Helga x Pierre 21


PIERRE.

Napakurap siya sa nakakapanuyang ilaw ng flash ng camera sa kanilang harapan. He became self conscious real quick. Una sa lahat ay hindi siya nakapag-ahit, pangalawa ay namumula ang mga mata niya sa hangover; Mali, sa kakaiyak yata. He  instantly tears up after every booze. Hindi na alam ng kanyang ina kung paano siya aaluin sa loob ng isang buwan ay paulit ulit lang ang ginagawa nito, magpapakalasing, hindi papasok sa trabaho, matutulog maghapon, repeat. Ginising lang siya ng ina kaninang umaga mula sa isang oras na tulog para umattend ng Press Conference.

Their pictures spread like wildfire. With him and Helena on bed, 'Young CEO and heiress steamy photos, revealed' Sino ba naman ang hindi magiging kyuryoso doon.

Sa loob ng mahigit tatlong linggo ay laman na sila ng headlines at si Helena ang nakaisip ng ideya para sa isang 'damage control'. Kailangan nilang ipaliwanag ang nangyari for the sake of their businesses.

"Pierre and I were highschool sweethearts and although we were surprised on how our private photos went viral, I will stand with my belief that there's nothing wrong if people are in a relationship. Come on people, wala kaming bawal na relasyon, sa katunayan nga, ikakasal na kami two months from now."

Nagkaroon ng maliit na komosyon dahil sa announcement nito. Isang mikropono ang tumapat kay Pierre.

"Kailan po ang exact date ng kasal, Mr. Floresca?" Tanong ng nakasalamin na binabaeng reporter. Nanatili siyang nakatayo, hindi alam ang sasabihin.

Malapad na ngumiti si Helena at hinila papalapit sa kanya ang mikropono. "We will update you with the details. For now, please write our clarifications regarding the photos. We apologize to the parents, to the minors who saw our photos and surely we are speeding up the process to find the culprit in devulging those."

Nang umalis na ang media ay magkasabay sila ni Helena na lumabas ng function room kung saan ginawa ang presscon. Kinuha niya ang kamay ni Helena at ipinaharap sa kanya nang silang dalawa na lang.

"Really? You are looking for the person behind the photos?"

Ngumisi si Helena, "Of course not. But we have to say that. Bakit pa tayo mag-aaksaya ng panahon doon, tayong dalawa naman talaga ang nasa litrato. By the way, Francis said you didn't come to his office for the fitting. Nakapili na ako ng tux para sa iyo, mag-papasukat ka na lang."

"I have no time." 

"Okay lang, we can go at his shop from here. How about the cupcake samples I sent you? Alin doon ang cake flavor na gusto mo? I loved the red velvet and lemon cake, pupwede naman daw dalawa hanggang tatlong flavors, anyway that's a 15-tier cake. Pupwede nating ipalagay ang gusto mo bukod sa choices ko. Alin ba doon?"

"Hindi ko pa natitikman. Ikaw na ang bahala."

"The flowers, anong bouquet ang gusto mo? Lily of the valley would be lovely."

"Okay."

Napatuon ang tingin niya sa sapatos na suot ni Helena, a six-inch fucsia platform sandals, bumagay sa suot nitong baby pink longsleeve body hugging short dress, napakunot ang noo niya. "Hindi ba masyadong mataas ang suot mong sapatos?"

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Helena at humilig sa kanyang balikat, "Aww, Pierre. You know I can carry this. You are worrying too much."

"But you are pregnant. Nakapagpacheck up ka na ba?"

"I am busy!" Nakasimangot na sagot nito sa kanya, "Hindi ka naman tumutulong sa kasal na ito, what do you expect me to do? Ang appointment nga lang sa florist ay ang hirap nang puntahan. Ako lang ang gumagawa. I understand that you are a guy, Pierre but I need a hand--"

"Who told you to make this grand? Isa pa, ayaw mo itong idelay hanggang sa makapanganak ka kaya nagmamadali ang lahat."

"Then what? I need to get rid of the pregnancy weight first before getting married hanggang sa hindi na iyon mangyari?" Lumabi ito at pasimpleng pinunasan ang mata, "I am so emotional, God, can we not talk about anything that's stressing me."

"So the baby is stressing you, really?" 

"Of course! Ang hirap kayang mag-buntis!"

"Kung nahihirapan ka pala eh di dapat nasa bahay ka na lang. Or better yet, we should have it checked dahil mukhang hindi ka na okay."

"N-no! I am okay! I am healthy! S-saka sa isang buwan pa ang schedule ko para bumalik sa doktor."

