Helga x Pierre 27


PIERRE.

Simula nawalan siya ng dahilan para ngumiti, hindi na talaga niya iniangat ang labi niya maliban na lang sa mga tipid na salita at kadalasan ay mura pa.

He could just imagine Helga frowning by hearing him curse pero ano nga ba ang posibilidad na marinig siya nito kung hindi naman niya ito nakikita.

Sumimangot siya kanina sa sumingit sa kaniya sa pila papasakay sa eroplano. Sumimangot siya sa katabi niyang nasagi ang siko niya. Sumimangot din siya doon sa stewardess na hiningi ang ticket niya para tiyakin kung sa tamang business class seat siya nakaupo.

Mabuti pang magalit na lang din siya sa mundo kung hindi siya magiging masaya. Damay damay na 'to. Niluwagan niya ang suot niyang necktie at pumikit, he should sleep, bago pa niya basagin ang mukha nang susunod na mambubwisit sa kaniya.

Mabuti na lang at hindi delayed ang flight niya. He arrived at Mactan by 5PM. Galit niyang tiningnan ang paligid. Ang makukulay na poster na pinapakita ang ganda ng probinsiya ng Cebu na merong nakasulat na 'It is more fun in the Philippines' ay masyadong masakit sa mata.

He scowled. 'Talaga lang, ha. Kailan pa naging masaya ang tumira sa napakaliit na isla pero hindi mo naman makita ang hinahanap mo? Tss.'

Gusto din niyang punitin ang poster ng mga mananayaw na may bitbit na maliit na Sto. Nino na nagpapakita ng piyesta ng Sinulog.

"Bakit kayo nakangiti?" Angil niya don sa litrato, tinuro niya pa. 

Nilingon siya nung mga kasabay niyang naglalakad at mabilis ang mga ito na nilagpasan siya. Tiningnan niya ang mga ito ng masama pero mas lalo lang nagsimadali ang mga ito na makalayo sa kaniya. He shook his head in annoyance. Hindi pa siya baliw.

"Mr. Floresca! Maayong pag-abot!" A man in brown hotel uniform welcomed him warmly. Hindi na siya nakipag-eye contact. He knows he will just scowl at him, iniabot niya dito ang maliit na maleta niya at nagpatiuna na papalabas para sumakay sa van ng prestihiyosong hotel sa Mactan, Cebu.

"I need a service to Mandaue by 7PM, kaya ba iyon na makaabot doon by 8PM?" Habang umaandar ay naisantinig niya sa hotel staff na sumundo sa kaniya. The party starts at 7PM but since socializing is not his thing, ginusto niyang magpahuli na lang.

"Yes, Sir."

The ride was boring. Traffic sa Cebu, maliit ang ilang kalsada lalo na patungo sa resort. Nakahanda na sana ang reklamo niya nang makita niya na ang pangalan ng resort kung saan pumasok ang van na sinasakyan niya. Papalubog pa lang ang araw nang makarating sila roon at nang bumaba siya ng van ay narinig niya ang alon ng dagat.

"Sir, tingnan niyo muna ang dagat. Nakita ko po sa itinerary ko, madaling araw kayo aalis bukas, sayang at hindi niyo makikita ang ipinagmamalaki namin."

Gusto niyang isagot sa Hotel staff na nagpakilala bilamg si Ruel na wala siyang oras. Pero parang tinatawag siya ng dagat at nagsimula na lang siyang humakbang papalapit sa tunog ng alon na humaharana sa kaniyang pandinig.

For a brief moment, he stopped and breathe in the salty water as soon as he saw the small waves of the sea. He took everything in. Sabi nila, mabisa ang salt water para magpagaling ng sugat, baka sakalaing gumaling ang sugat sa puso niya kung lalanghapin niya ang hangin na may kalakip na amoy ng tubig alat dahil wala pang naiimbentong bandaid para sa puso.

Malas. He muttered. Ngayon lang kasi niya narealize kung gaano siya kamalas. He grew up and he thought he has everything he needs to survive adulthood. Mali pala siya. Nothing will ever prepare you for a broken bone, more so, a broken heart. Kaya malas, yung hindi ka na nga handa, pinagtripan pa siya ng tadhana.

