Helga x Pierre 2

HELGA.


"Helga Maurice!"
Dumagundong ang boses ng kanyang ama sa kanyang panaginip. Tinakpan ni Helga ng unan ang kanyang mukha para hindi sya maaabala sa pag-tulog but her dream seemed to be real. So real..

"Helga! Bumangon ka dyan bata ka!"

"Uhmm.." Umungol lamang sya sa boses ng kanyang ama na naguguluhan. Umihip ang malamig na hangin mula sa AC at hinila pa niya ang kumot para yakapin iyon.

What's wrong?

"Im sorry Helena, I don't know what happened."

Napabalikwas ng pagbangon si Helga ng marinig ang pamilyar na boses sa kanyang tabi.

"Pierre!" Naibulalas nya ngunit isang sampal ang sumalubong sa kanyang mukha.

"H-helena.." Sapo sapo ang kanyang mukha ay tiningnan nya ang kanyang kapatid na punong puno ng luha sa mukha.

"Paano mo ito nagawa sa akin, Helga? Huh? Umalis ka lang ng dalawang taon, bumalik ka na ng malandi!" Galit na sigaw ni Helena sa kanya.

"W-what? Why?" Napatingin siya sa kanyang tabi at nakita nya doon si Pierre in his briefs! Halos takpan ni Helga ang kanyang mga mata. Anong ginagawa ni Pierre sa kanyang kwarto? At bakit ito nakahubad?

Pinalibot nya ang paningin nya sa silid at napansin nyang nasa guest room sya at wala sa kanyang kwarto. Nasapo nya ang kanyang noo para mag-isip pero kumirot ng husto ang kanyang sentido dahilan kung bakit napatayo sya na balot lamang ng comforter at tumakbo sa banyo para ilabas ang nag-alburuto sa kanyang tyan.

"Mauro, ang bunso natin—" Narinig ni Helga ang kanyang ina na umiiyak habang walang patid ang kanyang pagduwal.

"Helga Maurice, get dressed and we will talk about this in the library!" Kasunod ng sunod sunod na yabag ay pabagsak na sumarado ang pinto sa guestroom. Napakapit siya sa kanyang dibdib.

She's dead.

Ano ang kanyang nagawa? Humarap siya sa salamin at paulit ulit na sinampal ang sarili na para bang hindi pa sapat ang sampal sa kanya ni Helena.

Mabilisang siyang nag-shower at binalot lang ang sarili ng tuwalya bago magtungo sa kanyang kwarto para kumuha ng damit. Wala na doon si Mary Beth, bahagyang ipinagpasalamat nya iyon dahil ayaw nyang ipangalandakan ang isang issue sa kanilang pamilya ngayon. Kahit sya ay naguguluhan. Si Mary Beth ang katabi nyang matulog kagabi.

But then, her swimsuit laying on the floor inside the guestroom said otherwise. Napagkamalan nya atang kwarto niya ang kanilang guestroom. That's the most stupid honest mistake she ever made her whole life and she's only 18! She doesn't think something would surpass that, if there's any, baka tumalon na lang siya sa ilog Pasig dahil sobra sobra na.

Kabado syang nagpakawala ng mahinang katok sa library bago binuksan ang pinto. The air inside was eerie. Kinabahan sya lalo sa matatalim na tingin na pinukol ng kanyang ama sa kanya. Hindi nya din matingnan ng diretso si Helena at Pierre dahil nahihiya sya.

"W-wag naman kayong ganyan sa akin. There's a big mistake.. I mean, I thought it was my room but—"

"Yan ba ang itinuro sayo ng France? Ang maging liberal ka at pakawalang babae?" Galit na galit ang mata ng kanyang ama at gusto na nyang umiyak. Mauro Ortega, how frightening he is. Kinalakihan na niya ang pagiging malamig sa kanya nito dahil ayaw siyang i-spoil pero ngayon lang ito nagalit ng husto. Pulang pula ang gwapong mukha nito at parang kahit anong oras ay puputok na.

"Dad! This is not a big deal, wala akong hihinging kahit ano kay Pierre. It was my fault okay?"

"Hindi big deal huh? Ganon ganon mo na lang ba ibinibigay ang pagkababae mo sa ibang bansa? You will crawl in anybody's bed for a night cap? That's it, Helga? I expected so much from you!" Humampas ang malaking kamay ng kanyang ama sa matibay na lamesang gawa sa oakwood. Napatahimik ang lahat ng nasa library pati ang kanyang ina.

"Ang sakit nyo namang magsalita, Dad." Ang kaninang nanunubig palang na mga mata niya ay tuluyan nang nagpakawala ng bugso ng luha. Ganoon ba kababaw ang tingin sa kanya ng kanyang ama?

