sa kaniyang katawan, in his underwear at siya ay walang kahit anong pang-ilalim.
"P-pierre." She whispered. Pinag-isipan niya kung narito ba si Pierre sa kaniyang harapan dahil nakatadhana talaga itong mangyari. Paano kung hindi? Would he still want to be with her? Would he take all odds to be with her?
"Paano kung buntis din si Helena?"
"Oh, she's not, Baby."
"Paano, Pierre?"
"Have I not proven my worth?"
"You didn't." Paulit ulit siyang umiling. Kahit gaano niya kamahal ito, hindi niya kailanman lolokohin ang kaniyang sarili. Her doubts are bigger than her problems. Kaya naman kahit may solusyon na ang kaniyang problema, hindi pa din niya magawang maging masaya.
Malungkot na tumingin si Pierre sa kaniya at umalis mula sa kanyang ibabaw. Tumango tango ito bago tuluyang tumayo. Binalot siya nito ng malambot na kumot, pinalitan ang sariling init na hatid nito.
"Sleep then.."
Natakot siya, baka pagkagising niya ay wala ito sa tabi niya. Pero ganoon naman talaga. She cannot cling in to things that is not meant for her. Yun ang natutunan niya sa lahat ng unos na pinagdaanan niya.
Because sometimes, there are actually bigger and better things that God has in store for you and it is more than what your heart wished for.
---
Nagising siya sa pamilyar na amoy, sumiksik siya sa init ng katawan sa kaniyang tabi at for once, nakatulog siya ng mahimbing sa gabi. She used to short naps in the afternoon dahil sa buntis siya pero tuwing gabi ay natatakot talaga siyang matulog. Ngayon ay wala siyang pag-aalinlangan, siguro dahil ay may katabi siya. At si Pierre nga iyon.
Nang magmulat siya ng mata ay napasimangot siya. Sure she wants his scent pero bakit nakakainis pa din ang mukha nito?
"Good morning.." Nakatunghay si Pierre sa kanya, pigil ang ngiti. Hinampas niya ang dibdib nito.
"Ang pangit mo."
"Ouch." Pabirong humawak ito sa dibdib at kunwaring nasasaktan. Natatawang nilingon siya nito at pinisil ang kaniyang ilong, "Anything you want? I will ask the chef to cook at ipapadala na lang dito. I need to prepare early, I have an important meeting. Iniintay lang kitang magising."
Napasimangot siya. Kung gayon ay hindi siya sasaluhan? Oh come on, Helga, don't be so clingy.
Pinanood niya si Pierre na humarap sa salamin at inayos ang buhok nang matapos na itong maligo. Mukhang importanteng meeting nga ito dahil ayos na ayos pa. His destructively handsome in his three piece suit. And that perfume, God, that's the best things she smelled during her pregnancy.
Dinaluhan ni Pierre ang pinto nang tumunog ang doorbell at tatlong empleyado ng hotel kasama ang chef ang nag-lahad ng almusal na hiniling niya. Chicken tapa, kwek-kwek at ice scramble.
Napangiti siya.
"Hindi ka ba kakain, Pierre?" Tanong niya dito. Umiling ito.
"I'll have breakfast at the lobby. Kumain kang mabuti. Ipatawag mo na lang ako kapag may kailangan ka."
Sunod sunod ang naging tango niya habang natatakam sa mga pagkain nakahanda.
---
PIERRE
The old guy looks familiar but he's not as intimidating as Mauro. Ngayon ay alam na niya kung saan galing ang welcoming aura ni Helga. Why she look special among anyone else. It is from her unknown roots.
Tumayo si Elias Costa nang makita siya. Agad na inilahad ang kamay nito na tinanggap niya. Ikinulong pa ni Elias sa isa nitong kamay ang isang palad niya at ngumiti ang mga mata.
"It is nice to meet you in person Mr. Pierre Alfred Floresca."
"It is my pleasure, Sir."
Sabay silang umupo sa pinakasulok ng hotel dining, meron nang nakahandang pagkain sa kanilang lamesa.
"I want to apologize for calling you at the wee hours of the night." Madaling araw nang tumawag ito sa kaniya at humiling ng schedule para makausap siya.
"I understand, Sir. Nasa akin ang anak ninyo. Rest assured that she's resting well."
"I know that. Palagay ko ay kahit hindi ko na sabihin sa iyo, alam kong aalagaan mo ang anak ko. I know you before you know us. Alam kong pinapaimbestigahan mo ang kinaroroonan ni Helga and it was I, who was blocking your way. Pardon for that, Mr. Floresca."
Kahit nagulat ay hindi siya nakaramdam ng galit, he took a sip of his coffee to mask his feelings. Alam niyang wala siyang karapatang mainis dito, Elias was just doing his part as the father of the woman he love.
"Gusto kong makapag-isip si Helga, malaya sa lahat ng stress na pinagdaanan niya sa pamilyang kinagisnan niya. Alam kong pinili ni Helga na magpakalayo kagaya ko para takasan ang problema pero ayokong maisip ni Helga na isa siyang problema na kailangang puksain. She has a life worth living. And deserves to be known to the world. With such talent and beauty, hindi siya pangbahay lang."
"I promise to give her the life she deserves, Sir. Kung hahayaan ninyo ako."
"What do you think my daughter deserves then?"
"She deserves her talent be known, Sir. Hindi ko siya pipigilan sa mga bagay na gusto niya. If she wants to design, I will let her. If she wanted to be 100% dedicated to our children, then I will let her. Kahit anong gusto niyang gawin, susuportahan ko siya, huwag lang siyang mawala sa akin, Sir. I was devastated—"
Iniangat ni Elias ang isang palad nito para pigilin siya sa pagsasalita. "Let bygones be bygones. My house is open for you, Mr. Floresca. Pero ang desisyon ay kay Helga pa din naman. Palagay ko ay pinaglilihian ka non. Nakikita kong bina-browse ang litrato mo sa mga society pages at mukhang galit na galit."
Sabay silang natawa. Her sweet Helga will always be so adorable. Hindi na niya maintay ang pagdating ng araw na magiging malambing sa kanya ito. He misses her wife so badly. Gusto niyang iharap sa mundo ito bilang kaniyang asawa. Kung hahayaan lamang siya nito.
Sinabi niya kay Elias ang lahat ng plano niya habang pinagsasaluhan nila ang almusal sa kanilang harapan., wala namang naging pagtutol ito.
Pero mukhang hindi magiging madali ang lahat dahil nakasimangot si Helga habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansyon ni Elias Costa kung saan siya maninirahan hanggang sa tuluyan na niyang makuha ang puso ni Helga.
Naglakbay ang kamay niya at ipinatong iyon sa namamahingang kamay ni Helga. Hindi siya tiningnan ni Helga, pero hindi din siya pinigilan. Kumilos ang mga kamay nito para pagdaupin ang mga kamay nila.
After all those terrifying months, he finally felt at peace. He knows, he's home now.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top