Umakyat siya sa kaniyang silid. Since he booked late, walang view ang nakuha niyang hotel room, nonetheless, he doesn't care, he will just be taking a nap here. O baka nga hindi na. He's upset with the thought that he needs to work the morning after.

He took a quick shower and change into a clean three-piece suit. After he sprayed his cologne, mayroon nang kumakatok sa kaniyang pinto na maghahatid sa kaniya para sa event na dadaluhan sa Mandaue.

He has no idea what is it except for a furniture exhibit.  Dave sent him photos of the possible design and colors that they might need as furniture. Anything beyond extraordinary. He almost suggested to contact an alien, baka sakaling masatisfy ang kaibigan niya sa mga bagay na extraordinary.

Hindi niya namalayan ang mahabang biyahe kaka-memorize nung design. Ayaw naman niyang magmukhang tanga at magmukhang merong kodigo habang tinitingnan ang exhibit. At ano, wala ba siyang judgement? Ang mga gawa nga ni Helga, jinudge niya.. Kunwari. Dahil magaling naman talaga ito. Walang itulak kabigin.

Mapusyaw ang ilaw sa malawak na parking lot sa showroom pero mula sa entrance patungong lobby ay natatanaw niya na maraming tao. Media and familiar faces of the socialites were there. Ang iba ay nakilala pa siya kaya hindi agad siya nakapasok. He shook hands with some people he met from the past and he heard good reviews from them.

"Pumasok ka sa loob, ang gaganda ng designs! You can pre-order as early as now para makuha mo in two months."

Mahina siyang natawa sa isip. Ano ba naman ito? Para furniture lang, kailangan pang mag-intay? Magaganda din naman ang nasa malls. Idedeliver agad kapag nagustuhan mo.

Nagsimula ulit siyang mainis nang pumasok siya sa showroom, alam niyang isang malaking disappointment ang pagpunta niya dito. However, scent of rose and cherry tickled his nose. It reminded him, home. Mahina ang music sa loob, yung iba ay parang nagkakahiyaan pang mag-ingay. People were testing the couches, the chairs, the loveseats at nabusog ang mga mata niya sa nakakaengganyong kulay at disenyo nang mga iyon. Binabasa niya pa kung saan nag-originate ang design ideas ng designer at bumilib siya sa napakalalim na hugot ng mga iyon.

"Gorgeous, isn't it?" Nag-angat siya ng tingin mula doon sa upuang tinitingnan niya.

"Pierre, right?" Isang babae ang nakatayo sa harapan niya at naglahad ng palad. She's wearing a white empire cut tube gown and has two wine glasses in her hands, ang isa ay inaabot sa kaniya. "Isabelle." Tinanggap niya ang wine na inabot nito.

Lumagok siya sa wine at halos maubos niya iyon sa isang inuman. Isang buwan na siyang umiiwas sa alcohol sa pakiusap ng nanay niya pero hindi niya maiwasang matuwa nang mabahiran muli ang lalamunan niya non. Pinagmamasdan siya ng babae nang balikan niya ito ng tingin. There's amusement in her eyes.

"Amazing. I am a frequent flyer of your airlines and thank you for the magazines that you always have introductory message at the front page, it makes me feel relaxed. I always look forward to it. Tinititigan ko naman kapag long-haul ang flight ko." Dreamy siya nitong tinitigan. She titled her head and tried to make an eye contact with him.

Ngumiti siya at tipid na tumango. Inilinga niya ang mga mata. Naghahanap ng paraan para makaiwas. Hanggang sa hindi inaasahan, isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Nakatingin ito sa kaniya, nakaawang ang labi. Her beautiful black, low-neckline, off-shoulder longsleeve gown has no match on how beautiful she is. Innocent eyes, sultry lips and sculpted jawline. Siguro kahit nakaduster lang ito ay kikinang ng kusa sa agos ng naggagandahang tao at furniture sa paligid.

"Helga.." He whispered while looking at her very obvious baby bump.

---

HELGA.

Sumimangot siya. Gusto niyang guluhin ang low-bun hairstyle na ginawa sa kaniya ni Stephanie. Gusto niyang burahin ang sarili niyang mukha na merong nude tone make up. Hindi ang fact na nakita niya si Pierre ang ikinaiinis niya kung hindi ang fact na meron itong kaharutan na babaeng sexy. Yung babaeng hindi kasinglaki ang tiyan ng sa kanya.