Mahal sya ng kanyang Daddy, she knows that, hindi lingid sa kanya ang pagiging istrikto nito pero nakakapanibago ang turing nito sa kanya ngayon. Kahit anak siya nito ay dapat pa din siyang irespeto.

"At ikaw, Pierre, wala ka bang sasabihin?" Seryosong sambit ni Mauro kay Pierre na nanatili lamang na nakayuko.

"I cannot remember anything—" Gulong sagot nito.

"Oh right two drunkards who woke up naked and cannot remember anything! So paano na ngayon yan?" Tanong ni Mauro na nadidismaya. "Makakarating ito sa mga magulang mo, Pierre and I am sure they'll be very disappointed of you!"

"Sinabi naman ni Helga na walang nangyari—" Umiiyak na sambit ni Helena.

"Stop, Helena. Pierre, anong balak mo sa anak ko?" Untag ni Mauro kay Pierre.

"Dad, please!" Pakiusap ni Helena sa ama.

"Okay, mukhang wala kayong balak maging responsable sa inyong kagagawan. Well then, Pierre, ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko, you do not deserve any of my daughters and you Helga, pack your things, bumalik ka na sa Paris at mamuhay mag-isa. You are such a disgrace!"

"Dad!" Tutol muli ni Helena.

Tumayo ng tuwid si Helga. Masyado na syang nasasaktan sa paratang ng ama. If her memory serves her right, walang anuman ang nangyari sa pagitan nila ni Pierre and she's telling the truth. Kung meron man, why does it have to be this complicated? Maaari naman itong palagpasin dahil wala syang kahit anong inaasahan mula kay Pierre!

"I will pack my things now, thanks Mom & Dad. Im sorry po." Pinahid ni Helga ang naglandas na mga luha.

"Mauro, wag mo namang paalisin ang anak natin!" Pakiusap ni Adriana sa asawa.

"I heard a lot of things, Adriana. Lahat ng pagwawala ng iyong anak sa ibang bansa. Hindi ako naniwala pero ito ang bumungad sa akin? Not only that! Talagang sa nobyo pa ng kanyang sariling kapatid!"

Hindi na pinakinggan pa ni Helga ang mga sinasabi ng kanyang ama. Masyado na syang nasaskatan. Sinarado na lang nya ang pintuan sa kanyang likuran. She may be at fault pero sobra sobra na ang paratang sa kanya ng Daddy nya. She had fun in Paris, yes, but she never smoked nor drowned herself in alcohol. Naging working student pa nga sya doon, she's working as a model while studying. Mataas ang respeto nya sa kanyang sarili at hindi din nagpapahalik kung kani-kanino.

Hindi na nahirapan si Helga sa pag-aayos ng kanyang gamit dahil hindi nya pa nailalabas mula sa kanyang mga maleta ang dala-dalahan nya kahapon.

Pagbukas niya ng kanyang pintuan, nakatayo doon si Pierre na siyang ikinagulat niya. Nag-igting ang panga nito at kumuyom ng kamao. Bahagya siyang umatras dahil pakiramdam niya ay sasaktan siya nito ngunit bumagsak lang ang tingin nito sa kanyang mga sapatos.

"Did you that in purpose?" Tanong sa kanya nang hindi nakatingin.

"N-no, Pierre.."

"Noong umalis ka, sinabi mong gusto mo ako."

"I just told you I was stalking you!" Napalakas ang kanyang sigaw kaya umayos siya ng pagkakatayo, "I---I was very young then, Pierre. I must be amazed with the relationship you have with Helena, ganoon lang. Hindi kita gusto!" Hayagang pagtanggi niya sa totoong nararamdaman.

"Then why did you go in my room?" Hinampas nito ang kanyang pintuan. Binalot siya ng kaba at takot sa lalaki. Madidilim ang mga mata nitong masuyo kung tumingin. His lips pressed in to one line. Galit ito, ganito pala kung magalit ito.

"Hindi ko pa ba naipaliwanag mabuti, Pierre? I was drunk. So drunk that I thought I entered my room. Hindi ko iyon sinadya. Para sa inyo I am an easy girl, right? What makes you think that I want to get my tied at this age? Ayoko, Pierre! Hindi sayo o hindi kahit kanino!" She yelled. Padabog niyang kinuha ang mga gamit niya. Pabagsak niyang hinila iyon sa grand staircase nila kaya gumawa ng ingay.

Pagdating niya sa main door ng kanilang mansyon, nandoon ang kanyang Daddy na nanatili lang ang titig sa kanya, kahit wala itong sinasabi ay mas nasasaktan siya. He's disappointed. Kitang kita niya iyon sa mga mata nito.

"One day, you will be so proud of me. So proud that you will tell the world that I am your daughter!" Puno ng hinanakit niyang sabi bago tuluyang umalis.

