Helga x Pierre 22


HELGA.

Ang mga nilamukos na papel sa kaniyang harapan ay parang naging pangalawang sahig ng opisina ni Travis. Tahimik sina Jin at Ruel sa parehas na silid na siyang nag-co-convert sa 3D ang kaniyang freehand drawing.

"Baka hindi kayanin ngayong araw." Napahilot ng kaniyang sentido si Ruel. Siniko naman ito ni Jin at tiningnan siya dahil bakas sa kaniya ang pagiging determinado.

"Nakakalimang drawings palang tayo, 20 more to go. It is 10PM already. Ano, walang tulugan? Napakaimposible naman ni Mr. Floresca!" Tumingin si Ruel sa wallclock at napakamot ang ulo. Bakas ang pagod.

"Helga—" Mahina ang naging tapik ni Travis sa kaniyang balikat at pinalis niya iyon.

"I can do this."

"Helga, you may not. Okay lang. It is as good as 'no'. Kahit si Mr. Floresca ay alam na humanly impossible ang gusto niyang requirement. Kung talagang irereconsider tayo ay sana binigyan tayo ng isang linggo para ayusin."

Nananakit na ang kamay niya pero patuloy siya sa pag-guhit. "Umuwi na kayo. Magkita na lang tayo bukas ng umaga. I will finish the drawings at bukas naman ay gawin niyo ang makakaya niyo sa 3D. Kung anong aabutin, yon ang ipe-present ko. I just need to do this flawlessly para kahit sketch ay magustuhan niya."

"Baka nag-aaksaya lang tayo ng panahon—"

"Baka din hindi. Subukan natin. Umuwi na kayo, bukas na lang ninyo ako tulungan."

"Jin, Ruel. Get some sleep at the quarters upstairs. Tiyakin niyong gigising kayo ng alas singko ng umaga para makapagsimula kayo ng alas sais sa 3D." Utos ni Travis.

Mayroong sleeping quarters ang Almonte Design and Construction sa ikatlong palapag ng gusali para sa mga empleyado nito, importante ito para sa mga rush projects kagaya ngayong araw.

Nang masarhan na ang pinto ay lumuhod si Travis sa harapan ng lamesa ni Helga, eyeing at her seriously. "Helga, you need to sleep. Kanina ka pa nagtatrabaho."

"No, Trav. I need to finish this. This is your one chance."

"Hindi naman ganon kaimportante.."

"Dapat ay nakuha mo ito kung hindi ako kasama." Malungkot niyang tiningnan ang kaibigan.

"Nalulungkot ka na naman.." Hinaplos ni Travis ang kaniyang braso, "Hindi mo kasalanan, okay? You are still my lucky charm."

"Pizza!!!" Anunsiyo ni Stephanie nang pumasok sa pinto. Sa kamay nito ay dalawang box ng pizza at softdrinks naman sa kabila.

"Helga, after that sketch, matutulog ka na. Lagot ka sa akin kung hindi." Banta nu Stephanie.

Hindi tumigil si Helga kahit kumakain. Nakatulugan na siya ni Travis at Stephanie habang iniintay siya, walang salita ang nakapigil sa kaniya para magtrabaho ng husto. Hindi na din niya namalayan ang oras. Nanginginig ang mga kamay niya nang bumukas ang pinto.

"Helga.." Pupungas pungas na sabi ni Jin.

"I need to finish five more." Bulong niya. Alas-sais na pala ng umaga at hindi pa din siya tapos.

"Hindi ka natulog?" Bulong nito nang makalapit sa kaniya. Ngumiti siya at umiling.

"Mamaya na lang."

"These are bad ass." Napapailing na napasipol si Jin habang iniangat ang sketch niya at itinapat sa ilaw pagkatapos ay binalikan siya ng tingin. "Rest.. Hindi mo ito maippresent kung hindi ka magpapahinga. Kami na ang bahala ni Ruel."