"Sasama ako kung ganoon."

Mabilis na tumango si Helena. Diretso siyang naglakad para pumunta sa parking lot.

"Pierre! Can we have lunch? I want Western cuisine."

"Not hungry."

"Pierre, yung fitting--"

Hindi na niya nirinig ang susunod na sasabihin ni Helena. He saw her being picked up by her nanny, agad na pinayungan ng isang security guard patungo sa sasakyan nito. He started his engine and roared it to life.

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe pauwi sa kanila nang tumawag ang kanyang ina.

"Mom."

"Iniwanan mo daw si Helena doon sa venue ng presscon."

Nanikip ang dibdib niya sa boses ng kanyang ina. She's the one telling him what to do at sumusunod na lang siya dahil wala na siyang pakialam pa. 

"I am sorry, Mom. I-- I just can't focus." Kumudlit sa isipan niya ang mukha ni Helga.

"Gather yourself, Pierre. Ang expansion na pinaplano ng Daddy mo ay malapit na. He wants to see it before we're both dead."

"I know. I can manage." Bulong niya bago tapusin ang tawag.

Hindi niya namalayan na binabaybay pala niya ang daan patungo sa bahay nila ni Helga. The house is far from being grandiose. Bukod sa nakaparada ditong pink Maserati, wala nang bahid ng karangyaan. Bumaba siya sa sasakyan at muling pumasok sa tahanang iniwanan. Napatingin siya sa mga orchids na pinangalanan pa ni Helga. Wala nang bulaklak ang mga ito.

Inabot niya ang water hose na naroon sagarden at binigyan ng tubig ang halos namamatay ng halaman. 

He's hoping that he can revive those kahit alam niyang malabo na ito. Hindi basta basta babalik kung namatay na ito.

"You could have just lied. You could have made those words sweet, para hindi ganito kasakit." He whispered to the plants as if talking to Helga about his feelings.

---

HELGA.

"Tingnan mo nga naman, nagpa-presscon pa ang bruha." Inis na nilakasan ni Stephanie ang TV, "Saka scandal ba yung tawag doon? Tulog naman si Pierre."

"Stephanie." In a warning tone, Travis said. Abala ito sa pagbabalat ng mansanas para kay Helga na abalang nag-i-sketch ng design ng isang model unit sa condominium nila Travis sa Laguna.

'Come on people, wala kaming bawal na relasyon, sa katunayan nga, ikakasal na kami two months from now'

Natigilan siya sa pagkukulay nang wooden table sa kanyang sketch. 

"Two months! E di ang laki na ng tiyan niya non! Eh ito ngang tiyan mo halata na kapag naka-fit ka." Lumapit si Stephanie sa kanyang tiyan at masuyong hinaplos iyon, "Ano, kuchi-cuchi! Baby lablab!" 

"Hindi ka pa niya naririnig, Steph." Napapailing na wika niya.

"Hindi pa, pero nararamdaman niya ang haplos ko.  Malay mo naman, maging future ng anak ko ito. Tiyak na guwapo yan o di kaya ay napakaganda."

"Gumawa muna kayo ni Travis ng baby.." Tukso niya. Agad na namula ang mukha ni Travis.

"Hindi kami talo niyan, lalaki yan si Stephanie." 

Binato agad ni Steph ang binata ng balat ng mansanas. 

"May matres ako, gusto mo ipakita ko pa sayo."

"Not interested." Travis snorted. "By the way, nakita ng client namin ang designs mo, Helga, they liked it and they asked for your email address, magpapa-quote daw ng designs for a big project. Bakit hindi ka na lang mag-ID pagkatapos mong manganak?"

Nag-angat siya ng tingin at napailing. "Kahit hindi naman ako Interior Designer, binibili mo pa din naman ang designs ko, Travis."

"Sabagay." Nagkibit balikat ito, "Ayoko lang na you will lower your price because you don't have the  credentials. Magaling ka."

"Masyado mo nang pinapataas ang confidence ko." Napahaplos siya sa kanyang tiyan. "Basta hindi kami magutom ng anak ko, okay na ako doon."

"I like your perspective, Helga."

"Kaya nga kita kukunin na Ninong para may mapakinabangan naman kami ng anak ko."

"That is a better perspective! Bawasan naman natin ang pera ni Engineer! Workaholic, wala namang pamilya!"

"Kayo na lang kasi!" Tudyo niya. 

Umismid si Stephanie, "Bading ata yan."

"Bading agad, pwedeng hindi lang kita type?"

"The feeling is mutual!"