Di bale! She's very proud of her bump. She would not trade it for the world! Nakakainis lang at nagpunta pa ito sa Cebu para magtaksil kay Helena. How dare him!

Wala sa sariling nilakad niya hanggang sa pinakadulong bahagi ng showroom na merong exit, walang nakatambay doon dahil wala din namang makikita. Meron lang access palabas ng venue mula roon. Naghanap siya ng mapagtataguan, swerte siya at nakakita siya ng plantbox. 

This will do.. Hinga. Hinga, Helga.

Naiinis siya sa suot niyang venus cut long gown, mahaba ang slit nito kaya nahihirapan siyang maglakad, bakcless pa iyon kaya kapag nahahanginan siya ay giniginaw din siya. Hindi niya akalaing pagsusuotin siya ni Stephanie ng revealing gown despite her five-month tummy. Hindi tuloy siya makalakad ng mabilis.

"Helga." Kung anong ikinabagal ng mga paa, siya namang bilis ang tibok ng puso niya. Umasa siyang maitatago siya ng plantbox at ng halaman doon.

"Helga!" Palapit ng palapit ang boses. Napapikit siya.

"D-diyan ka lang." Utos niya. Nanginginig ata ang kalamnan niya. Sa galit malamang.

"Wag kang lalapit kundi, sisigaw ako! Anong ginagawa mo dito, Pierre!" Tili niya. Mula sa espasyo sa mga halaman, nakita niyang tumayo si Pierre sa kabilang bahagi ng plantbox, yun ang nagsisilbing pagitan nila. "Manloloko ka! Paano mo yun nagawa? Pumupunta ka pang Cebu para mambabae? Anong klase ka?" Gigil na gigil siya, gusto niyang tadtarin si Pierre ng pinong pino at gawing bopis!

Hindi agad sumagot si Pierre, hindi sinalubong ang galit niya. Hindi din naman siya nag-walkout. She felt stupid standing there. Iniintay niya ata talaga yung apocalypse o ang pagputi ng uwak kaya nakalimutan na niyang maglakad.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Banayad ang boses ni Pierre. "Ang—ang laki na ng tiyan mo.. Ilang buwan na? ang.. ang.. anak natin?"

Kumalabog ang puso niya, hindi, hindi niya dapat malaman. Napaghandaan na niya ang araw na ito. Hindi siya manggugulo sa relasyon nito at ni Helena. Kung kinakailangan niyang magsinungaling, gagawin niya.

"Anong anak?" She almost growled, defensive and bitter. "Hindi sayo 'to! Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka na Pierre! Umuwi ka kay Helena, hindi kung ano ano ang inaatupag mo. Kapag hindi mo gagawin, isusumbong kita sa kaniya!" Pag-iiba niya ng topic.

Narinig niya itong natawa, nainsulto siya sa paraan non. Anger and hatred dripped to his laughter and she couldn't stand it.

"Masakit na nagtago ka at hindi nagpakita pero mas masakit pala yung itanggi mo na ako yung ama ng dinadala mo."

Pakiramdam niya nasa loob siya ng washing machine at paulit ulit siyang iniikot sa nakakahilong pakiramdam. 

Galingan mo pa, Helga! 

"H-hindi naman talaga ah! Hindi ikaw! Totoo ang lahat ng hinala mo sa akin, Pierre, habang magkasama tayo sa ibang bahay kung sino sino ang nila-nila—la—ndi ko."

"You cannot even say the word."

"Nilalandi!" She corrected. "Tama ang hinala mo sa amin ni Travis!" Sorry Travis...

Muli, mahinang natawa ang kausap niya. Bumangon ang inis sa kaniya. Anong akala nito, madaling magsinungaling? Why is he even making it hard for her!

"Saang bundok ka ba galing? Hindi mo ba alam na hindi natuloy ang engagement namin ni Helena? Hindi mo ba alam na hindi siya buntis? At gawa gawa lang niya ang litratong kumalat dahil wala naman talagang nangyari sa amin?"

Hindi siya agad nakapagsalita, parang sumakit ulit yung ulo niya dahil sa nalaman.