"Hindi ko pa tapos—"

"Matulog ka muna. Gigisingin ka namin ng 9AM, just rest." Sabi ni Jin pagkatapos ay tinapik si Travis na agad na napatayo mula sa pagkakahimbing ng nakaupo.

"Helga, hindi ka talaga natulog?"

"Mayroon pang lima—"

"No." Kinuha ni Travis ang kaniyang mga lapis. "The b-b-" Hindi nito naituloy ang sasabihin. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at mahinang napatango.

"Pakigising ninyo ako ng 9AM, please. This is important to me." Tinapik niya si Travis kasunod si Stephanie para gisingin at ayain matulog sa sleeping quarters ng mga babae.

Her my was occupied with ideas. Nakakapagtakang gumagana pa din iyon kahit papatulog na siya. She wanted the project so bad. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because she wants her vision to happen. Na hindi basta isang recreational activity ang mall kundi isang maliwanag na bonding place.

Parang saglit na pag-pikit lang ang nagawa ni Helga dahil namulat siya sa mahihinang tapik ni Stephanie at sa amoy ng garlic rice sa malapit.

"Sabi ni Travis huwag ka daw palabasin ng kuwarto ng hindi kumakain ng breakfast at nagva-vitamins. You need energy for later. "

"Salamat, Steph. Ikaw?"

Pinanood niya ang kaibigan niyang nagtutuyo ng buhok, "Tapos na. Meron kang damit sa locker mo. Relax ka lang, Helga. Alam kong gusto mong patunayan ang sarili mo pero walang saysay kung mapatunayan mo nga pero apektado ang anak mo. Baby first."

Tumango siya habang pinipilit isubo ang pagkaing nakahanda. "Salamat, Stephanie."

Kung susumahin, hindi kasya ang oras nila kahit hindi pa siya natulog. Even the architechs and seasoned engineers of the firm helped her with the 3D version of her drawings. Nahihiya na siya dahil kani-kaniyang puwesto ang mga ito para magtulong tulong sa proyekto niya. Ang ilan ay naka-indian sit sa sahig, nag-sisiksikan sa couch ang iba. Imagine an 18-year old inexperienced hobbyist, being tasked on something as big as this. Tahimik siya sa isang sulok ng lamesa, wala siyang kahati doon. Pilit na pinipiga ang utak para sa disenyo.

Si Athena naman ang gumagawa ng Powerpoint presentation ng lahat ng natatapos na drawings. Helga caught her breath as she placed color on the crib that she plans to put at the Toddler room, yun na ang panghuli niyang gagawin and it was 12 o'clock in the afternoon.

"I will do this."

Kinuha ni Engineer Almonte ang huli niyang sketch at ngumiti sa kaniya ang ama ni Travis.

"Salamat po." She blushed. Hiyang hiya siya dahil pinag-aksayahan ng lahat ang kaniyang disenyo, she's not sure what they think about the designs, tiyak niyang wala na lang panahon ang mga ito para tumutol.

"Good job! Good job team!" Travis cheered after Engineer Almonte finished. 

Pinakita sa kanila ni Athena ang Powerpoint na may sama-samang drawings nila. Nagpalakpakan ang lahat nang pasadahan nila ang presentation. They were just eating sandwiches while reviewing it.

"Goodluck, Helga!" Malakas at baritono ang boses ng lahat dahil puro kalalakihan.

Hindi na siya nakapag-ayos nang ibigay sa kaniya ni Athena ang tatlong flashdrive na merong pare-parehas na file. "Ayan, kumpleto pati back up, we will be praying for you."

"Si Mang Ronel na ang maghahatid sayo, Helga. Alam mo namang allergic sa akin si Mr. Floresca, ayokong masayang ang pinaghirapan mo." Bulong sa kaniya ni Travis. She smiled and threw her arms to Travis before leaving the office.

"Thank you, Travis. Nahihiya ako sa inyong lahat."

"Don't be. You are great and we believe in you and whatever happens, I want you sane when you come back." Tinapik ni Travis ang kaniyang likod bago sumakay ng sasakyan.