"O, tama na yan, mamaya mag-away na naman kayo at hindi na naman kami makatulog ni Baby dahil nag-babatuhan kayo ng kung ano ano."

The three of them were living under one roof. Magkatabi sila ni Stephanie sa kama at si Travis naman sa floor. They are working together, si Helga ang designs, si Stephanie ang design execution at si Travis naman ang project manager. Pabor sa kanila na magkakasama sa isang bahay dahil sa trabaho but she's pretty sure na ginagawa ito ng mga kaibigan para hindi niya maramdaman na mag-isa siya.

Kahit kailan naman hindi niya mararamdaman na mag-isa dahil sa kanyang anak, excited na nga siyang malaman ang kasarian nito para mabigyan ng pangalan.

"By the way, I sent to your email the perspective and the idea of the proposed mall in QC. Meron tayong meeting bukas kasama investors ng mall. Just bring your portfolio. Malaking proyekto iyon, I want them to be impressed para tayo ang makakuha ng kontrata."

"Seryoso? Isasama mo kami?" Tanong niya kay Travis. Marami siyang proposals para sa kumpanya nila Travis pero isa pa lang ang nagkaroon ng execution, iyong two-bedroom unit sa third tower ng isang condo sa Makati. 

"Yup, don't worry, andon din ang team of interior designers ng company, magdadala din sila ng portfolio, I want you and Steph to be part of the team kaya gusto kong mafamiliarize kayo sa project sa umpisa pa lang.."

"Nakaka-overwhelm naman Travis. Baka mapaanak ng di oras niyan si Helga."

Nagbago ang ekspresyon ni Travis at binalot ng pag-aalala. "Pinapagod ba kita masyado, Helga?" He asked.

Ngumiti at mabilis na umiling si Helga, "Hindi ah, gusto ko nga ito, abala ako. Wala akong masyadong naiisip."

But it is not true, pinipilit niya lang maging positibo kahit na minu-minuto niyang naiisip si Pierre. Kahit naman ligtas ang kaniyang pagbubuntis, kailangan pa din niyang mag-ingat.

Kinabukasan ay maaga silang naghanda. Isang simpleng three fourths pastel peach dress ang kanyang sinuot at puting ballerina flats. Lagi niyang sinisiguro na kumportable ang kaniyang pananamit. Kapag bahagyang maluwag ang kanyang suot ay hindi pa halata ang kanyang tiyan, hindi naman sa gusto niyang itago iyon, gusto niya lang na maging kumportable ang ang kaniyang baby.

Dalawang oras ang kanilang naging biyahe dahil sa traffic but they were just on time when they reached the venue. Sa isang pribadong restaurant sila nag-tungo, ipinasara iyon specifically for them. Limang round table ang nakapalibot na mayroong kani-kaniyang nameplate sa ibabaw. A small video cam was set up in front at ang window blinds ay nakababa kaya medyo madilim.

There was a prepared projector in front at nakita nila doon si Athena, ang admin assistant nang kumpaniya nila Travis na nag-aayos ng presentation.

"Engineer!" She called, inayos niya ang kaniyang salamin at lumapit sa kanilang tatlo. "Naidagdag ko sa bandang huli ang sketches ni Helga. Bale pagkatapos ni Jin mag-explain, si Helga naman."

"No, Athena. Hindi naman kailangan magpresent ni Helga, I just want to show them the designs para mayroon silang ibang options. This is just a brief presentation, dalawa tayong pinagpipilian at nakapag-present na ang una, so far mas lower ang cost ng atin, but we have to justify the quality of work and the way for them to see it is to present our designs and the artistic impression of our ideas."

"That's right, Engineer!" Masiglang pag-sangayon ni Athena bago tumalikod.

"If we get this, this will be the biggest project by far of Almonte Design and Construction." Humarap sa kanila si Travis.

"Masuwerte daw ang buntis, di ba? Kaya siguro binitbit mo si Helga dito." Hinaplos ni Stephanie ang kaniyang tiyan, hinila din nito ang kamay ni Travis at pinahawak sa kanyang sinapupunan. Nag-tawanan silang tatlo nang bumukas ang glassdoor ng restaurant. Sunod sunod na nagpasukan ang limang lalaking pawang naka suit at tie pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isa sa mga naunang pumasok.

Si Pierre. 

Diretso ang tingin nito sa kanya habang tinutungo nito ang lamesang nakareserba para sa 'clients' ng Almonte Design and Construction. Nagkatinginan sila ni Travis and it is too late for both of them to realize na nakahawak pa din si Travis sa kaniyang tiyan. Napaatras siya, ganoon din si Travis na mabilis na nakabawi at ngumiti. Lumapit ito sa lamesa ng mga bagong dating at kinamayan isa isa.