"Pinahanap kita. I intentionally bankrupted the Samonte's para lumabas ka pero hindi ka lumabas."

"What? Anong ginawa mo sa kumpanya ni Travis, Bad guy ka! Kontrabida! Masama!" Napalabas siya bigla sa pinagtataguang mga halaman, sabay sila ng kilos ni Pierre dahil lumabas din ito doon sa kabilang bahagi at nagkaharap sila. Nag-iinit ang pisngi niya sa galit. Walang sinabi sa kaniya si Stephanie but knowing Travis, talagang hindi nga nito ipapasabi sa kaniya dahil mag-aalala lang siya sa kalagayan nito.

"Hindi sila tumupad sa usapan. Nakalagay sa kontrata na ikaw ang makakatrabaho ko sa planning. I made them pay for the breach of contract and bad mouthed them in the industry."

Napasinghap siya. Si Travis na walang ginawa kundi puro kabutihan sa kaniya ay napahamak dahil din sa kaniya! Epic fail pala ang pagtatago niya kung ganon!

"AHHHH!!" Tili niya na nakakuyom pa ang kamao. Sobrang inis niya! Pakiramdam niya ay puputok na talaga siya sa galit!

"Gusto mo gawin kitang chicharon? O gawin kong mango shake yang dugo mo?"

She felt her stomach grumbled with the idea, nadistract siya. Geez, nagugutom na naman siya.

Huwag ngayon, Baby. Aawayin muna natin ang impulsive na tatay mo.

"M-mukha kang mooncake!" Napatakip siya ng bibig. Ano ba ang sinasabi niya? Puro pagkain!

"Amoy ka—amoy ka kimchi!"

She failed bigtime. Tumunog ang sikmura niya ng mas malakas tanda ng gutom, kasabay pa non ang pagpapalit ng music sa loob ng showroom kaya dinig na dinig talaga ang tiyan niya. Nagkatinginan sila ni Pierre. Muli siyang namula hindi dahil sa galit kundi sa pagkapahiya.

"I know where to find chicharon, mango shake and kimchi." Sambit nito habang naglalakad papalapit sa kaniya. Ayan na naman, naaamoy na naman niya ang pamilyar na pabango nito in which she felt comfort so many times.

Nakalapit na ito ng tuluyan sa kaniya nang hawakan ang magkabilang balakang niya. She felt her baby kicked inside her tummy. Lukso ba iyon ng dugo? Lumakas ang tibok ng puso niya habang sinasalubong ang titig ni Pierre. God, she missed him. Hindi niya alam kung paano umandar ang araw na hindi sila magkalapit. Gusto niyang umiyak sa dibdib nito at singilin sa bawat araw ng pagsusuka niya na wala ito sa tabi niya. But she still hates him for giving her peak and valleys of emotions everytime he's near. She hates him for making Travis miserable and she will do everything just to make it right!

She bit her lower lip and sniffed. Pinipigilan ang luha na nagsisiksikan na sa gilid ng mga mata niya, frustration and sadness in one. 

Pierre kissed her forehead and she closed her eyes, she felt her tears rolled down her cheeks. Mabilis iyong pinunasan ni Pierre at idinikit siya sa dibdib nito. Narinig niya din ang tibok ng pamilyar na tibok na kagaya nang sa kaniya.

"Let's fight later. Where can we find mooncake? Malayo pa ang Chinese New Year." He touched her bare back and she shivered.

"Tapos iisipin mo na patay gutom ako kasi nagdinner na ako kanina!"

"Wala akong iniisip bukod sa--"

"Bukod sa ano?" Itinulak niya ito nang hinapit siya nito sa baywang at sabay silang humakbang papalayo sa exit.

"Bukod sa'yo." Her stomach flutter, akala niya ay kikiligin na siya nang may sabihin pa ito, "You will pay, Helga. Every minute you left me, I will make you pay."

"Ang sama mo.."

"Ang saya ko." 

Nag-angat siya ng tingin para tingnan ito ng masama! How can he be happy on someone's misfortune? Madami pa sana siyang sasabihin nang mapansin niya na umangat ang gilid ng labi nito, pero agad ding binawi nang mapansin na nakatingin siya.

"Bakit?" Angil nito sa kaniya. Umirap siya. 

"Salbahe." Bulong niya.


♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top