She was praying while the van is on its way. Panay ang sulyap niya sa kaniyang orasan at hinihiling na hindi siya ma-late. Nakahinga siya ng maluwag nang 30 minutes early siya sa Laya Air. Bumaba agad siya nang punong puno ng kaba.

Sana nga ay nagsuot siya ng takong para may marinig naman siya habang naglalakad siya, pero dahil wala naman ay ibinaling niya sa pagngiti ng tipid sa lahat ng makakasalubong niya. Nahihiya siya kahit hindi naman nila alam ang kwento niya. To these people, there was never Helga and Pierre. She was the soon to be sister-in-law of their CEO. Pero hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.

"Miss Helga!" Mara greeted, Pierre's secretary. Ngumiti siya at kumaway sa babae.

"M-may appointment ako kay Pierre."

"Appointment?" Kumunot ang noo ni Mara, "P-pero wala siya dito."

"Sinabi ba kung anong oras babalik?"

"Hindi eh. Pinuntahan kasi ng Ate mo while he's having a lunchbreak at the cafeteria, magpapasukat daw ng suit para sa kasal nila. Excited na ako sa kasal na yon! Perfect couple talaga si Sir at ang Ate mo!" Napapalakpak pa si Mara dahil sa kilig, para naman siyang sinabuyan ng asido sa sikmura.

"W-wala ba siyang ibinilin?"

"Wala, nagtext lang kasi iyon, naiwan pa nga ang mga gamit niya sa lamesa." kaswal na sabi ni Mara, "Itext mo na lang kaya? Usually kasi kapag magkasama yon saka ang Ate mo, hindi na bumabalik dito sa opisina, nagde-date na siguro."

Parang punyal muli ang spekulasyon ni Mara, hindi niya magawang patigilin ito para di na siya masaktan.

"Mag-iintay ako, Mara. Sinabi niyang mag-uusap kami ng alas-tres tungkol sa isang proyekto. Alam kong hindi niya nakalimutan iyon kaya nandiyan pa ang gamit niya."

"Tatawagan ko ba?"

Hindi din siya sigurado kung iyon ba ang gusto niya, pero ayaw niyang isipin nito na isa siyang pabigat. Kaya naman niyang magtiis doon sa matitirang oras nito, she won't demand anything from him, even his time he said was for her.

"Hindi. Huwag. Mag-iintay ako dito, kung pupwede." 

"Aba oo naman, pupwede. Ikaw pa ba? Kaso baka mainip ka. Teka magpapabili ako ng meryenda. Magbasa ka muna ng magazines." Suhestiyon ni Mara nang igiya siya sa couch.

Hindi niya inalam ang oras para hindi siya manghinayang doon. Ang alam niya lang ay matagal siyang nag-iintay dahil dumidilim na sa labas na tanaw mula sa bintana. Si Stephanie din ay naghahanda na para umalis.

"Miss Helga, sure ka bang hindi ko tatawagan si Sir? Baka nakalimutan na non."

Ngumiti siya, alam niyang ayaw siyang iwanan ni Mara. "Ako na lang ang gagawa non. Umuwi ka na."

"Paano ka?"

"Okay lang ako dito. Uuwi na din ako maya maya kapag natanggap ko na ang sagot niya."

Tumango si Mara at kinuha ang bag mula sa lamesa, nawala na din ito sa kaniyang harapan. Dinalaw siya ng antok habang tinititigan ang kumakaway na pusa sa lamesa ni Mara. Humikab siya at pasimpleng pumikit. Wala namang makakakita sa kaniya kung pipikit siya. Isang oras, isang oras lang ang kaniyang magiging palugit pagkatapos ay magpapasundo na siya sa driver nila Travis o di kaya ay magtataxi na lang siya.

"Helga.." A soft pat on her face woke her up. Nasilaw siya sa liwanag ng ilaw ng silid na kaniyang kinalalagyan. Matagal pa bago niya naproseso na nakahiga na pala siya sa visitor's couch doon sa opisina ni Mara at Pierre sa Laya Air, at marahil ay nakatulog ng matagal.