Nagkatinginan sila ni Stephanie na halatang parehas na kinakabahan lalo na nang mag-abot ng kamay si Travis kay Pierre, tinitigan ito ng matagal ni Pierre pagkatapos ay humalukipkip at humarap sa projector sa unahan. 

"Ang suplado naman ni Mr. Floresca." Bulong sa kanya ni Stephanie bago siya hinila sa bandang hulihang lamesa kung saan walang pangalan na nakalaan. 

Ibinaba din ang blinds sa may pinto kaya tuluyan nang dumilim sa buong restaurant. Ang ilaw ng projector ay tumatama sa mukha ni Pierre na nakaupo sa gilid ng lamesa. Nakikita ni Helga ang buong mukha nito. Dahil madilim ay hindi na siya nahiyang pagmasdan si Pierre. Nakapangalumbaba pa siya habang nag-wa-walkthrough sa sukat ng gusali na ipapatayo.

"Matunaw naman si Mr. Floresca, Beshy." Siniko siya ni Stephanie. Napalunok siya dahil sa puna ng kaibigan. Sinubok niyang mag-focus sa presentation hanggang sa dumating na turn ni Jin, ang Interior Designer sa kumpanya nila Travis, mayroon itong dalawang babaeng katabi na tumutulong sa kaniyang paliwanag. Isang contemporary storefront shopping plaza ang kanilang ideya. Maganda ang bawat 3D drawings ang ipinapakita ng team at halos mapapalakpak siya sa sobrang bilib at pulido ng bawat disenyo.

Jin answered the questions eloquently at mukha namang bumilib talaga dito ang mga kasama ni Pierre. Sa bandang huli ay nag-scroll si Jin ng iba pa niyang designs nang wala nang ipinapaliwanag, siguro ay para na lang ipakita ang kaniyang 'artistic side'. 

"This is a suburban strip, wala pa niyan dito sa Pilipinas, if we have enough time we can do that as well. So I guess, that's all." Sabi ni Jin na patuloy sa pag-pindot hanggang sa madaanan din ang sketches niya. Nahiya siya sa itsura non, mano mano at color pencil lang ang ginamit niya.

"Wait, please go back to the last slide." Narinig niya si Pierre. Mabilis na ibinalik ni Jin sa suburban strip ang slide pero umiling si Pierre, "No, the freehand drawing." Utos nito.

Inilagay nga doon ni Jin sa slide kung nasaan ang iginuhit niya, pinanlamigan siya ng kamay. 

"Is that one of your proposed design?" Tanong ni Pierre. Alanganing ngumiti si Jin.

"T-this is actually not my design."

"That is the design of one of our trainee in Almonte Design. She's been doing our model units lately, the last one she did was our model unit in Makati." Singit ni Travis.

The last one, and the only one, Travis. Gusto niyang isantinig.

"So, let me hear from the designer about the design." Utos ni Pierre.

Natahimik ang buong restaurant. "I am sorry, Mr. Floresca, she's not supposed to present today, idinagdag lang namin ang sketches niya para ipakita sa inyo ang scope and ideas na kaya naming gawin."

"Kung hindi niyo pala ipe-present, bakit inilagay ninyo sa Powerpoint presentation niyo?" Matalas na tanong ni Pierre. Bakas ang kaba sa mukha ni Travis na pilit na inaaninag si Pierre sa kabila ng kadiliman.

"Sorry, I was too ecstatic with her designs." Maliit na boses ni Travis.

"Well then, I am disappoint--"

"My design is called, Ahmed." Tumayo siya mula sa kadiliman. Mabagal siyang naglakad patungo sa harapan, "Or, the praised one. My vision of the mall is about life, not just a lifestyle. It is about living the moment, than escaping to reality. Ahmed will be the beacon at the heart of Metro Manila where families and friends build memories not simply reunite. A mall with a deeper connection to people and mall goers, therefore, its beauty will be praised because it is special and impartiality."

Ipinaliwanag niya ang bawat parte ng kaniyang design, kung paano ilalagay ang bawat departamento pati ang strategic locations ng breastfeeding areas, restroom at lounge. 

"The toddler room is interesting." Tumango tango ang kasama ni Pierre na nakilala niya bilang si Mr. Tee. "Libre ito pero ang tanging makakapasok lang ay ang mayroong anak 0-6 years old. And a prayer room? That's unique."