Sa isang huling sulyap sa kanilang mansyon, binuhos ni Helga ang kanyang mga luha. Hindi na sya muling makakabalik dito base sa tingin sa kanya ng ama kanina. Totoong itatakwil talaga sya nito.

Kinuha niya ang kanyang cellphone habang naglalakad papalayo sa tahanang kinalakihan niya.

"Hello , Claire?" Napaluha si Helga pagkarinig ng boses ng kanyang kaibigan sa kabilang linya.

'Helga! Umiiyak ka ba?'

"I was kicked out from our house. Pupwede mo ba akong sunduin?"

----

"IKAW naman kasi, bakit ka ba uminom?" Tanong sa kanya ni Claire habang itinutulak papalapit sa kanya ang isang basong juice. Hikbi lang ang tinugon ni Helga. Isang kwarto lang ang pagitan, nagkamali pa sya ng kwartong pinasok! She should have stayed outside noong hindi na siya makatayo.

"I got curious. It was my first time, ni hindi ko nga alam na nandoon pa si Pierre sa aming bahay. Akala ko si Mary Beth ang katabi ko." Pinunasan ni Helga ng tissue ang namamaga nyang mata.

"O sya, you can stay here. Kilala ka naman ni Mommy at Daddy. Sagot ko ang pagkain, pero ang pag-aaral mo hindi ah. Wala pa akong ganoong halaga." Wika ni Claire sa nakakaawang kaibigan.

---

NANATILI si Helga kasama ang pamilya ni Claire sa loob ng dalawang linggo. Sinubukan nyang tumawag sa pamilya pero kapag nalalaman na sya ang nasa kabilang linya ay binababaan sya agad. She never felt longing for her own family, until now, lalo na kapag nakikita nyang masaya ang pamilya ni Claire. Naiinggit siya. Madaming 'sana' ang dumaan sa isip niya. Sana hindi na lang siya umalis para hindi nabawasan ang dati nang kakaunting pagmamahal sa kanya ng ama. Iba siguro ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Sa tingin ko, kailangan kong maghanap ng trabaho." Wika ni Helga habang nakahiga na sila ni Claire sa kama nito at naghahanda ng matulog. Meron siyang savings pero hindi naman ganoon kalaki.

"Like what job?"

"Modelling, yun lang naman ang alam kong gawin."

The short hair of Claire friend covered her face, namumroblema din ito para sa kanya.

"Helga, alam mo namang hindi nababayaran ng maayos ang mga models dito. This is not France. Uso dito ang ex-deals, probono, o kaya libreng shampoo or sabon bilang bayad." Pagpupunto ni Claire. Napalabi si Helga. Wala din namang tatanggap sa kanya kung sakali dahil hindi pa sya tapos sa kurso nyang Fashion Design. Ang kursong tiyak na mas ikakagalit ng kanyang ama. They all thought she's pursuing Business Management pero hindi iyon ang ginawa nya.

"I don't know what to do.." Napahilamos siya ng kanyang mukha. Nahihiya na don siya sa mga magulang ni Claire kahit na hindi naman siya itinataboy ng mga ito.

"Claire...." Mayroong kumatok sa labas ng pinto ng kanilang kwarto.

"Ma?" Si Claire.

"Mayroong naghahanap kay Helga." Sambit ng Mommy ni Claire nang sumilip ito sa pinto. Naexcite si Helga. Sinusundo na kaya sya ng kanyang Daddy?

Nagmadaling bumaba sa kama si Helga at halos takbuhin ang living room ng bahay nila Claire. Natigilan sya ng isang hindi inaasahang bisita ang bumungad sa kanya.

"P-pierre?"

Gulo gulo ang buhok nito at gusot gusot ang damit, parang hindi ito nakakatulog ng maayos nung mga nakaraang araw. Tumayo agad ang binata pagkakita kay Helga. His jaw moved in a slow sudden motion.

"Helga. Let's get married." Bungad nito sa kanya na parang maduduwal.

Napaawang ang labi ni Helga. Hindi nya ito inaasahan lalo na't magmumula kay Pierre ang desisyon.

"Ginigipit ako ni Tito Mauro. Nabawasan ang sales ng Laya Air dahil sa pagbawi nya ng investment sa aming kumpanya. Hindi man nya diretsong sabihin, he wants me to marry you. Kung gusto mong makabalik sa inyo, kailangan nating magpakasal." Desperadong sambit nito.

Sure, gusto nyang magkaayos sila ng kanyang pamilya pero hindi sa ganitong paraan. Ngunit ng makita nya ang ayos ni Pierre na halatang desperado, tila may tumutulak sa kanya para ito ay pagbigyan. Isa pa, sya din naman ang may kasalanan ng kaguluhang ito hindi ba?

"Helga, please. Marry me." Namamaos na sabi nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top