"What are you doing here?"

"Pierre." She whispered huskily.

"If I did not text Mara to check on my schedules, hindi ko malalamang nandito ka pa."

Napakunot ang noo niya saka niya naalala kung bakit nandito siya. Napadako ang mata niya sa kilay ni Pierre na magkasalubong, tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya nagustuhan iyon. Pati ang hugis ng ilong nito ay parang masyadong malaki sa kaniyang paningin. Ang manipis na labi nito ay pangit tingnan kahit na mukhang nakapag-shave na ito. Sumimangot siya.

"Sinabi mo, alas-tres!"

"I know. I was waiting for Mara to tell me that you are here. Hindi ako umasang pupunta ka lalo na nang walang advise na merong nag-iintay." Paliwanag nito. Hindi naman galit pero parang naguguluhan.

"Advise? Kailangan pang sabihin sa iyo na may nag-iintay gayong ikaw ang nag-bigay ng oras?"

"Of course! That is a protocol. Nandiyan lang naman ako sa kabilang building—"

"Nagpapasukat ng isusuot mo sa kasal mo." Dugtong niya. Kahit ano pang paliwanag ni Pierre ay malinaw na sa kaniya, hindi nito ibibigay kay Travis ang proyekto at talagang ginagantihan lang siya at pinapahirapan. Masakit ang katotohanang iyon. "Dapat itinanong mo pa din kung dumating ako. Salamat na lang sa panahon, uuwi na ako."

Gusto niyang umiyak pero palagay niya ay hindi tama ang panahon para doon. She's too drained to cry. Hindi niya matanggap na ang kanilang pinaghirapan ay babalewalain lang ng ganon. Nakalapit na siya ng pintuan nang may maalala pang sabihin.

"I just pushed my luck today. Sana kahit iginalang mo na lang ang oras ko bago sabihin mong hindi pupwede kaysa binalewala mo ang pinaghirapan ko ng ganito."

"Helga. I am willing to listen to your presentation."

Umiling siya, "Kahit hindi na. Alam ko naman na din ang sagot. Sana lang, kahit galit ka, pilitin mong huwag maging masama dahil may mga taong gusto kang tandaan noong mabuti ka, at hindi dudungisan ang alaala mo kahit na nakakasakit ka na."

Itinulak niya ang glassdoor pero bago ba man siya makalabas ay mayroon nang kamay na humihila sa kaniya.

"I am sorry hindi agad ako nakabalik. Akala ko talaga ay hindi ka magpupunta. I learned that my father had a hypertension later this afternoon. Dinaanan ko siya sa ospital kanina. Nawala na sa isip ko na babalik ako sa trabaho."

Hinawakan niya ang kamay ni Pierre na nakakapit sa kaniya para alisin iyon, "Please send him my regards."

"Helga." Ibinalik muli ni Pierre ang kamay niya. "You know that I cannot stand seeing you cry."

Doon niya naramdaman ang basang mukha niya. Mabilis niyang pinunasan iyon. "Aalis na ako."

"I won't let you. Hindi ka aalis hangga't hindi ka nakakapagpresent."

"Wala kang magagawa."

Pinanliitan siya ng mata ni Pierre at ang isang kamay ay mayroong inabot na kung ano sa pader, a beep tone followed.

"Security, lock all the exits."

"Copy, Mr. Floresca." Narinig niya mula sa load speaker.

"Teka, ano? Hindi mo ako palalabasin? Kidnapping 'to!"

"You went inside my building, paano naging kidnapping?"

Hinala siya nito muli sa isang kamay at binuksan ang isa pang pinto mula sa visitor's lounge.

"I want to see it."

Pinagtiklop niya ang kamay sa braso nang huminto na sila sa malawak at madilim na opisina ni Pierre.

"I am tired."