Nabuhayan siya ng loob. "There will also be a garden instead of the regular activity area inside the mall. Bawat puno na makikita sa Pilipinas ay magandang ilagay dito." Suhestiyon niya.

"What do you think, Pierre? Your father will like it, especially this one."

"How old are you?" Direktang tanong sa kanya ni Pierre. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil doon.

"Eighteen.."

"Eighteen? I couldn't believe it!" Manghang wika ni Mr. Tee.

"And? Licensed Interior Designer?" Kasunod na tanong ni Pierre. She hissed under her breath, alam niyang inaasar lamang siya nito. Alam naman nito ang sagot kung bakit ay nagtatanong pa.

"No, Sir."

"Or taking up Interior Design at least?"

"N-no, Sir." Namaos siya.

"I am sorry, Mr. Tee. I can see that you are delighted with the presentation but I cannot trust a neophyte without any credentials to do the job, that is Floresca's first venture in malls. And safe to say that I am so disappointed and it is such a waste of time to be here--"

"Pierre naman." Hindi niya napigilan. "Pagkakamali na nailagay ang design ko dito, kalimutan mo na ang sinabi ko, kalimutan mo na ang Ahmed, just stick to Jin's presentation."

"I don't like it either, sorry." Tumayo na ito at kinuha ang attache case niya. Nataranta ang lahat ng naroon sa lamesa nang nagbigay ng hudyat si Pierre na umalis.

"Pierre." Sabay sabay na tawag dito ng mga kasamahan na sunod sunod na nagsialisan sa restaurant. 

'Just like that?' Tanong niya sa kanyang sarili.

Kitang kita niya ang panlulumo ni Travis at hindi niya matagalang makita ang ganong mukha ng kaibigan. Nag-madali siyang sundan si Pierre at naabutan nga niya itong papasakay na sa sariling sasakyan. Ang mga kasama nito ay kani-kaniya ding sumakay sa mga sasakyan nito na binigyan pa siya ng magalang na pagtango bago umalis.

"Sandali, Pierre!" Bago pa man nito masarhan ang pinto ng sasakyan ay iniharang na niya ang kamay niya sa pinto at mariing pumikit. Napadilat siya nang walang pintuan na dumantay sa kamay niya bagkus, ang pamilyar na amoy ni Pierre ang sumalubong sa kanya.

Napatingala siya nang nakatayo na ito sa kaniyang harapan. Kahit na natatakpan nito ang araw ay napagmasdan pa din niya ang guwapong mukha nito. Few stubbles grew on his face at mukhang pumayat ito ng kaunti.

"Please reconsider, wala namang personalan.." Bulong niya, "M-mas matanda ka sa akin kaya maging mature ka naman."

"Personalan? Kung gusto ng boyfriend mo na makuha ang project, sana ay inayos niya. And why would I trust you? Hindi ba't you want to travel? Do the things that you want because, what is that again? You are just eighteen. Go ahead, magbakasyon ka. Huwag kang magpanggap na sumusuporta diyan sa boyfriend mo para magmukhang mature because for all we know, ginagago mo rin siya kagaya ng pagpapasakay mo sa akin!"

Malutong na sampal ang iginawad niya kay Pierre. Natigilan siya dahil sa kanyang nagawa. Tumagilid ang mukha ni Pierre at hindi ito agad na kumilos. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"I-I am sorry, Pierre. G-gusto ko lang naman--"

"Gusto mo?" Mapanganib na tanong nito habang binabalikan siya ng matalim na tingin. "Sige, pumunta ka sa opisina ko, I want all your sketches in 3D, with complete drafts  of every amenities and stall samples by 3'o clock in the afternoon, tomorrow, sharp." 

"T-teka--"

"Ano, hindi mo kaya?"

Dumaan sa isip niya ang malungkot na mukha ni Travis, ang kaibigan niyang wala namang ginawa kundi ang mapagaan ang loob niya. Pikit mata siyang nag-desisyon.

"Sige, pupunta ako. Dadalhin ko ang lahat ng kailangan mo. Magkita tayo bukas."

Umatras siya nang sumakay muli si Pierre sa kanyang sasakyan.

"Pierre.."

"What?" Nalunod ang boses nito sa tunog ng sasakyan.

"Yung mga halaman ko sa bahay--"

"They are all dead. Tinapon ko na."

Nasaktan siya sa impormasyon pero pinilit niyang hindi umimik. Kinagat kagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagluha.

Nag-angat sa kanya ng tingin si Pierre at napapailing na sinarhan ang pinto ng sasakyan.


♁☆♁☆♁☆

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile MAKIWANDER and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top