"Tired? Kakagising mo lang."

"And I am hungry."

"Anything you want?"

"Umuwi."

"I need to hear it first."

"Then what? You will say no? Sasabihin mong waste of time?" Galit na sumbat niya.

"Then I'll say yes. Done deal. The project is yours. But let me hear your voice first."

Nagkatinginan silang dalawa pero siya ang naunang magbawi ng tingin.

Inilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket at kumuha ng isa sa mga flashdrives at iniabot iyon kay Pierre. Hindi niya alam kung ano ang isusunod na kilos nito dahil mataman lang siyang tinitigan.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang talikuran siya nito at lumapit sa desktop computer nito.

"25 drawings in total. Ako ang gumawa ng freehand, ang 3D ay pinagtulong tulungan namin. Dala ko din ang actual sketches ko for your reference." Kinuha niya iyon muli sa kaniyang bag at inilapag sa lamesa ni Pierre ang folder. Umupo siya sa upuan sa harap nito.

Binuklat ni Pierre ang drawings niya nang walang sinasabi.

"Mas maganda pa sana kung mas mahaba ang oras na naibigay namin diyan."

"You have a lot of recreational rooms, bakit?" Umupo ito ng maayos sa swivel chair at nagpangalumbaba, his elbow resting at the back of his right hand. Napapangitan talaga siya kay Pierre, mabuti pala at hindi niya ito nakatuluyan kundi ito ang makikita niya araw araw.

"I want the families to have more time in bonding. Sa panahon kasi ngayon, nakakalimutan na ng pamilya ang magreconnect. For me, the greatest form of love is through physical touch and communication."

"Mall ito, hindi park. Sa tingin mo ba ay beneficial ang recreational amenities na non-earning?"

Tumango siya, "Mall is one of the culprits that takes away our loved ones from us, one of the choices if we want to escape or be pre-occupied. Gusto kong magbago ang pananaw na iyon dahil may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa negosyo. Ito ay ang pamilya. Mas gusto ko ang mga amenties na pupwedeng para sa grupo. And the long benches and long tables para walang division. Beneficial ito in a way that the public will appreciate your existence and will build a longterm relationship with the brand."

"Meron ka ding director's club na couch imbes na single recliners."

"That's for families."

"Toddler room. How can an 18-year old think of that?"

"Babae ako, I know I will be a mother soo--someday."

Tumalim ang tingin sa kaniya ni Pierre, "Not anytime soon. I will require you to be hands on to this project 24/7, I will get my money's worth, Helga. Kung aaprubahan ko, kailangan mong bantayan ito and I will look at you closely to make sure you are not playing around. I also have demands. The team will be 100% female--"

"T-teka, ang babae lang sa kumpaniya nila Travis ay ang Mommy niya, si Stephanie at si Athena. Imposible yang sinasabi mo. Kahit ang mga karpentero ay lalaki din."

"Sort that out, then. Ilalagay ko iyan sa kontrata."

Sumimangot siya. Pakiramdam ata ni Pierre ay isa siyang diyos. How can he be a god when he's that ugly?

"Come on, Pierre. You have your own way of saying 'No', right? By giving impossible demands? Mas asta ka pang bata kaysa sa akin."

"Hindi lahat ng hamon ay mamasamain mo. Hindi naman imposible ang hinihingi ko hindi ba? You finished the drawings on time kahit inisip mong imposible iyon."

"Iniinis mo na lang ako."

"Naiinis ka na ba?"

"Oo, kanina pa. Diyan sa pagmumukha mo."

Amused na tiningnan siya ni Pierre, bahagyang nangingiti. "Really?"

"May tanong ka pa?" Asik niya.

"Yes." Tuluyan na nga itong ngumiti sa kaniya, pinagtatawanan pa siya ng pangit na lalaki.

Kahit pagod na siya kakasalita ay tumango siya, bring it on. "Ano yon?"

"Can I buy you dinner for a job well done?" Seryosong tanong nito sa kaniya.

♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top